𝐈.𝐖.𝐓.𝐁.𝐓.𝐍.𝐌.𝐏.𝐏

23 7 0
                                    

𝐓𝐢𝐭𝐥𝐞: I Want To Be This Novel's Most Powerful Protagonist
𝐆𝐞𝐧𝐫𝐞: Transmigrated Protagonist, Cultivation, Xianxia, Action, Manhua, Adventure, Romance, Slice of Life
𝐒𝐭𝐚𝐭𝐮𝐬: Up-Coming

𝐃𝐞𝐬𝐜𝐫𝐢𝐩𝐭𝐢𝐨𝐧: Si Aether Klein ay isang shut-in reader, madalas school at bahay lamang ito at ang laging nasa isip ay ang mga binabasa nitong cultivation stories. Isang araw habang ginagawa ang lagi nitong ginagagawa-- ang magbasa at maghintay ng update ng kanyang paboritong manunulat, ay sa kanyang cellphone isang tunog ang maririnig.

Nag post ang manunulat na isa sa mga paborito niya. "Hi! Salamat po sa suporta at sa pag hihintay sa dalawang taon kong pahinga, naisipan ko pong gumawa ng bagong culivation story, bilang pasasalamat nasa inyong kamay ang magiging pangalan ng tauhan sa kwento ko."

Walang matutumbasang ngiti at tuwa ang naramdaman ni Aether Klein, nag comment ito at sa hindi malamang dahilan kusang gumalaw ang daliri nito at nag tipa sa key board na kalaunan ay nakita nalamang niya ang sarili na tin-na-type pala ang pangalan niya. Nakatanggap siya ng react na puso galing sa manunulat kasunod ang someone is typing a comment...

"Salamat sa iyong tugon, sisimulan ko na agad ang kwento sa lalong madaling panahon." Sa unang pagkakataon nag reply sa comment niya ang manunulat, nagkibit balikat si Aether Klein at tinulog ang araw na ito ngunit hindi niya aakalain na pagkagising ay mapupunta siya sa ginawang story ng kanyang paboritong author.

Ang malala pa wala siyang choice kundi sundin lahat ng nais ng author. At kung meron pang malala ay ito ang hindi niya alam kung anong klaseng tauhan siya sa kwento, nais lamang niya na maging pinakamalakas na bida sa kwento at hindi isang tauhan na gagawing stepping stone ng iba.

Subaybayan ang kwento ni Aether Klein na puno ng askyon at katatawanan kahit boring ang manunulat sa inyong harapan.

Somniator's StoriesWhere stories live. Discover now