Chapter 7

44.3K 922 280
                                    

Abot langit ang kaba ko dahil sa aking mga nalaman, ni hindi ko pa matanggap ang balak nilang gawin sakin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Abot langit ang kaba ko dahil sa aking mga nalaman, ni hindi ko pa matanggap ang balak nilang gawin sakin

Anong klase silang tao para gawin akong pag mamay ari nila!

Agad akong nag dala lamang ng isang bag na maliit, na kakasya ang ilang damit at gamit ko pang iba

Walang paalam ay agad akong umalis sa kumbento, mabuti nang walang malaman sila Sister Lourdes upang hindi sila madamay


Gaano ako naging tanga para di ki maramdaman ang pakay nila sakin


Nag panggap silang mabait sa harapab ko!

Bakit di ko naisip ang lahat ng yun? Bumaril pa lang ng tao ay malaking kasalanan na







Agad akong pumara ng tricycle, hindi ko alam ang pupuntahan ko bahala na ang Diyos kung saan ako dalhin ng palad ko

"San po tayo Sister?" Tanong ng driver




Sister

Hindi na ako magiging isang madre, sa mga kasalanan kong ginawa pakiramdam ko hindi na ako nararapat mapabilang kila Sister Lourdes


"K-kahit saan manong, basta malayo po dito." Taranta kong sabi, nagtaka naman sya pero di na nagtanong pa

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, pakiramdam ko kahit saan kahit kelan mahahanap nila ako


Ano bang balak nila sakin? May ginawa ba akong kasalanan upang ganituhin nila ako?
Bakit? Bakit ganon ang pakay nila sakin?

Nalilito man ay wala akong nagawa upang mag pa anod na lamang sa mga nangyayari













"Bat kaya traffic? May mga dayo yatang dumating pinag kakaguluhan."
Takang tanong ng driver nang tumigil kami dahil hindi makausad sa dami ng tao

Agad nag tambol ang dibdib ko sa kaba






"A-ano daw pong nangyayari?" Kabang tanong ko






"May mga dayo daw, kigagandang mga lalaki, balita ko may hinahanap daw ang mga ito sa bayan natin." Walang malay na sabi ni manong


Mas lalo akong nag tago sa aking suot na pandong, abot langit na ang kaba ko dahil sa mga nangyayari

Ano bang atraso ko sa kanila! Papatayin din ba nila ako












Napatingala ako sa kalangitan, nag aagaw dilim at liwanag na ito

Siguro naman malayo na kami, dahil puro bundok na din ang nadaanan namin kanina












"Sister parang may sumusunod saatin, napapansin ko kanina pa yang sasakyan na yan naka sunod satin."

Dahil sa sinabi ng driver ay agad nag tambulan ng malakas ang puso ko sa takot at kaba

The Santillans' Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon