Chapter 44

31K 588 258
                                    



Kasalukuyan akong naka tingala at naka tingin sa kalangitan.

Tanghali na at nandito parin kami sa Hacienda ng mga Alcantara



Alcantara?

Hindi ko alam pero parang narinig ko na ang salitang yan

Pilit kong iniisip sapagkat pamilyar na pamilyar sa pandinig ngunit hindi ko maisip kung saan nga ba







"Apo! Apo! Diyos salamat nakita kita!" Natatarantang turan ni Lola Fina

Napatayo ako at agad ko syang dinalo

"Lola bakit po? May masama po bang nangyari?!" Nag aalala kong tanong








Hinawakan ako nito sa kamay at tumingin sakin

"Apo, hindi ko alam na nag kita na pala kayo ng senyorito Luke!"

Natigilan ako dahil don, bakit? May ginawa ba ang Luke na yun kay Lola Fina!


"O-Opo, katunayan pati po yung isa pa, si Sir Samuel." Naka yuko kong turan

Nahihiya ako dahil isinama nya ako dito, tapos sya lang ang mapapagalitan dahil sakin




Napa hawak ito sa noo at problemadong tumingin sakin

"Tila natipuhan ka yata ng senyorito Luke dahil pinapatawag ka na sakin upang sabayan sya kumain ngayong tanghalian!"

Nagulat ako dahil don

Ito na ba? Ito na ba ang parusa nya. Mag sisimula na ba nya ako bawian dahil nasampal ko sya kanina




Agad akong hinawakan sa kamay ni Lola Fina at hinila


"Mag dumali ka! Makisama ka lamang sa kanya at magiging maayos ang lahat. Wag mo syang susuwayin sapagkat parehas tayong madadali pag tinamaan tayo ng galit ng senyorito." Natatarantang turan ni Lola Fina





Napakagat labi ako dahil sa gigil.

Napaka gaspang ng ugali ng Luke na yun!
Kung di lang dahil kay Lola Fina ay hindi talaga ako pupunta doon!






































Pag dating sa lamesa ay nakita ko na nag cellphone ito

Naka hilera ang mga kasambahay ay mga nakayuko ito na tila mga natatakot dahil sa Luke na ito




Nang makita nya ako ay ibinaba nya ang cellphone ay ngumisi sakin





"Hey Lala! Come here, maupo ka sa katabi ko, faster I'm hungry!" Hindi nawawala ang ngisi nya sa mga labi nya



Tiim bagang akong lumapit sa kanyang katabi at walang imik na naupo

Si Lola Fina naman ay tumabi sa mga naka hilerang mga kasambahay















"Common, serve me girlfriend. I'm really hungry na." Naka pangalong baba nyang turan sakin


Hindi ako gumalaw dahil sa sinabi nya


"Oyy girlfriend, bigyan mo na ako ng pag kain." Sinundot nya ang balikat ko dahil don




Napa kislot ako dahil sa ginawa nya

Tiningnan ko sya ng masama at gigil na pinag sandok sya ng pagkain nya







Matapos nun ay hindi ko mapigilan mapalunok nang makita ko kung gaano karami pala ang nakahain na pag kain sa harap namin






The Santillans' Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon