Chapter 4

57 9 0
                                    

Pagdating namin sa academy ay pumunta muna kami sa hall dahil sabi nila doon malalaman kung saang section ka nabibilang. Pagpasok namin sa hall ay marami na ang mga tao kaya naghanap na alng kami ng bakanteng upuan sa likod. Ng makaupo kami ay yun rin ang pagdating ng isang babae na sabi nila ni Alexa ay headmaster daw. Isa-isa tinawag ang mga pangalan namin. Nagtaka pa ako nung una pero sabi nila na-enroll daw nila ako kaya hihintayin ko na lang na tawagin ang pangalan ko. Ng tinawag na ang pangalan ko ay agad akong nagtungo sa gitna para kunin ang papel kung saan nakalagay ang section ko. Pagkatapos ko itong kunin ay lumabas na ako ng hall at hinintay na lang sila sa labas. Ng makalabas ako ay agad kong tiningnan ang section ko.

Name- Cassandra Frost
Gender- Female
Section- Froster
Dorm Room- #145 3rd floor

Class Schedule

8:00-9:00 - History
9:00-10:00 - Science
10:00-11:00 - Math
11:00-1:00 - Lunch Break
1:00-2:00 - Spell Casting
2:00-3:00 - Potion Making
3:00-4:00 - Weaponry

"Hey Cass what's your section?", tanong ni Alexi.

"Froster", sabi ko.

"Oh that's good classmate tayo", sabi ni Alexa.

"What about your room number?", tanong ni Alexi.

"Room number 145 3rd floor", sabi ko.

"Hindi tayo roommate", sabi ni Alexa.

"Magkasama kami ni Alexa sa room pero huwag kang mag-alala dahil room 144 lang naman kami", sabi ni Alexi.

"Sunday pa lang naman ngayon kaya pumunta muna tayo sa dorm", sabi ni Alexa.

"So let's go", sabi ni Alexi.

Pumunta na kami sa dorm at hinatid nila ako sa room ko. Nasa room na rin naman ang gamit namin kaya aayusin na lang namin. At pagkatapos daw namin mag-ayos ay ipapakita nila sa akin ang lahat ng lugar na pwedeng puntahan dito sa academy. Binuksan ko ang pinto ng roon dahil binigyan ako ng susi para sa room. Pagpasok ko ay may dalawang babae sa loob.

"Hi guys", bati ko sa kanila.

"Oh hi ikaw yung roommate namin?", tanong ng babaeng color blue ang buhok.

"Oo, I'm Cassandra Frost", pakilala ko sa kanila.

Nagulat sila ng marinig ang pangalan ko. Na notice ko na sa tuwing sabihin ko last name ko ay nagugulat sila lalo na kanina ng tinawag ang pangalan ko. I wonder kung ano ang meron sa apelyedo ko pero malalaman ko rin yun sa susunod.

"Uhm I'm Katlyn Weller and this is my twin Katelyn Weller", sabi niya sabay turo sa katabi niya na kulay sky blue ang buhok.

"We both can control water and that is our magic", dagdag pa niya.

"Ahh ganun ba well ako I can control ice", sabi ko at mas lalo pa nilang ikinagulat.

"Uhmm color white ba talaga ang buhok mo?", tanong sa akin ni Katelyn.

"Oo simula nang bata pa ako ay ganito na ang kulay ng buhok ko pero sabi ng mga nag-ampon sa akin ay itago ko raw ito kaya simula nun ay nagsusuot ang ng wig at contact lense", sabi ko sa kanila.

"Ahh so patay na ang birth parents mo?", tanong sa akin ni Katlyn.

"Oo noong five years old pa lang ako", sabi ko.

"Yung kama mo ay doon malapit sa bintana at ang mga gamit mo ay nasa cabinet na inayos namin ni Kat kaya pwede ka nang magpahinga", sabi ni Katelyn.

"Mamaya na siguro ako magpahinga dahil sabi ng mga kaibigan ko ay lilibutin daw namin ang academy", sabi ko.

"Ahh okay pero balik before dinner para sabay tayong kumain", sabi ni Katlyn.

"Uhm depende siguro", sabi ko.

"Sige alis na ako ha", sabi ko sa kanila at lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ko ay yun rin ang paglabas nila Alexa at Alexi. Agad kaming lumabas ng dorm at lahat ng pupuntahan namin ay ine-explain nila sa akin. Ang girl's dormitory ay nasa East wing at ang boy's dormitory ay nasa West wing. Ang mga classrooms, cafeteria at halls ay nasa North wing while sa south wing ay mga garden at training grounds. At sa likod ng mga garden ay may gubat doon na hindi pwedeng pasukin.

"So alam mo na kung saan pupunta kapag oras ng klase?", tanong ni Alexa.

"Oo, tsaka magkaklase naman tayo kaya sabay na lang tayo", sabi ko sa kanila na sinang-ayunan naman nila.

Bumalik na kami sa dorm dahil sinabihan ko sila na sasamahan ko ang roommates ko kumain ng dinner. Sabi nila sasabay na rin sila kaya pinuntahan namin ang mga kasamahan ko. Pagpasok ko ng kwarto ay nakita ko sila na nakabihis na kaya niyaya namin silang kumain.

"So si Alexa at Alexi pala ang mga kaibigan mo?", tanong sa akin ni Katlyn.

"Oo sila rin ang nagpapasok sa akin dito sa academy", sabi ko.

"Well to tell you the truth we four are childhood friends bago kami lumipat ng bahay", sabi ni Katelyn.

"Mabuti naman at magkakilala na kayo para sabay-sabay tayong pupunta sa klase", sabi ko.

"Oo naman Cass tsaka ano ang section niyong dalawa?", tanong sa kanila ni Alexa.

"We are section Froster", sabi ni Katelyn.

"So magkaklase pala tayong lima", sabi ko sa kanila.

Nang makarating kami sa cafeteria ay marami na ang mga kumakain kaya silang apat na lang ang bumili ng pagkain para hindi daw ako maligaw at ako na lang ang naghanap ng ma-uupuan. Nakita ko na medyo punuan na ang mga mesa maliban sa mesa sa gitna kaya doon ako umupo at hinintay sila. Nang makaupo ako ay agad akong pinagtinginan ng mga estudyante. Hinayaan ko na lang sila dahil halos lahat ng nakakita sa akin ay grabe kung tumitig sa akin. Nakita ko silang apat na hinahanap ako kaya tinawag ko sila. Nagulat pa sila ng makita nila kung saan ako nakaupo pero agad ring lumapit sa akin at hinila ako patayo.

"Uhm guys what's wrong?", tanong ko.

Behind the WoodsWhere stories live. Discover now