CHAPTER FIVE

20 2 0
                                    

CRUSH

I guess that did it. Simula no'ng araw na iyon ay naging maayos na rin ang pakikitungo ni Elias sa akin, at ako rin sa kanya. I didn't know that a day will come when we will be close enough to consider each other as friends. Madalas pa rin naman kaming nagbabangayan, pero hindi na katulad noon. I grew fond of him, and he always made me feel secured just like how a brother would usually care for his little sister.

Madalas na rin siyang sumasama sa amin, at tuwang-tuwa naman si Chelsea dahil crush niya pala si Elias. Si Sean naman ay palaging nakabusangot, pero maayos naman ang pakikitungo niya kay Elias. Truth be told, mas nagkakaintindihan sila dahil bukod sa magka-batch sila, classmates din pala sila. It's also good kasi imbes na pagtambay ang ginagawa namin, naging group study iyon madalas. Tinuturan kami ni Elias sa mga lessons na hindi namin naiintindihan ni Chelsea. At hindi ko man aminin, malaki ang naitulong niya sa amin para tumaas ang mga grado namin. It made me want to achieve greater heights. Baka sakali na mapansin ako ni Mama kapag gumanda ang grado ko sa paaralan.

I sighed. Madalas ay wala si Mama sa bahay sa bahay. Palagi siyang nasa Manila kasama ang kanyang mga amigas, nakikipag-party o hindi kaya ay nag ca-casino. At kung umuwi man, hihingi lang siya ng pera kay Papa at aalis ulit. Si Papa lang ang madalas kong kasama sa bahay. And I know, that part of the reason why I had been bad at school is because I want Mama to come home. Saka niya lang ako kinukumusta kapag may nagawa akong hindi maganda. I long for her attention and love. Minsan lang kami nabubuo, at kung magbabakasyon man kami ay ilang araw lang din.

"Papa, kailan daw po uuwi si Mama?" I asked over dinner.

Bumaling si Papa sa akin. "She'll be here on weekend. She said she misses you." Ngumiti siya sa akin, pero hindi ko magawang ngumiti pabalik. Kung totoong miss niya ako, bakit hindi na lang siya dumito? Why would she rather spend her time with her friends than with me?

Gusto ko rin ang pakiramdam ng buong pamilya. Iyong may kasama kang Mama at Papa, at hindi isang magulang lang. Sa ginagawa kasi ni Mama, parang hindi rin kami buo kasi palagi siyang wala rito.

"Hindi naman 'yan totoo, Pa. She doesn't even care for me." I pouted.

"Of course, she cares for you. Ikaw lang nag-iisang anak namin, kaya mahal na mahal ka namin. Now, be good at school. Para iyan sa kinabukasan mo," Papa assured me. Tumayo pa siya at lumapit sa akin para yakapin ako. Napalingon lang kaming pareho nang narinig namin ang boses ni Elias. "Good morning, Sir. Good morning, Ylleaze."

Tumango si Papa, habang ako naman ay tahimik na ngumiti kay Elias. "Good morning. I'm done." Tumayo na ako at dinala ang plato ko sa sink. "Let's go?" yaya ko kay Elias.

"Aalis na po kami, Sir." Kinuha ni Elias ang bag ko at sinukbit iyon sa balikat niya. Bago kami tuluyang makaalis ay nagbilin pa si Papa. "Mag-ingat kayo. Ingatan mo ang anak ko, Elias."

"Makakaasa ka po, Sir," sagot ni Elias, saka siya bumaling sa akin. "Tara na."

Kinuha niya ang bag ko katulad ng nakagawian. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto, saka siya umikot sa kabilang side ng kotse. Nakaupo na kami sa loon ng kotse at papunta sa eskuwelahan, pero hindi pa rin naaalis ang bigat sa dibdib ko. "Problem?" Tanong ni Elias.

Bumuntong hininga ako, saka malungkot na ngumiti sa kanya. Siguro naman, pwede kong sabihin sa kanya ang dinadala ko? After all, magkaibigan na rin naman kami. "Si Mama. Miss ko na siya." Nag-iwas ako ng tingin. Kahit sa simpleng pagbanggit ng pangalan niya ay nalulungkot ako. At hindi ako sanay na ganito.

"Huwag kang mag-alala, sigurado akong miss ka na rin niya." Ngumiti si Elias pagkatapos niyang sabihin iyon.

It was like something lit up when he smiled. Agad ding gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. Maybe, because I believed that when he said it, magkakatotoo iyon.

Scars Series 1: Embracing The ScarsWhere stories live. Discover now