43

324 23 2
                                    

Kinaumagahan ay nagikot-ikot lang kami sa beach at nagswimming. Pagtapos non ay naglunch lang rin kami, plano naming sumakay ng bangka mamaya ng kaming tatlo lang.

Pag-akyat namin sa suite ay nagpa-breastfeed muna ako at nag-prepare na kami habang si Bong naman ay sa kabilang kwarto naligo.

Paglabas ko ay wala pa si Bong kaya pinuntahan ko siya sa kwarto.

"Anak ng teteng Bong!bat hindi ka pa naliligo!" Sigaw ko at binato siya ng unan.

Napabangon naman ito at tinignan ang cellphone niya.

"Shit! sorry I didn't noticed the time" aniya habang kinukusot ang mata niya.

"Ano kaba! bat natutulog kapa diyan sabi mo maaga tayo diba!?" asik. habang pinaghahampas siya ng unan.

"A-aray HAHAHA love wag kana magalit ikaw rin naman di pa nakakaligo" natatawa nitong sambit na parang baliw.

"Ay syempre inaasikaso ko pa ang anak natin! ang tagal tagal kong ayusan si Fiara tas ikaw nakahilata lang dyan!" bwisit na bwisit talaga ako nang makitang natutulog lang siya na parang walang pupuntahan."Wag ka nga tawa-tawa! para kang baliw dyan letche!"inis kong turan at padabog na binato ang unan.

"Sorry na po okay?sige na tara na sabay na tayo maligo hmm" sambit niya at niyakap pa ako.

"Tse!alam ko ang binabalak mo ha manahimik ka dyan"

"What do you mean binabalak?maliligo lang naman tayo ah, love ikaw ha kung ano-ano iniisip mo" aniya na may pa smirk pa.

"Eh kung sipain kita dyan? bilis na maligo kana!" sabi ko at marahan siyang tinulak.

"Wait love kiss muna" sambit niya at ngumuso.

"No."

"Please para maligo na ako" asus! ayan na naman yang pagpapacute technique niya.

Syempre cute nga diba edi pumayag na ako, tatanggi paba tayo sa biyaya?syempre hindi diba.

Tawagin niyo na akong marupok atleast may benefit na nakuha!

It was supposed to be a smack only but it took us 7 seconds kissing. He was about to pull my waist but I stopped him.

I don't want us to do this thing here, not now, not here. This is not the right timing dahil gusto ko talaga ma-enjoy tong bakasyon na to'.

Sabi ko nga diba ayokong masira ang bakasyon namin dahil lang sa pechay kong sasakit sa gitna ng paglilibot namin kahit na okay lang madiligan.

After we prepared we went to the beach for the boat ride. The good thing is Fiara wasn't crying while in the ride.

Hindi naman talaga siya madalas na umiyak, depende lang kung nandyan ang tatay pero mahirap talaga patahanin.

Ayaw rin naman naming masanay siya na kay Bong lang since Im a mother. Pero mahirap talaga pag umiiyak yan kaya minsan ko lang rin siya mabuhat.

After the boat ride dumiresto na agad kami sa pupuntahan namin. Nag-renta na pala si Bong ng sasakyan para di na raw mahirapan sa pag commute.

Alam niyo na ang lolo niyo kuripot.

Ang karamihan naming pinuntahan ay mga lugar na may magagandang view para maka pag picture kami.

Pumunta rin kami sa isang zoo at tuwang tuwa naman si Fiara na ikinatuwa din namin.

She's so cute like her father, 2 months palang siya pero ganun na agad siya ka ganda. Chinita na mestiza look so perfect for her, at talagang namana niya ang mukha niya kay Bong.

Loving Mr.StrangerWhere stories live. Discover now