31

363 27 3
                                    

BONGBONG

Pagbaba ko ng sasakyan dumiresto agad ako sa sa site kasama ng mga bodyguards ko,nang makakita ako ng ambulance ay diko ito pinansin dahil ang akala ko ay dumating na yung mga ambulance na binili namin for this hospital na pinapatayo namin. Kaya nagtaka ako kung bakit ang bilis na dumating nito.

Pero pagdating ko bigla nalang may mga construction workers na nasa stretcher na dala ng mga nurse.

"What happened here?!"

"Sir may scaffolding po na nasira at marami ang na-aksidente"

Pumasok ako sa loob ng construction site at nakita ang scaffolding na nasira kun saan napapalibutan ito ng maraming tao.

"Paano nasira to?" Tanong ko sa guwardiyang kasama namin.

"Hindi pa po alam sir pero sa ngayon ay iniimbestigahan po ito ng mga pulis,pati rin po ang mga nagt-trabaho dito ay di alam kung bakit bigla itong bumagsak"

"Sige just make sure na malaman na ka agad kung anong nangyari sabihin mo sa mga pulis ay dapat maka tanggap nako ng report tungkol dito bago pa man matapos ang araw"  Tugon ko at tumango naman ang guwardiya.

Sa tingin ko ay may hindi tama sa nangyayari dahil matibay ang materials na binili ng gobyerno para dito at confirmed na rin na safe ang lahat ng ito. Sinigurado namin na safe gamitin ang mga scaffoldings kaya imposibleng mangyari ito.

At gaya nga ng inutos ko ay sinunod agad ito ng mga pulis na nagimbestiga ng insidente. Pagkarating ko palang sa opisina ko ay nagpadala na ito ng mga tao para sa pagpapaliwanag sa aksidenteng nangyari.

"Base po sa imbestigasyon namin sir ay naputol ang isang parte ng bakal sa scaffolding at base po sa statements ng mga manggagawa dun ay wala po silang pinakialaman sa parteng yon wala silang ka alam-alam na may sira ang parteng yun sir"

"So it means there's a possibility na may nag sadya talagang sumira nung parteng yon?" Curious kong tanong rito. Tama nga siguro ako. May mali talagang nangyayari at may nagtatangkang mag-sabotahe ng proyektong pinagawa ko.

"Yes sir pero hindi pa po ito confirmed pagpapatuloy po namin ang investigate regarding to this accident" The officer said and i just nodded.

Dahil sa insidenteng yon ay mas naging abal ako. Talagang nag focus ako sa pag imbestigasyon na yon para malaman kung ano ang nangyari. May kutob akong may nag sabotahe nito at hindi ito aksidente lang.

Binalik-balikan namin ang pinangyarihan ng insidenteng yon at sa ngayon ay di muna pinatuloy ang construction. Nagpalagay narin ng mga camera sa paligid para kung sakaling may mag tangka ulit na gawin iyon ay mahuli namin.

Bigla ko namang naalala si Sara habang nagt-trabaho sa opisina ko kaya natataranta kong kinuha ang cellphone ko at it-text ko sana siya pero baka kasi magalit siya at kailangan ko talagang mag focus sa trabaho ko at di ko pwedeng pag sayangan to ng oras.

Mamaya na nga lang!

Pero diko na matiis.

Fine!

Loving Mr.StrangerWhere stories live. Discover now