Chapter 10

42.9K 812 228
                                    

(At dahil 1k reads na, as I promise mag uupdate na po ako🥰❤️)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


(At dahil 1k reads na, as I promise mag uupdate na po ako🥰❤️)

ENJOY READING!!!!













Laura

NAKAHINGA ako ng maluwag nang umandar ang pinag tataguan kong truck

Sa wakas!

Nakatakas din ako sa kanila!
Sana hindi na nila ako mahanap o hanapin, sana itigil na nila ang kahibangan nilang apat





Napag pasyahan kong umalis sa pinag tataguan ko at umayos ng tayo dahil nangangalay na ako

Siguro naman hindi na nila ako masusundan, dahil batid kong malayo layo na kami kung saan ko iniwan yung apat









"San Narciso" Bulong ko nang may mabasa akong naka dikit sa mga puno na pangalan ng Lugar kung nasaan ako ngayon,

diba tatlong baryo lang ang layo nito sa San Isidro?!

Kung ganon halos hindi pa ako nakakalayo sa kanila! Tiyak na nahahanap parin nila ako!

Muling bumalik ang kaba ko sa nalaman ko, jusko kayang kaya lang nila ako hanapin pag nagkataon

Pero siguro naman hindi nila ako hahanapin? At para sa ano pa?



Nag tagumpay na naman sila sa nais nila na hindi ako matuloy sa pag mamadre

Naramdaman kong tumigil ang pinagtataguan ko ng sasakyan nakita ko ng bumaba ang driver nito upang kausapin ang isang tindera sa isang tindahan

Agad akong bumaba at lihim na lang nag pasalamat kahit di nya narinig, sa pagkat mas nais kong walang makakita sakin upang mas hindi ako mahanap ng apat na mag kakapatid

Tumakbo ako malapit sa isang matanda, siguro ay ayos lang kung dito ako mag tatanong

"Manang! Pwede po ba magtanong, nasan po ang Police Station dito?" Magalang kong tanong kahit nag dudumali ako

Pakiramdam ko anlapit lang nila saakin, mas lalo akong di napakali sa sailing naisip

Medyo nagulat pa ito sakin pero nagawa paring sagutin ang tanong ko

"Aba kegandang bata, ano kamo ang sabi mo? Saan kamo ang Police Station? Aba e, ay malapit lamang dito. Isang kanto pa Hija ay makikita mo na ang hinahanap mo." Nakangiti nyang sambit saakin

Ngumiti din ako sa kanya, bigla ko tuloy namiss si Sister Lourdes

"Maraming salamat po Manang." Pagtapos nun nag paalam na ako at agad pumunta sa sinabi nyang lugar



Sa tingin ko ito ang tama kong gawin, isusumbong ko sila!
Kahit magalit sila sakin, tama lang ang desisyon ko na ito

Pag punta ko don, halos mailang pa ako sa lahat dahil lahat sila nakatingin sakin, na animoy ngayon lang nakakita ng kagaya ko na hindi ko alam ang dahilan

The Santillans' Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon