CHAPTER SIX

16 2 0
                                    

GIFTS

"So, you have a crush?" Elias asked in a low voice.

Magkatabi kami sa backseat ng sasakyan habang bumibiyahe pauwi. His question caught me off guard. To be honest, I didn't think he was interested because he was quiet the whole time we ate our lunch.

I felt my heart beat racing as I thought of the ways not to answer his question.

"Chelsea is just fooling around," I said. Agad kong iniwas ang paningin ko sa takot na baka mabasa niya sa mukha ko na nagsisinungaling ako.

"It's okay," kibit-balikat niyang saad.

Napalingon ako sa kanya. Okay? Okay lang na magkaroon ako ng crush?

"Having a crush is normal at your age. Basta huwag ka munang mag-boyfriend. You're still a kid," he added.

Nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya. Really? He called me a kid? Tinaasan ko siya ng kilay.

"Excuse me! I'm not a kid, Elias. I'm already fifteen," inis kong turan.

"Still young for me," mabilis niyang sagot.

Inirapan ko siya. "Eh ikaw nga, eighteen ka na, pero wala ka rin namang girlfriend! Ibig sabihin bata ka rin?"

A ghost of smile appeared on his lips, while his eyes were filled with amusement. "Well. . . I'm not in a hurry. I'm still young," he replied, not taking his eyes off me.

Hindi ko maiwasang salubungin ang kanyang titig, na pakiramdam ko ay tila nilulunod ako sa kailaliman ng kanyang mga mata.

Sa ilang segundong pagtatagpo ng aming mga mata ay nakaramdam ako ng kakaiba. Bumilis ang pintig ng puso ko na animo'y tumatakbo ako ng ilang milya kahit na nakaupo lang naman ako sa sasakyan.

My eyes are glued on him. And no matter how I try to divert my attention, I always end up looking back at him.

"Trust me, Ylleaze. Kapag tama na ang oras at panahon, kusang darating at matatagpuan mo ang pag-ibig na para sa'yo," seryoso niyang saad.

There was promise and certainty in his eyes. And somehow, it calmed my racing heart. I knew I believed every word he said.

I smiled and nodded at him.

Dumating ang weekend at katulad nga ng sinabi ni Papa, umuwi si Mama galing sa Maynila. Maaga pa lang ay abala na ang mga kasambahay sa paglilinis at paghahanda para sa kanyang pagdating. I stayed inside my room and prepared for her arrival.

I was excited. In the past months since Elias helped me with my studies, I can tell that I improved so much. My scores are now good and I even recite in class. My grades are great, and I am hoping that Mama will be impressed.

Inilagay ko sa isang folder ang mga test papers ko na may matataas na marka. I took a shower and changed into a casual sunflower dress. Naglagay ako ng kaunting pulbo at liptint para maging presentable ako sa pagdating niya.

I heard from the Papa that the plane has already landed in Mactan-Cebu International Airport. Hindi naman iyon ganoon ka layo mula sa bahay namin, pero kung ma-traffic sa daan ay baka matagalan din siya sa biyahe.

Kumikinang ang aming sahig, at walang bahid ng alikabok ang nga muwebles. Bago na ang mga kurtina, at pati na rin ang mga punda ng throw pillows na nasa living room. The ambiance was unusually warm and light.

"Your Mama will be here in a few minutes, are you excited?" Papa asked.

He was sitting across me, in a single sofa seat innthe living room. Sa isang kamay ay hawak niya ang isang tasa ng kape, habang sa kabila naman ay isang aklat tungkol sa business management ang kanyang hawak. Natatakpan ng libro ang kalahati ng kanyang mukha, at nakayuko siya habang nagbabasa kaya hindi ko rin masabi kong excited din ba siya. Matagal-tagal na rin simula nang huling umuwi si Mama.

Scars Series 1: Embracing The ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon