Epilogue

61K 1K 643
                                    

Lumipas ang mga araw at tuluyan na akong bumalik o mas mainam na tawaging, nakulong ulit sa puder nila.

Ipinag tapat ko din ang banta na sinabi sakin ng tatay nila, at galit na galit sila dahil doon.

Muntik pa nilang sugudin ang ama ngunit sinabi ko na lang hayaan na basta ang mahalaga kasama ko na sila

Sinabi din nila na sila ang may pakana kung bakit lumubog o na bankrupt ang mga kumpanya ng mga babae na sana ay ipapakasal sa kanila.

Nagulat pa ako nung una, alam kong sobrang makapang yarihan lang na tao ang makakagawa nun kung kaya naman nagulat ako na sila yun

Akala ko, akala ko gusto din nila mag pakasal dahil hindi nila ako tunay na mahal.

Naalala ko pa yung video na napanuod ko, at tinanong ko sa kanila iyun.

Sinabi nila na hindi si Jett yun, gustong makipag talik ni Monique kay Jett kapalit nun ay ibibigay ang buong access ng kumpanya ng mga Salve.

Pumayag si Jett, ngunit ngilid sa kaalaman ni Monique. Ibang tao ang katalik nya habang nakapiring, himdi si Jett kundi isa sa tauhan ng apat na Santillan

Akala ko talaga, sana pala nag tanong muna ako bago tumakbo palayo.

Akala ko hanggang ngayon ay gusto lang nila ako dahil sa sakit nila. Ngunit sa pag lipas ng araw, napatunayan ko na mahalaga ako sa kanila. Na mahal nila ako

Sa twing tatakbo ako palayo, sa twing galitin ko sila. Hahabulin at hahabulin parin nila ako.




#######

Napailing na lang ako sa mga naisip ko, tunay ngang kahit anong takbo ko. Mahahanap at mahahanap parin nila ako kahit nasaan pa akong sulok ng mundo.

Bumaba ako pag katapos kong mag ayos, naka suot lamang ako ng kulay pulang dress na medyo maluwag

Ito ang ika anim na buwan ng pag bubuntis ko.

Bawat araw naging maingat sila, akala ko nga nung una ay babalik sila sa pagiging malamig.
Ngunit sinabi nila na bawal daw akong mastress kung kaya't sa halip unahin nila ang tampo nila ay inuna na lang muna nila akong alagaan ng mabuti

Nang makita nila ako at tumayos sila upang alalayan ako sa pag baba ng hagdan.

Hinawakan ako ni Hans sa balikat at inalalayan. Kulang na lang buhatin nya ako ngunit hindi ako pumayag.

Sa tabi nya ay si Jett, napaka angas ng itsura nya ngunit kinuha nya sakin ang bag kong kulay Pink at sinuot sa kanya

Ibig kong matawa dahil don.
Ang cute cute nya sa lagay na yun

Nang makababa kami, lumapit sakin si Rho at hinalikan ako sa noo

Nginitian ko lang sila ay muli ay inakay nila ako papuntang kotse.

Hindi ko mapigilan ngumisi dahil para silang mga body guards ko

Ang gwagwapo naman ng apat ng body guards ko.

Natawa ako sa naisip ko.

"Baby why are you laughing? Who's in your mind?" Kunot noong tanong ni Kiru

Ibig kong mapa ismid, kahit kailan ay hindi nawala ang pagiging seloso nila
Mas tumindi pa nga ata simula nang mabuntis ako.

Napailing ako, bat ko nakakalimutan na nasa dugo na nila yun.
Na sobra kung mag selos ang mga Santillan, dahil ani nga nila. Isang beses lang sila mag seryoso at mag mahal ng isang babae.

"Wala po, kayo po ang nasa isip ko." Napa ngiti ako dahil don

Ang naka kunot na mukha ng apat ay biglang napaltan ng ngisi at namula din ang kanilang tainga

The Santillans' Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon