Chapter 42

31.1K 582 50
                                    


Nagising ako ng maaga dahil nakakahiya naman kung nakituloy na nga ako tapos tatanghaliin pa ako ng gising

Agad akong nag handa ng pagkain namin ni Lola Fina, mga gulay at sariwang isda ang naroon na niluto ko

Rinig na rinig ko ang malakas na tunog ng alon na nag mumula sa dagay, kay ganda pag masdan ng paligid na napaka kampante

"Apo, ikay nauna na palang gumising. Sana ay natulog ka na lamang muna." Bungad sakin ni Lola Fina nang makita nya na nauna na ako sa kanyang munting kusina

Ngumiti ako at inakay sya umupo, "Lola Fina ayos na ayos lamang po! Gusto ko lang pong mag pasalamat dahil sa pag papatuloy saakin." Magalang na saad ko

"Oh sya, sige na tayo nang mag almusalan." Umupo sya at nag handa ng mga plato

Ako naman ay kumuha ng inumin at umupo na rin para makakain na

Napalunok ako nang makita ko ang pritong isda.
Agad akong nag sandok ng kanin dahil kanina pa kumakalam ang sikmura ko, natatakam ako.

Napangiti ako sa naisip,

'Nak, nagugutom ka na ba dyan? Wag ka mag alala kakain na si Mama'



"Hija wag mo sana mamasamain ang tanong ko, ngunit nasaan ba ang ama ng pinag bubuntis mo? Bakit ka nya hinayaan mag isa?" May himig ng pag alala sa boses nya

Napa tigil ako sa pag subo at ngumiti ng mapait

Kung alam lang ni Lola Fina na hindi lang isa, kundi apat ang nauugnay saaking lalaki

"H-Hindi po kasi kami bagay, m-mayaman po sya samantalang ako ay hamak lamang na m-mahirap." May halong katotohanan ang sinabi ko.

Napaka yaman ng apat na mag kakapatid, at pakiramdam ko sila ay  langit habang ako ay nasa putikan.

"Diyos ko apo, sana ay kayanin mo at wag ka susuko kahit anong mangyari." Nag aalalang turan nya

Ngumiti lang ako sa kanya upang wag na sya mag alala





"Gusto mo ba sumama sa pinag tratrabahuan ko upang hindi ka mabagot dito?" Naka ngiting turan ni Lola Fina, na'syang nag pa saya saakin

"Opo Lola! Pwede po ba? Pangako po hindi ako magiging pabigat sa inyo." Masayang masaya kong turan

Sa wakas, makakalabas din ako at makakagala.
Noong nasa puder pa ako ng apat na Santillan ay hindi ako haloa lumalabas.
Bukod sa ayaw nila, ay hindi ko din kabisado ang lugar doon sa maynila.

%∆%∆%∆%∆%∆%∆%∆%∆%∆%

Agad akong nag bihis ng dress na kulay asul. Tama lang ang haba nito at labas ang mga braso.
Wala akong ibang damit kung kaya ito ang aking mga dala, dahil galing pa ito sa bahay ng apat at wala akong magagawa kundi ito ang isuot.


"Hija napaka ganda mo, sigurado ako na maganda at gwapo din ang magiging anak mo." Masayang turan sakin ni Lola Fina

Ngumiti ako at pasimpleng hinaplos ang maliit ko pang puson.

Tama ka Lola Fina, tiyak akong magiging maganda o gwapo ang anghel na nasa loob ng tyan ko.
Dahil ang ama nito o mga ama nito ay may taglay na kagwapuhan.

Sana lang wag mamana ang pagiging magagalitin at pagiging seloso nila

Napa ngiti ako ng malungkot, kailan ba sila mawawala sa isip ko?

Niloko ka nila Laura, hindi ka nila mahal.
Ginamit at pinag laruan ka lang nila kaya kalimutan mo na sila.

"Oh sya tama na ang daldal, tara na at baka ako'y mapagalitan pa ng amo ko." Natatawang turan ni Lola Fina

The Santillans' Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon