Chapter 2

67 9 0
                                    

Paglabas namin sa bahay ay may nakita akong tatlong malalaking agila na naghihintay sa amin. Linapitan ito nina Alexa kaya lumapit rin ako. Noong una ay natakot ako dahil sa laki nito at mukhang nangangain. Pero mukha rin naman itong maamo sa kanila.

"Well Cassandra ito ang hayop na ginagamit namin para maglakbay. Dinadala nila kami sa lugar kung saan namin gusto", saad ni Alexi.

"Hindi ba sila nananakit?", tanong ko.

"Hindi naman pero kapag naramdaman nila na may panganib ay naging alerto sila para protektahan ang mga amo nila", saad ni Alexa.

"Ahh sige, pero saan tayo pupunta?", tanong ko.

"Malalaman mo rin mamaya", sabi ni Alexa saka sumakay sa ibon.

Tinulungan ako ni Alexi na maka-akyat sa likod ng ibon. Noong una ay mabagal pa ang paglipad ng ibon pero bigla na lang itong lumipad ng mabilis kaya napasigaw ako.

"Oh my god!", sabi ko matapos kong sumigaw.

Tinawanan lang naman ako ng dalawa dahil sa naging reaksyon ko. Kung sakali mas pipiliin ko pa na kabayo ang sasakyan ko kesa sa ibon. Mga 30 minutes rin ang paglipad ng agila hanggang sa nakita ko ang isang village sa unahan. Unti-unting bumaba ang lipad ng ibon hanggang sa dumapo ito sa lupa. Agad akong bumaba sa likod ng ibon.

"Uhm iiwan ba natin sila dito o aalis rin sila?", tanong ko.

"Hihintayin nila tayo dito sa labas ng village dahil hindi sila pwede pumasok sa loob", sabi ni Alexa.

"Ah okay", sabi ko.

"Cassandra since bago ka lang dito huwag kang lalayo sa amin ha", paalala sa akin ni Alexi.

"Ganito na lang hahawakan ka na lang namin", saad ni Alexa na agad namang sinang-ayunan ng kambal niya.

Hinawakan nilang dalawa ang magkabilang kamay ko at hinila ako papasok sa village. Pagpasok namin ay agad nila akong hinila papunta sa isang bilihna ng mga damit. Halos lahat ng kulay ng damit na binili nila para sa akin ang color red, black and white. Kapag tinatanong ko sila tungkol dun ay sabi nila ay dahil bagay sa akin ganung mga kulay kaya hinayaan ko na lang sila. Matapos bumili ng damit ay pumasok naman kami sa tindahan ng mga sapatos at ganun pa rin ang kulay.

"Guys tama na yan ang dami niyo ng binili para sa akin", sabi ko sa kanila pero hindi nila ako pinansin.

"Hey naririnig niyo ba ako", tanong ko.

"Oo naririnig ka namin kaya huwag ka nga magreklamo diyan dahil kami naman nag magbabayad neto", sabi ni Alexi.

"Hindi ko naman mauubos gamit yan ehh", sabi ko.

"Ano ka ba naman Cass magagamit mo lahat ng  ito", sabi ni Alexa.

Wala na akong magawa dahil masyado silang mapilit. Halos lahat ay binili nila para sa akin. Matapos naming bumili ay pumunta kami sa isang kainan dahil sabi ni Alexa nagugutom na raw siya. Habang kumakain kami ay nakikipagkwentuhan rin sila at nakikinig lamang ako. Matapos naming kumain ay nagyaya si Alexi na maglibot muna para malaman ko rin pasikot-sikot dito sa village. Habang naglalakad kami ay naramdaman ko na may nakatitig sa akin kaya napalingon ako. Pag-lingon may nakita akong isang lalaki na kulay pula ang buhok.

"Hey Cass bakit ka huminto jan?", tanong ni Alexa.

"Naramdaman ko kasi na may nakatingin sa akin eh", sabi ko.

"Ah ganun ba hayaan mo na lang dahil baka naninibago sila sa iyo dahil ngayon ka lang nila nakita", sabi niya tsaka hinila ako.

Tumingin ulit ako sa likod ko para malaman kung nandoon pa rin ang lalaki pero wala na. Nasaan kaya pumunta iyon? Nagaptuloy na lang ako sa paglalakad. Nilibot namin ang buong village at ang mga binili namin kanina ay iniwan ni Alexi sa mga agila. Nalaman ko na ang village na ito ay ay tinatawag na Central Villa at ito ay makikita sa gitna ng apat ng apat na kaharian. The four kingdoms are Air kingdom, Fire kingdom, Water kingdom and Green kingdom. Each kingdom represents the  four elements of the world. Matapos naming maglibot ay lumabas na kami sa village para umuwi. Ang bahay nila ni Alexa ay nasa gitna ng gubat kaya malayo ito sa village. Pagdating namin ay gabi na kaya nagluto na lang kami ng pagkain at kumain.

"Guys matanong lang diba sabi niyo iba-iba ang kulay ng buhok ng mga mamamayan rito?", tanong ko.

"Oo, bakit mo naman natanong yan?", tanong ni Alexi.

"Napansin ko lang kasi na ako lang ang may kulay puti na buhok", sabi ko.

"Well sa totoo lang Cass walang sinuman ang nakatira rito na kulay puti ang buhok", sabi ni Alexa.

"At bakit naman?", tanong ko.

"Hindi rin namin alam pero naniniwala kami na katulad ka namin", sabi ni Alexa.

"Paano niyo nasabi yan eh baka naman pinalad lang talaga akong makapasok rito kahit wala akong kapangyarihan", sabi ko.

"Cassandra gaya nga ng sinabi ko walang makapasok rito kapag wala kang kapangyarihan", saad ni Alexi.

"Huwag kang mag-alala dahil tutulungan ka namin malaman iyon", sabi ni Alexa.

"Thank you lalo na sa mga damit pero matanong ko lang paano makalabas sa mundong ito?", tanong ko.

"Once na nakapasok ka rito ay hindi ka na makalabas maliban na lang kung nakakuha ka ng pahintulot", saad ni Alexi.

"Kaya Cassandra magpahinga ka na dahil bukas sasanayin ka namin para malaman mo ang kapangyarihan mo", sabi ni Alexa.

"At paano kung wala lalabas na kapangyarihan sa akin?", tanong ko.

"Huwag kang mag-alala dahil next week ay magsisimula na ang pasukan", sabi ni Alexi.

"Nag-aaral rin pala kayo?", tanong ko.

"Oo naman tsaka sa Luna Academy tayo nag-aaral at yun ang paaralan kung saan sinasanay ang kapangyarihan mo", sabi ni Alexi.

"At nasaan naman iyon?", tanong ko.

"Hindi ka ba nakinig sa amin kanina? Ang Luna Academy ay matatagpuan sa dulo ng gubat sa labas ng Central Villa", saad ni Alexa.

"Ah sorry naman", sabi ko.

"Kaya pala ang dami niyong binili na damit at iba pang gamit dahil pinaplano niyong ipasok ako doon", sabi ko sa kanila.

"Oo kaya magpahinga na tayo dahil gabi na", sabi ni Alexa kaya nagtungo na kami sa sarili naming kwarto. Sana malaman ko na kung ano ang kapangyarihan ko at sana maging mabuti ang pag-aaral ko sa academya.

Behind the WoodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon