Chapter 40

32.6K 599 78
                                    

Nanginginig akong umupo at halos di ko masulyapan ang katabi kong bangkay

Pakiramdam ko mahihimatay ako sa mga nasilayan ko

Hindi parin maproseso ng utak ko na may namatay ngayon lang, at dahil pa ito sa taong inaakala ng lahat na may mabuting puso, ngunit hindi pala.







"Laura Dimaculangan? No parents no wealth. Tatapatin na kita, isa ka lang basura na nakakabit sa apat kong mga anak." Malamig itong tumingin sakin

Napayuko ako dahil doon

Sa sinabi nyang iyun ay may hula na ako kung anong balak nyang sabihin sakin






"I will give you 1 day, umalis ka or I'm gonna kill that unborn child of yours." Walang emosyong turan nya

Muli akong kinabhan at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya.

Humigpit ang kuyom ko sa kamao ko, anong klase sya! Apo nya ang papatayin nya!






"A-ano bang kasalanan ko sainyo! Para gawin nyo ito saakin!" Mahina ngunit hindi ko mapigilan na mang gigil dahil sa sinabi nya

Sino sya para pumatay! Hindi sya Diyos!


Nangilabot ako nang tunawa ito na parang baliw

"Do you really think my sons loves you?" Ngumisi sya ng nakakatakot "Fool. They're just bored."




Hindi Laura, wag ka maniwala sa kanya.
Hindi totoo ang sinasabi nya, nangako ka na hindi mo iiwan ang apat at sa kanila lang ma maniniwala




Umiling ako

"H-hindi! Kahit anong sabihin mo!" Galit kong turan

Ngumisi lang ito at umiling, "They are crazy and brat. They get what they want and for them you're just a past time."


Kumuyom ang kamao ko dahil naapektuhan ako sa sinabi nya

Alam nya, alam nya na may mali sa apat. Sinabi na din ito ng nanay nila sakin

"Laura! They just obsessed! Because they are sick! It's not real love!" Naalala ko ang sinabi ng nanay nila


Pero hindi, ramdam ko. Ramdam ko na mahal nila ako ng tunay.






Pumikit ako ng mariin at pinakalma ang sarili, hindi dapat ako mag paapekto sa sinasabi ng demonyo nilang ama









Ngumisi ako, " Mawalang galang na, po, ikaw na din po ang nag sabi na baliw sila. Hindi ba't pag pinaalis mo ako, hindi mo ba naisip na hahanapin parin nila ako at sayo sila magagalit?" Matapang na turan ko





Tumaas ang sulok ng labi nito, "Feisty."

Lumingon ito sa tauhan nya at may kinuhang laptop

Kumunot ang noo ko dahil don

"Okay, see it for your self." Nag lalaro ang ngisi sa labi nya nang iabot sakin ng tauhan nya ang laptop

Kumunot ang noo ko at nakita ko na may dalawang tao na nag tatalik!

Hindi ko makita ang mukha ng lalaki sapagkat madilim at nakatalikod ito, ngunit lumakas ang tibok ng puso ko nang makilala ko ang babae.

Si Monique

Naka piring ito at hubo't hubad na umuungol habang isinisigaw ang pangalan ni Jett







Tumulo ang luha ko dahil sa nasaksihan ko


The Santillans' Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon