62

284 20 15
                                    

Pag-alis ni Bong ay pinagkaabalahan ko munang magluto ng lunch naming dalawa ni Fiara para paggising niya. ay makakain na agad siya and I wasn't wrong, paglabas niya ng kwarto ay naga-ahin na ako ng mga pinggan.

"Mommy..?" sambit niya habang kinakamot ang mata, nakayakap pa siya sa tiger stuff toy na galing sa tatay niya nung baby pa siya.

"Yes baby? luto na 'yung lunch let's eat na" lumapit naman ako sa kaniya para lumuhod at halikan ang noo niya. She likes kisses and hugs kasi tuwing kakagising niya lang.

"Where's daddy?" bumitaw ako sa pagkayakap nang magtanong siya.

"Umalis muna siya baby, may work kasi siya"

"A-alis na agad si daddy? why di nag paalam s-sakin" she started crying so I immediately comforted her. Hindi ko akalain na iiyak siya ng ganito sa daddy niya.

"Anak don't worry okay? babalik naman si daddy stop crying na hm?" sambit ko at pinunasan ang luha niya.

"what if di siya balik?" she continued crying at nanlambot naman ako agad.

"Babalik siya sabi niya okay? pumunta lang siya sa work niya tapos pupunta ulit siya dito. Trust me anak, okay po?" I assured her. Sa totoo lang hindi ko nga alam kung mamaya ba o baka kinabukasan na siya makabalik alam ko naman kasing busy 'yon sa trabaho.

Pinakalma ko muna siya ng kaunti at tsaka naman siya dinala sa hapag kainan para kumain, maga-ala una na rin kasi at hindi pa siya kumakain lalo na't favorite niya 'yung chicken adobo mahilig talaga. siya sa nga manok at kaunti nalang talaga ay lilipad na ata siya.

"Done mommy!" sambit niya. Pagtapos kumain ay niligpit ko ang mga pinagkainan maghuhugas na sana ako ng plato nang bigla niyang hilahin ang tela ng damit ko.

"Mommy balik si daddy right? where is he po?" nagpout siya at yumuko halatang nalulungkot pa rin siya hanggang ngayon.

"Anak, he will be back okay? maghintay ka lang kasi busy pa siya sa work" inilagay ko ang plato sa lababo at lumuhod sa harap niya.

"Always work mommy! always work daddy! no Fiara anymore?" malungkot niyang tanong habang nakanguso pa rin at pumapadyak pa mukhang magtatampo na siya sa akin.

"Sweetheart no okay? we just need to work kasi it's for you and our future too. Sorry if mommy and daddy doesn't spend much times with you, but don't worry kase mags-swimming tayo mamaya habang hinihintay si daddy okay?" sagot ko naman, syempre para naman gumaan an ang pakiramdam niya actually kasama naman talaga 'yon sa mother and daughter bonding list namin.

Ngumiti naman siya nang marinig iyon pero hindi naman kagaya ng nakagawiam niyang reaksyon 'pag sinasabi kong mags-swimming siya kaya naman sinabi ko nalang na dadating naman ang daddy niya after naming magswimming at sana nga ay tama ako kung hindi ay iiyak na talaga ang bulinggit.

Nagsuot na siya ng swimwear niya at nagdala pa ng mga nilalaro niya sa swimming pool, pagkatapos ay pumunta na kami sa pinakamataas na floor kung saan nandoon ang swimming pool

Hinayaan ko muna siyang magswimming mag isa sa pool para naman matuto siya kahit papaano, naka floaties naman siya kaya no worries naman, habang ako, ay nakaupo sa may tabi habang nagv-video sa kaniya at nagp-picture pa. Pinadamihan niya talaga yung picture para nga raw marami siyang maipakita sa daddy niya.

Loving Mr.StrangerWhere stories live. Discover now