Chapter 15

39 6 0
                                    

It's been a week since I woke up. One week na rin ng maramdaman ko na parang humihina ang katawan ko at isang linggo na rin na parang may tinatago ang mga kaibigan ko sa akin. Even the royalties ay iniiwasan ako kapag malapit ako sa kanila. Si Blaze na malamig ang pakikitungo sa lahat ay mas lalong lumamig. Anong nangyari at bakit ganyan sila sa akin. Kapag tinatanong ko ang mga kaibigan ko umiiwas sila at minsan ay nililigaw nila ang pinag-uusapan namin. Sinubukan ko rin na sanayin ang kapangyarihan ko pero wala akong nararamdaman. Nandito ako ngayon sa garden malapit sa forbidden forest. Tapos na rin ang klase ngayong araw kaya dumeretso ako dito. Nararamdaman ko na may tinatago sila sa akin at ayaw nila itong ipaalam sa akin. Ng medyo dumidilim na ay tumayo na ako at pumunta sa cafeteria. Pumasok ako doon at bumili ng pagkain. Wala roon ang mga kaibigan ko kaya mag-isa akong naghapunan. Pagkatapos nun ay pumunta ako ng dorm para magpahinga. Pagdating ko doon ay wala pa ang mga kaibigan ko kaya natulog na lang ako.

Maaga akong nagising at nakita ko na wala ang mga kaibigan ko. Naligo ako at hinanda ang mga gamit ko dahil wala kaming pasok ngayon. I wear black hood and black pants and black boots. Naisip ko na kailangan kong malaman kung ano ang nangyari kaya lalabas ako ng academy. Madilim pa ng makalabas ako ng academy kaya mabilis akong nakaalis. Dumiretso ako sa gubat at naglakad hanggang sa makarating ako sa isang bahay sa gitna ng gubat. Pumasok ako doon at nakita ko na isang matandang babae ang nakatira doon.

"Uhm magandang araw po", bati ko.

"Magandang araw rin", sabi niya sa akin.

"May kailangan ka ba?", tanong niya sa akin.

"Wala naman pero pwede bang magtanong kung nasaan ang lugar na ito?", tanong ko sa kanya.

"Nandito ka sa gubat malapit sa kaharian ng green kingdom", sabi niya.

"Ah ganun ba sige salamat po", sabi ko at lalabas na sana ng magsalita siya.

"Iha mag-ingat ka lalo na sa paglalakbay mo ngayon dahil hindi natin alam kung ano ang mangyayari", sabi niya at lumabas na ako ng bahay.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa bayan ng green kingdom. Napapalibutan ng mga puno at bulaklak ang lugar at maraming hayop ang nakatira rito. Naglibot ako sa bayan hanggang sa may nakita akong tindahan ng mga libro. Pumasok ako roon para bumili ng libro dahil mahilig akong magbasa lalo na kapag historical books. Walang masyado tao kaya naghanap ako ng libring bibilhin. Habang naghahanap ay biglang may nahulog na libro sa tabi ko kaya pinulot ko ito. Nakita ko na luma na ang librong iyon kaya napagdesisyunan ko na bilhin na lang ito. Nakita ko na nagulat pa ang nagbabantay ng nilagay ko sa harap niya ang libro pero agad rin naman itong binalot at binigay sa akin. Lumabas na ako at naghanap ng makakainan dahil hindi pa ako nakapag-agahan.

Matapos kung kumain at mamasyal sa bayan ay umalis na ako para magpatuloy sa paglalakbay. Halos lahat ng dinadaanan ko ay gubat kaya napagdesisyunan ko na magpahinga muna. Naghanap ako ng malaking puno para makasilong. Ng may makita ako ay umupo ako roon at naisip ko na basahin ang libro na nabili ko. Makikita ko na luma na ito dahil sa kulay nito. Dahan-dahan ko itong binuksan at may nakasulat dito na book of prophecy. Binasa ko ito at nakasulat dito ang history ng mundong ito at kung sino ang mga namumuno ng mga kaharian noon. Isasara ko na sana ang libro ng bigla itong umilaw at napunta sa isang pahina.

She lost the ice power
She will start her journey
Finding her real identity
The darkness will get stronger
The great war is about to come
Will the light still shine until the end?
Or the world will be covered with darkness?
Blood and death
Many sacrifices
Friendship and love
What will stay in the end?
Will she know the truth?
Prepare yourself
For the princess of ice is had to return
The kingdom will rise again
Will everything change?
Or it will stay the same?
Light against the dark
Good and evil
What happened in the past?
What will happen in the future?
Who will win in this war?

Yan ang nakasulat sa pahina ng libro. Ano ang ibig sabihin nito? Is this book connected to what is happening in this world? Isinara ko na ang libro dahil kailangan kong magpatuloy sa aking paglalakbay. Kailangan kong malaman kung bakit humihina ang aking katawan at hindi ko nararamdaman ang kapangyarihan ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad sa gubat hanggang sa gumabi na at napagdesiayunan ko na magtayo ng tent sa gitna ng gubat. Mga ilang araw na rin akong naglalakbay pero wala pa rin akong nakukuhang impormasyon kung ano ang nangyayari sa katawan ko. Paano kung nawala ang kapanguarihan ko at hindi ko na magagamit ito ulit? Yan ba ang dahilan kung bakit lumalayo sa akin ang mga kaibigan ko? Agad kung kinuha iyon sa aking isipan dahil alam ko na kahit ano ang mangyayari ay mananatili sa tabi ko ang mga kaibigan ko.

Nakarating ako sa gubat na napapalibutan ng mga yelo at may nahuhulog na mga snows. Lahat ng puno ay nababalutan ng mga snows kaya puro puti ang nakikita ko. Tinahak ko ang landas sa gitna ng gubat kahit na malamig. Ng makalabas ako ng gubat ay tumambad sa akin ang isang bundok na puno ng mga ice and snows. This place is full of coldness at kahit saan ka tumingin ang puti ang makikita mo. Umakyat ako sa bundok at naramdaman ko na may nadaan akong parang barrier na malakas ang kapangyarihan pero hindi man lang ako  nasaktan. Nagoatuloy ako sa paglalakad hanggang sa dumating ako sa pinakagitna ng bundok. Naramdaman ko na may malakas na kapangyarihan na pumapalibot sa bundok. Kahit anong hayop ay wala akong nakikita. Hanggang sa may narinig akong ingay na nanggaling sa isang banda ng bundok kaya nilapitan ko ito. Ng makalapit na ako ay nakita ko ang maraming lobo na nakatayo at nakatingin sa akin. Natakot ako kaya napatakbo ako at kahit isa man lang sa mga lobo ay walng humabol sa akin kaya tumigil ako. Bumalik ako sa pwesto sa gitna ng bundok at unti-unting lumalapit sa akin ang mga lobo.

Behind the WoodsWhere stories live. Discover now