Chapter 3

66 11 0
                                    

Maaga akong nagising dahil sabi nila sa akin kagabi magsasanay daw kami. Naghanda ako mg makakain namin tsaka hinintay ko silang magising. Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami ng bahay.

"So ang gagawin natin ay alamin muna kung ano ang kapangyarihan mo", sabi ni Alexa.

"Uupo ka muna tapos pimikit tsaka magfocus", sabi ni Alexi.

Umupo ako tsaka pumikit at gaya ng sabi nila ay nagfocus ako. Ilang minuto na rin akonh nakapikit pero wala parin akong nararamdaman na kakaiba. Bubuksan ko na sana aking mga mata ng may maramdaman akong lamig na dumadaloy sa katawan ko kaya mas nagfocus ako. Ng mawala ang lamig ay minulat ko ang aking mga mata at nakita ko may nakabalot na yelo sa mga kamay ko at may lumulutang na snow flakes sa ibabaw ng mga kamay ko. Tumingin ako sa kanila ni Alexa pero nakita ko na nagulat sila.

"So guys ito ang magic ko?", tanong ko sa kanila.

"Uhm yes that's your magic", sabi ni Alexi na gulat pa rin.

"So paano ito mawala?", tanong ko.

"Ganun pa rin ang gagawin mo at isipin mo na mawala iyan", sabi ni Alexa at agad ko namang sinunod. Naramdaman ko na nawala ang lamig sa kamay ko ay minulat ko ang aking mata at wala na ang mga yelo sa aking kamay.

"Cass you should practice on how to control your magic", sabi ni Alexi.

"Well first dapat alam mo kung paano palabasin ang kapangyarihan mo ng madalian", sabi ni Alexa.

Tinuruan nila ako at agad ko rin namang natutunan. Tanghali na kaya napagdesisyunan nila na magpahinga muna tsaka kumain at ipagpatuloy lang ang pagsasanay pagkatapos naming magpahinga. Ako ang nagluto ng pagkain dahil sabi nila masarap daw akong magluto. Pagkatapos naming ay nagpahinga kami sa labas kung saan kami nagsasanay.

"You know Cass ikaw lang ang kilala kong ice ang magic power", sabi ni Alexi.

"Yes that's true wala pa akng nakita kahit isa na yelo ang kapangyarihan nila", saad naman ni Alexa.

"Dapat macontrol mo ito ng tama para hindi ka magkakamali sa paggamit nito", sabi ni Alexa.

"So dapat araw-araw tayong magsanay ganun?", tanong ko.

"Oo para masanay ka at hindi ka manibago", sabi ni Alexi.

"Hindi ka namin matuturuan sa paggamit ng weapons dahil hindi kami gumagamit nun at may patakaran dito na sinumang healers ay hindi pwedeng gumamit ng mga sandata", sabi ni Alexa.

"Akala ko ba kaya niyong kontrolin ang nature?", tanong ko.

"You're right we can control nature but we can't use weapon because we are forbidden", sabi ni Alexi.

"We can protect ourselves by controling nature that's why we are not using weapons", dagdag pa niya.

"Ah ganun ba eh sino ang tuturo sa akin?", tanong ko.

"Sa academy ka magsasanay ng weapon dahil maaari kaming makapagtanong sa mga guro dun na tulungan ka sa pagsanay ng kapangyarihan mo", sabi ni Alexa.

"You just have to be careful dahil bago sa amin ang kapangyarihan mo", sabi naman ni Alexi.

"Tara magsanay na tayo ulit", sabi ni Alexa kaya tumayo na akmi at bumalik sa dati naming pwesto kanina.

Nagsanay lang kami ng nagsanay para mas makilala ko ang kapangyarihan ko at ganun rin sila dahil hindi daw nila masyadong nagamit ang kapangyarihan nila maliban sa paggagamot. Hanggang sa dumidilim na ay yun lang ang pagpahinga namin. Ako pa rin ang nagluluto dahil para man lang makabawi sa kanila. Ayos lang sa kanila na ako ang magluluto pero ang paglinis ng bahay at iba pang gawain bahay ay sila na ang gagawa kahit na tutulong ako ay pinipigilan nila ako.

"So for the whole ay magsasanay tayo ng mga kapangyarihan natin", sabi ni Alexi.

"At dapat maaga tayong magising", sabi ni Alexa.

"Sige para mas matuto ako sa pagcontrol ng kapangyarihan ko", sabi ko.

Matapos naming kumain ay sila ang naghugas ng pinagkainan kaya pumunta na ako sa kwarto ko. Iniisip ko kung ano ang magiging buhay ko rito at kung ano ang mangyayari sa akin pagpasok ko sa academy. Sana maging mabuti ang pag-aaral ko at malamna ko kung sino ang pumatay sa mga umampon sa akin. Hindi namalayan kung gaano ako katagal nag-iisip ng mga bagay na magyayari hnaggang sa nakatulog ako. Paggising ko ay ganun pa rin ang ginawa ko hanggang sa nagising na rin ang dalawa at nagsimula na kami sa pagsasanay. Alam ko na kung paano kontrolin ng mabuti ang kapngyarihan ko at nakita ko masaya sila para sa akin.

Ganun ang ginagawa namin araw-araw hanggang sa matapos ang isang linggo at araw na para pumasok sa academy at nakita ko kung gaano ka excited ang dalawa. Palagi nilang kinukwento sa akin ang tungkol sa academy kaya may alam na rin ako sa paaralan na papasukan ko. At sabi nila ay doon rin nag-aaral ang mga prinsipe at prinsesa ng apat na kaharian. At tuwing kinukwento nika iyon sa akin ay kinikilig pa sila at hinahayaan ko lang dahil sabi nila yun rin daw ang magiging reaksyon ko kapag makita ko sila. Inaayos ko na ang mga gamit ko ngayon at sabi nila sa academy namin kukunin ang mga uniform namin dahil iba-iba daw iyon. Inilgay ko sa maleta na binigay nila sa akin ang mga gamit ko at iiwan ko pa sana ang iba pero sabi nila lahat daw ng gamit ko ay dadalhin ko dahil hindi rin naman daw kami makakauwi sa isang taon kaya nilagay ko na lang ang lahat sa maleta. Kasya naman lahat ng gamit sa isang maleta kaya madali lang ito dalhin. Sabi nila hihintayin ko na lang sila sa sala dahil hindi pa sila tapos.

Behind the WoodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon