CHAPTER SEVEN

17 2 0
                                    

SPARK

“Wow! Ang taray! New bag!” nanlalaki ang matang sambit ni Chelsea. Bumaba ang mga mata niya sa sapatos ko at napailing. “New shoes! Grabe, kailan ka lang bumili ah?”

I rolled my eyes at her. Naglalakad kami papunta sa building ng Junior High. Kasama namin si Elias at Sean na parehong napalingon sa akin nang marinig ang sinabi ni Chelsea. Sean grinned at me, while Elias looked at intently as if he was trying to read me. Umiwas ako ng tingin.

“Bigay lang ni Mama,” kibit-balikat kong tugon.

Iniwasan kong tingnan sila dahil ayaw kong makita nila na nalulungkot ako. Akala ko dahil sa burst out ko ay magbabago ang isip ni Mama. But I was wrong, I should have known better. Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko.

“Umuwi si Tita?” Chelsea asked excitedly, oblivious to the fact that I didn't sound happy.

Sinimangutan ko siya. “Hindi. Nag-overnight lang siya sa bahay. Bumalik din agad siya sa Manila.”

Uwi bang matatawag iyon? Sabi ni Papa, uuwi siya dahil nami-miss niya kami. However, I'm beginning to question if it was true. Mas nagmukha kasing umuwi lang siya para sa kapritso niya— ang humingi kay Papa ng bonggang birthday.

“Ay, sayang naman! Di man lang kami nagkita,” ani ni Chelsea.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Nang dumako ang tingin ko kay Elias ay napansin kong mariin ang titig niya sa akin, dahilan para lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko kayang tagalan ang kanyang titig dahil pakiramdam ko ay nalulunod ako, kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.

“She's busy preparing for her birthday,” paliwanag ko.

“Ay talaga, kailan nga ulit ang birthday ni Tita?” si Chelsea.

I let out a deep sigh. “In two months,” walang gana kong sagot.

Agad na lumukot ang kanyang mukha na para bang nadismaya siya. “Matagal pa pala,” tila puno ng panghihinayang ang boses ni Chelsea.

“Hindi rin naman siya rito magse-celebrate. She'll be having a party at the Manila Peninsula Hotel,” mapait kong saad.

Chelsea's shoulder fell. “Ganoon ba? Sayang naman!”

“Let's just not talk about her,” sambit ko at nagpatuloy sa paglalakad.

I still feel so annoyed. Hindi ko maintindihan kung bakit hinahayaan lang ni Papa si Mama. Kung ako ‘yon, I would chain her in our mansion. Minsan nga, naiisip ko, does she even deserve my father? He has always been faithful to her despite their distance.

I am aware that they married out of an agreement between my grandparents, but Mama could at least try to love my father. He is the sweetest, and I'm sure it's not hard to love him. I sighed. Bakit ko ba pino-problema ito? My Mama is old enough to decide on her own. Much more, to know what is right and what is wrong. Maybe she has her own reasons.

I tried not to think about her. At this age, dapat ay nasasanay na ako, pero hindi pa rin talaga. I'm still hoping that one day, she will realize our importance too. Na sana, maalala niya ring may anak siyang nangangailangan ng kanyang presensya. But I guess, it's too much to ask.

Lumipas ang mga araw na ganoon lagi ang pakiramdam ko— malungkot. Hindi ko maipaliwanag, pero sobra akong nangungulila sa pagmamahal ng isang ina.  Yes, we have money, power and fame. Marami ang galit sa akin dahil akala nila ang perpekto ng buhay ko. They envy me because they thought I had everything. Kung alam lang nila, I don't want all those material things and everything that comes with our money. Aanhin ko ang mga ‘yan kung hindi ko naman maramdaman ang pagmamahal ng Mama ko? Unconsciously, a tear fell from my eyes out of frustration.

Scars Series 1: Embracing The ScarsWhere stories live. Discover now