Prologue

133 10 0
                                    

I've been running for almost one hour. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero kailangan kong makalayo dahil sa nangyari kanina sa bahay.

*flasback*

Pagkatapos ng klase ay tinipon ko ang aking gamit at umuwi. Ng makarating ako sa bahay agad akong pumasok dahil marami pa akong dapat gawin. Nilagay ko ang gamit sa kwarto ko at agad na gumawa ng gawaing bahay. Ganito lagi ang ginagawa ko dahil kapag hindi ako maglinis at magluto papagalitan ako ng mga umampon sa akin. Wala silang anak dahil namatay ang anak nila ng isinilang ito. Inampon nila ako ng limang taon pa lamang ako. Akala magiging maayos ang buhay ko pero bilang bayad daw sa pag-aampon nila sa akin ay gagawin ko lahat ng gawaing bahay. Ayos lang naman iyon sa akin pero habang lumalaki ako ay minamaltrato na nila ako.

Pagtapos kong magluto ay hinanda ko na ito sa mesa at yun rin ang pagdating nila. Dumiretso sila sa kusina para kumain. Nakita ko na parang may problema sila kaya umalis na lang ako at nagtungo sa aking silid. Kukunin ko na sana ang notebook ko para mag-aral pero tinawag ako ni tita kaya lumabas ako kaagad at pumunta sa kanila.

"Ano po yun tita?", tanong ko

"Magluto ka ng ibang pagkain", sabi niya at agad ko ring sinunod.

Niluto ko yung pinapaluto niya ganun rin sa asawa niya. Matapos nun ay binigay ko sa kanila. Hindi muna ako bumalik ng kwarto dahil baka may ipapagawa pa sila. Mabuti na lamg wala a silang inutos kaya agad na natapos ang gawain ko.

Ng pumasok ako ng kwarto ko ay agad akong nag-aral. Narinig ko na nag-aaway sila pero hindi ko na iyon pinansin dahil sanay na akong marinig ang pag-aaway nila dahil halos araw-araw ay ganun. Pagkatapos kong mag-aral ay nagtungo ako sa kama ko. Hihiga na sana ako ng maraninig ako ng putok ng baril. Nataranta ako kaya agad akon nagtago pero naamoy ko na may nasusunog kaya lumabas ako ng kwarto. Nakita ko na nasusunog ang bahay kaya pumunta ako sa kwarto nila tita. Ng makarating ako doon ay nakita ko na nakahilatay ang katawan nila sa sahig at duguan.

Lalapitan ko na sana ang katawan nila pero nahulugan ng umaapoy na parte ng kisame ang katawan nila. Agad akong lumabas ng bahay dahil kumakalat na nag apoy. Paglabas ko nakita ko na may mga taong nakasuot ng itim na nagbabantay sa labas. Hihingi na sana ako ng tulong ng nakita nila ako kaya agad akong tumakbo pero hinabol nila ako.

Maaaring sila ang pumatay sa umampon sa akin at nagsunog ng bahay. Minamaltrato man ako nila ni tita pero nagpapasalamat parin ako sa kanila dahil inampon nila ako. Maraming nag-bubully sa akin sa paaralan kaya ni isang kaibigan ay wala ako.

Mga sampu ang humahabol sa akin kaya mas lalo kung binilisan ang pagtakbo ko. Sige lang ako sa pagtakbo hanggang sa nakarating ako sa gubat.

*end of flashback*

Tumigil ako sa pagtakbo ng maramdaman ko na wala ng humahabol sa akin. Hindi ko akalain na mangyayari ito sa akin. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa akin. Nakita ko na may daan sa gitna ng gubat kaya sinundan ko ito. Unti-unting humihina ang katawan ko dahil sa pagod kaya ng marating ko ang dulo ay yun rin ang pagkawala ng aking malay.

Behind the WoodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon