Chapter 33

39.1K 685 199
                                    

Third Person's POV

"Tangina mo Rho! Bat mo iniwan si Laura mag isa! Now she's fucking missing damn you!" Gigil na turan ni Jett sa kabilang linya ng mabalitan nila ang nangyari

Iniwan lang naman ni Rho ang pinaka mamahal nilang babae para sa ibang babae

Nabalitaan nila Kiru at Hans ang nangyaring gulo sa kumpanya gawa ng babaeng nag ngangalang Summer

Wala silang pakialam dito at tanging nasa isip lang nila ay si Laura

Nalaman ito nila Kiru at Hans, kaya naman sinabi din nila ito kay Jett na nasa mansyon kausap ang kanilang ama

Habang si Hans at Kiru at nasa kumpanya lamang, ngunit nasa ibang parte ito ng lugar sa kumpanya

"Damn! Just find her Jett! May inaayos pa ako fuck!" Mariing turan ni Rho

Minura sya ulit ng kapatid na si Jett bago pinatay ang tawag

Gigil nyang hinilamos sa ang palad sa mukha nya

Kulang na lang patayin nya sa titig ang babaeng walang malay na nakahiga sa Hospital bed

'fuck! Kung hindi lang dahil sa ama mo ay hindi ko sana iniwan ang babaeng mahal ko.'

Gigil na bulong ni Rho sa isip nya

Wala naman syang pakialam sa babaeng ito, alam nya na gusto sya neto pero wala syang pakialam

Kaya lang sya nandito dahil sa tanginang ama neto.

Marahil inosente ang babaeng ito at walang alam sa ginagawa ng ama nya,

ngunit sorry sya dahil ang ama nito ay matinding kalaban nila sa organisasyon

Napilitan lamang sya na ipasok ito sa kumpanya nila dahil ito mismo ang lumapit sa kanya.

Nag tapat ito ng pag ibig sa kanya, kaya naman pinasok nya ito sa kumpanya upang gamitin pang laban sa ama nito na kalaban nila.

Alam nyang mahal na mahal ito ng ama nito, at sa tingin nya na ito ang kahinaan ng ama na si Mr. Corpuz

Wala syang pakialam sa babaeng ito.
Ngunit sa nangyari na sinubukan neto mag pakamatay dahil sa selos kay Laura, ay gusto na lamang nya ito sakalin hanggang sa malagutan ito ng hininga

Pinipigilan nya ang sarili nya na patayin ito. Napipikon sya dahil sinubukan pa neto mag pakamatay at dahil doon ay kinailangan nya iwan mag isa ang babaeng mahal nya

'Baby, I'm sorry. Babawi ako'
Bulong ni Rho sa isipan nya







"R-Rho nandito ka. N-nasan ako?" Nagising ang babae mula sa pag kakatulog

Sa kalooban ni Summer ay kinikilig sya dahil ang lalaking gusto nya ang bumungad sa harapan nya pag kagising nya

"Nag alala ba ito kaya ito narito kasama ko?"
Napakagat labi si Summer dahil sa inisip

Nilingon nya ang binata, halos mahimatay sya sa kilig na nararamdaman nang makita nya kung gaano ito kaseryoso

Mas lalo syang gumagwapo, lalo na kapag seryoso sya

Ayos lang na sabihin hibang na sya, basta alam nya sa sarili nya na mahal nya ang binata.



"S-sorry kung pinag alala kita Rho. Ayos lang ako wag mo ako intindihin." Kagat labing turan ni Summer


Nagulat sya nang marahas netong hinawakan sya sa braso at idiniin sya kama

Hindi nya alam kung kikiligin sya o matatakot dahil sa mapanganib netong muka

The Santillans' Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon