17

303 24 0
                                    

Nagising na ako ng tanghali at di ko na naabutan si Cassie na umuwi na ang sabi ni Sara kanina pang umaga siya umuwi kasabay ng pagdating ni Risa.

"So? how's taking care of her?" Risa asked while taking a sip of a coffee here at the balcony

"Okay lang kahit medyo masungit at medyo mataray okay lang naman" Sagot ko at natawa naman siya.

"Ay nako dapat masanay kana kasi kahit di buntis yan masungit at mataray pa rin" Umiling-iling siya.

"Sanay na ako ilang buwan na kami magkasama eh pero i'll try na habaan ang pasensya ko sa kanya"

"Wag mo nang i-try habaan mona"

"Hmm sige"

"Pasensya kana sa kaniya ah tanga tanga kase ang sabi sasayaw lang biglang na tamaan ng sharpshooter" Ani niya at muntikan na akong mabulunan dahil sa sinabi niya.

"Actually it's my fault i knew i was drunk dapat di ko yon ginawa"

"No, Parehas lang kayong tanga" Sabi niya at natawa ako habang umiiling pa.

"Booong!!!" Sara shouted.Patayo na sana ako para puntahan siya kaso tumayo din si Risa at sinabing siya na bahala.

"Ako na baka masampal ka nun badtrip sayo yun kaninang umaga tanghali ka daw kase gumising" Sabi niya at tumango nalang ako.Maybe it was a right choice na si Risa ang pumunta.Pag tanghali kase ako gumising sisigawan ako nun eh minsan binabato pa ng unan o di kaya lalakasan yung katok sa pinto para lang mainis ako.Hayst.

"Ayoko!si Bong ang utusan mo!" Rinig kong sigaw niya pagpasok ko sa loob.

Napatingin naman sakin si Risa at tinignan ako na parang sinasabing 'ikaw na'.Sa pagkain nga mapili eh hanggang sa bibili pa ng kakainin mapili din.Ganun ba talaga pag buntis?.

Dumiresto na ako sa kwarto para kunin ang susi ng kotse ko at lumabas na agad.

"Bilisan mo ah!" Rinig kong sigaw ni Sara.At lumabas na ka-agad ako ng kwarto para dumiresto sa parking lot.

SARA

"Huy ano kaba makasigaw ka naman sa tao kakagising lang eh" Sabi ni Risa sa likuran ko.

"Di ko kasalanan kung tanghali na siya gumising noh!"

"Tapos kana magpa-check up oh sinamahan na nga kita eh ano pa ba gusto mo?"

"Gusto ko kasama ko siya magpacheck-up okay?"

"Ahh ikaw ha nasasanay ka nang kasama siya yieee" Halata naman sa tono ng boses na nangangasar.

"Gaga hindi!gusto kong sumama siya sa pag pacheck-up ko para alam niya mga kailangan niya gawin"

"Gaga!malamang alam niya na ang gagawin eh may mga anak na yon eh!"

Shocks!oo nga pala eh di ibig sabihin sanay na siya!hay nako iba na naman ang sasabihin netong bwisit kong kaibigan.

"Ikaw haaa" Pangangasar niya.Sinasabi na nga ba eh."Yieee you're having a crush on him na!" Kinikilig niyang sabi.

Loving Mr.StrangerWhere stories live. Discover now