60

270 18 10
                                    

SARA

The next morning was going to be a super tiring day dahil maglilinis ako ngayon, Fiara said that she'll try it with me pero ayun maga-alas dose na hindi pa rin bumabangon dahil humilata agad pagtapos magalmusal. Nagtatampo kasi siya dahil sa nangyari kagabi, I told her many times na kamukha lang 'yon ng daddy niya but she didn't believe. Magaling na bata at hindi ko ma-gaslight.

Pagtapos kong linisin ang likod at drawers na patungan ng tv ay tumayo na agad ako at pumunta ulit sa kwarto niya at nang makapasok ako nakita ko nalang siya na nanonood ng frozen sa ipad niya at kumakanta pa ng 'Love is an Open Door' pero tumigil nang makita niya ako.

"Aww ang galing naman kumanta ng baby ko, can you sing it again?" I asked but she shooked her head.

"Why? ayaw mo na ba iparinig kay mommy maganda mong boses?" she shooked her head once again.

"No tapos na" sagot niya, tumango na lang ako kahit alam kong iniskip niya nalang 'yon para 'di kumanta.

"Galit pa rin kay mommy?" I said and tilted my head pero 'di niya ako sinagot.

Dahan-dahan kong Binaba ko ang iPad niya at itinaas ang ulo niya para tumingin sa akin.

"Baby c'mon, intindihin mo naman si mommy. I'm sorry kung hindi mo pa makikita si daddy okay? but I promise he'll be ready soon kasi siya na mismo ang nagsabi sa akin that he'll see you when he's ready. Hindi talaga siya yung nasa party at kamukha niya lang talaga 'yon"

"No mommy it's him it's daddy!" she started crying.

"No love I'm sorry okay? tsaka hindi naman sumali si daddy doon eh wala pa nga yung name niya sa invitation, stop crying na anak I'm sorry okay?"  I uttered and hugged her. I knew she badly wants to see her dad in personal dating dati pa but here am I, I still don't know what to do just to protect my daughter.

"I want to see daddy" she sobbed on my shoulders.

"I know baby, konti nalang okay? just give mommy more time."

"Hay na'ko beh wala nang time! hindi dapat pinaghihintay ang pag-ibig kung nandyan na sa harap mo no! hello? nakita niyo na siya kagabi hindi ka pa gumora?" singit ni Risa na bigla nalang pumapasok.

"Shut up hindi nga namin siya nakita kamukha niya lang!" pinanlakihan ko pa siya ng mata para magkunwari rin.

Hay nako love is an open door~~~" sabi niya na kumakanta pa. Ang kulit! sinabi nang nag move-on na yung tao.

"Sige na aalis na ako ah! suyo your daughter well" ani niya at lumabas.

Hindi pa kami masyadong okay at alam ko 'yun kaya nagluto nalang ako ng favorite niyang fried chicken para naman pansinin niya na ako.

Pagtapos mag-lunch pinaliguan ko na siya at saka tinawagan si Win dahil pupunta ako ng office at walang magbabantay sa kaniya. Ganon talaga kaming tatlo, pag aalis at may kailangang gawin ng dalawa ang isa magi-stay or pupunta dito sa bago kong condo para samahan si Fiara.

It's really hard but I never thought of hiring a maid for her, mahirap na kasi pag may yaya baka matutunan niyang mag utos-utos nalang at hindi na siya ang kumikilos ayoko naman ng ganon.



Loving Mr.StrangerWhere stories live. Discover now