56

201 16 3
                                    

I can't move on sa message niya kahapon, I even made another account and another number to message him but he ignored it and blocked my number right away. Buong araw ay hindi ako lumabas ng kwarto at iniisip kung paano ko ulit siya makakausap.

Hindi na rin sapat ang kinakain ko at ang tulog ko, buti nga nandyan pa si Risa para alagaan ang anak ko. Naaawa na rin ako sa kaniya at sa anak ko pero pero eto lang talaga ang kinakaya ko, ni hindi ko na kayang bumangon at tumayo sa higaan ko. Pati ang trabaho ko ay hindi ko na masyado nabibigyan ng oras, I tried to be busy to forget the pain but I just can't the more I try the more I feel it.

"Sara!" Nakailang katok na si Risa para kumain ng tanghalian pero di ko parin binuksan ang pinto. Nakatapos na atang kumain si Fiara pero ako kahit almusal ay wala pang nakakain dahil sa trabaho ko at dahil kagabi pa ako nagb-breakdown.

"Sara c'mon! lumabas ka naman na sa kwarto mo, walang mangyayari sayo kung nandyan ka lang palagi at iyak ka ng iyak at baka nakakalimutan mong may anak ka pa. Please Sara! kahit ngayon lang oh lumabas ka na dito at kumain ka na" sambit nito habang kinakalampag ang pinto. Dahil sa nakakairitang katok niya ay wala na akong nagawa kundi buksan ang pinto.

"Ang tagal mong mag bukas! masisira na yung pintuan eh"

"What do you need?" walang gana kong sabi.

"I need you here outside. Isang linggo ka nang nakatambay dyan sa kwarto mo at parang once in a blue moon ka nang lumabas, wala ka bang balak na mag move-on at kumilos para sa sarili mo ha?" and there she is, sesermonan na naman ako.

"Move-on? Risa saan ako magm-move-on?" sarkastiko kong sambit.

"Jusko ko Sara grow up! you have a daughter,  you have a business, and you have so many responsibilities kaya please lang maawa ka sa sarili mo"

"Hindi na, wala nang kwenta ang mga iyon at ang buhay ko dahil wala na si Bong sa tabi ko except for my daughter. Alagaan mo nalang muna ang anak ko" tipid akong ngumiti pero seryoso pa rin ang mukha niyang nakatitig sa akin.

"Ano ba ha? iaasa mo nalang ba lahat sa akin? Sara I have to do some things for me too at 'di pwedeng ako lagi ang mag adjust para sayo, I promised to be here pero you have to help yourself too. Nasaan na ang Sara na kilala ko? wala ka nang progress sa buhay mo ngayon, magd-dalawang linggo ka nang ganyan! how about your daughter? she's your responsibility! 'di mo ba nakikita na napapabayaan mo na siya? eh paano pa kaya kung wala ako dito ano nalang ang gagawin mo Sara"  My tears dropped when she said that, that's sad but it's true.

"I-im sorry....ang hirap kasi eh, ang sakit kasi eh...Hindi ko m-maisip kung bakit hindi..n-niya ako pinagkatiwalaan at iniwan kaming dalawa ng anak niya? may nagawa ba akong masama para ma-deserve 'to? masama ba akong tao? I gave all my love to him pero hindi ko alam kung bakit nangyari sa amin 'to. Risa I'm scared, scared for my child and for myself too." Risa hugged me as I cried on her shoulders, I can't help but cry right now dahil sa sakit ng nangyari sa amin. Hindi ko naman masisisi si Bong lalo na't wala siyang kasalanan at hindi ko rin naman nasabi sa kaniya ang tungkol kay Mans.

"Sara I know it's painful pero kailangan mo rin tulungan ang sarili mo, I'm here as your shoulders pero paano matatanggal yung sakit kung wala kang gagawin? I know you love him so much pero you have to let him go. You tried naman diba? you tried many times to beg him and explain your side pero wala eh, hindi ka niya pinakinggan and he's not even bothered na anak niya 'yon at malaking responsibilidad niya yon para basta basta nalang bumitaw" I cried more when she said that. It took me few minutes bago pa tumahan dahil sa sakit ng nararamdaman ko.

Loving Mr.StrangerWhere stories live. Discover now