CHAPTER EIGHT

13 1 0
                                    

WAIT

Somehow, it helped me forget about the pain of being neglected. I realized that it won't change. Ilang taon na nga ba? I've been in this world for fifteen years, but I have no core memories with Mama, maliban na lang sa iilang birthdays na narito siya. Though most of the time, she comes home a few days past my birthday.

Noon, hindi ko na naisip na magdamdam dahil mas nangingibabaw sa akin ang saya sa tuwing dumarating siya. Pero habang tumatagal at lumalaki ako, napagtanto ko na hindi dapat ako makuntento sa gano'n. Nai-inggit ako sa mga kaklase ko na mayroong kompletong pamilya— iyon bang kasama nila sa araw-araw. Naiinggit ako sa tuwing naiisip ko na kahit sa araw ng birthday ko ay hindi kami kompleto. And no matter how grand the celebration is whenever Mama comes home, it just feels different.

Noong naging teenager na ako, I resorted to doing bad things just so I could have her attention. Iniisip ko noon, na siguro kapag nakikita ni Mama na may bad record ako sa school, baka sakaling umuwi na siya at alagaan ako. Her absence in my life created a deep wound in my heart. Isang sugat na hindi ko alam kung maghihilom pa ba sa paglipas ng panahon.

And maybe, it's time to let go of that pain. Kapag hinayaan ko pa ang sarili ko na umasa, ako pa rin ang masasaktan sa huli.

Naalala ko si Elias. I know I already thanked him, but I don't think it was enough for what he has done for me. He didn't judge me or bombard me with questions. He was just there, making me feel his presence and letting me feel that I wasn't alone.

Napangiti ako. Kita mo nga naman. Months ago, if you would ask me, I would probably never be friends with him. But right now, he became my comfort. With him, I was able to express myself. Hindi ko ugali ang umiyak lalo na sa harap ng ibang tao, but with him, it felt okay. Na para bang ayos lang na ipakita kong nasasaktan ako dahil naiintindihan niya ako. . .kahit pa hindi niya sabihin.

And after what happened that day, mas lalo rin akong humanga sa kanya. The incident also brought us closer to each other. Nasanay na rin ako na lagi siyang kasama lalo na sa lunch break at minsan. . .pati na rin sa afternoon break.

Mas pinag-igihan ko rin ang pag-aaral, hindi lang para kay Mama, kundi para na rin sa sarili ko. I wanted to be proud of myself, and to achieve greater things. . .para kahit doon man lang ay magpantay kami.

“What do you want for snacks? Ako na ang bibili,” pagpi-presenta niya.

Nandito kami sa isang study shed sa harap ng open field ng school. Napagpasyahan naming tumambay dito dahil bukod sa sariwang hangin, nakakaaliw ding panoorin ang mga players na nagpa-practice para sa papalapit na Intramurals Meet ng paaralan.

Kaming dalawa lang ni Elias ang magkasama dahil may sariling lakad sina Chelsea at Sean. Pare-parehas kaming walang klase sa hapong iyon dahil may meeting ang faculty. It's still early so we decided to stay at the school in the meantime.

“You choose,” I simply replied.

Tumaas ang isang kilay ni Elias, na para bang hinahamon niya ako. “Sigurado ka?”

I nodded my head.

“Alright,” he replied, licking his lower lip and then, he turned to leave.

I watched him walking out of the shed. While waiting for him, I put on my earphones and decided to listen to some music. But not long after, my peace and quiet was disrupted.

“Puwede ba kitang makausap?” it was Lia.

Kahit nakapikit ay agad kong nakilala ang boses niya. Sinalubong niya ang tingin ko na puno ng pagkairita ang kanyang mga mata.

Ilang buwan na rin ang nakalipas mula nang mag-away kami sa cafeteria. And in the last few months while Elias was guarding me, I haven't been involved in any trouble again.

Scars Series 1: Embracing The ScarsWhere stories live. Discover now