CHAPTER TWO

26 4 0
                                    

BODYGUARD

Buong biyahe papasok sa eskuwelahan ay nakasimangot ako habang si Elias naman ay tahimik lang at parang walang pakialam sa mundo. Bago bumaba sa sasakyan ay hinarap ko siya at pinagsabihan.

"I don't want you lurking around, so please. Kapag nasa school tayo, stay as far away as possible from me, will you?" mataray kong tanong.

He was smirking at me without humor.

"Trust me, I don't even want to babysit you," arogante niyang sagot.

Uminit ang pisngi ko sa narinig kong salita. What the hell?

"Excuse me? Kung ayaw mo naman pala ng trabahong ‘to, bakit mo tinanggap?" iritado kong balik sa kanya.

Hindi ko siya maintindihan! Alam ko namang arogante siya, at antipatiko pero hindi ko in-expect na ganito pala siya ka lala!

At ano'ng babysit? Hindi naman ako sanggol!

Tumaas ang kilay niya. There's amusement hiding behind his humorless smile.

"Hindi ako katulad mo na pinanganak na mayroong gintong kutsara. Just so you know, I have to work my ass off so I can study. I'll be around, but I won't let you see me," malamig niyang sagot, saka mabilis siyang bumaba sa sasakyan.

Naiwan pa akong nakatulala at lalong nagpupuyos sa inis. Every word that left his mouth were dripping with sarcasm and insult. As far as I remember, wala naman akong ginawa sa kanya!

I walked hastily to my classroom just before the bell rang. Naroon na si Chelsea sa puwesto namin, at tahimik akong umupo sa tabi niya. Nasa isip ko pa rin ang mga sinabi ng bwisit na lalaking iyon!

"Ang aga-aga, magkasalubong na agad ang kilay mo. Woke up on the wrong side of the bed?" nakangisi niyang tanong.

"Sinong hindi maba-badtrip? Gosh! Alam ko naman na pasaway ako, but for Papa to hire a fucking bodyguard? Sana kinulong niya na lang ako!" puno ng iritasyon ang boses ko.

Namilog ang mga mata ni Chelsea at nang napagtanto niya ang sinabi ko, humagalpak siya ng tawa. Lalo akong nairita nang bumaling sa amin ang iba pa naming mga kaklase na ngayon ay kuryoso na sa kung ano'ng pinag-uusapan namin.

"Totoo ba? Kumuha si Tito ng bodyguard para sa'yo?" tatawa-tawa niyang tanong na para bang hindi niya narinig ang sinabi ko kanina.

I looked at her sharply. Pero sa halip na tumahimik ay nagpatuloy siya sa pagtawa. Hindi na ako nag-abala pang sumagot dahil naiinis pa rin ako. Hindi ko pa rin matanggap!

"I'm sorry, hindi lang ako makapaniwala, Yze," saad ni Chelsea nang sa wakas ay tumigil na siya sa paghalakhak.

Bumuntong hininga ako. Alam ko naman na pasaway ako, pero hindi ko kailangan ng bantay. At lalong hindi ko kailangan ng tutor.

Okay, fine! Kailangan ko ng tutor sa Math, pero kailangan ba talagang ang lalaking iyon ang kunin ni Papa? I'm pretty sure there are some people who are more intelligent than he is.

Yeah, right? Sinong niloloko mo, Yze? Running for Valedictorian nga, 'di ba? Ibig sabihin, siya ang pinakamatalino!

"He's not only my bodyguard, he's also my fucking tutor! Nakakainis! Bakit kasi siya pa?" nanggalaiti kong bulong.

"Teka, sino ba 'yang bodyguard slash tutor mo?" curious na tanong ni Chelsea.

I looked at her helplessly. Kahapon lang ay halos sumabog ako sa inis sa lalaking iyon, tapos ngayon kailangan ko siyang pakisamahan for my own sake? This life sucks!

"You wouldn't believe it. Iyong aroganteng lalaki na naka-away ko sa cafeteria kahapon. Of all people, siya talaga ang kinuha ni Papa? Really?" hindi makapaniwala kong sagot, dahilan para muling humagikhik si Chelsea.

Scars Series 1: Embracing The ScarsWhere stories live. Discover now