CHAPTER THREE

1.4K 36 2
                                    

PURO kwentuhan lang sila about businesses, yung mommy naman ni liam tsaka mommy ko about sa magiging apo nila, they want twins. Nung pagabi na nagpaalam na kami ni liam na umuwi at halatang bakas sa mukha nya na ang saya nya, ako din naman masaya dahil nakasama ko naman sila mommy at daddy and especially ang parents ni Liam.

"Mom aalis na kami" Nakangiting paalam ni Liam sa mama nya.

"Tita, tito, mom and dad alis na po kami bye." paalam ko naman.

"Sige mag-ingat kayo, dapat pag balik nyo may apo na kami" pahabol ni tita.

Hayst bwisit kasi tong Liam eh ngayon tuloy asang-asa sila tita at mommy. Kung si daddy at tito naman halata naman na walang pake...

Nasa sasakyan na kami at as usual hindi ako pinagbuksan ng pinto nitong kutong lupa nato at dumeretso na sya sa driver's seat at ako nandito parin sa labas at iniintay na pagbuksan nya...

"Ginagawa mo dyan?" kunot noong tanong nya.

"Hindi mo manlang ba ko pagbubuksan ng pinto?" inis na sabi ko.

"Arte mo, may pabukas-bukas ka pang nalalaman may kamay ka naman" inis na sabi nya. Aba napaka ungentleman nitong hinayupak nato, sa inis ko ako nalang nagbukas sa sarili ko at bigla akong bumulong...

"Buti pa si josh" inis sa bulong ko.

"What did you say?" inis na tanong nya.

"Ewan ko sayo" Inis na sabi ko tsaka umirap.

"Don't compare me to your stupid guy!" galit na sabi nya sabay pinatakbo ang sasakyan ng pagkabilis bilis...

Busit sya, tahimik lang kami sa byahe hindi ko sya kinikibo at hindi nya din ako kinikibo. Aba! Sige magmatigasan tayo.

Nakarating na kami sa bahay at pinasok nya na sa gate ang sasakyan at hininto. Agad naman akong lumabas at nagpatiuna na. Nasa tapat nako ng pinto at pumasok na at nagdere-deretso sa kwarto ko nakakainis sya bat pagdating kay Ashley halos magtalupan na sila ng labi kung magkiss dito sa bahay namin pagnakikita nila ako wala lang. Alam naman nung pesteng ashley nayon na asawa ako ni Liam eh kaya yon may mas karapatan ako, humiga nako sa kama ko at pumikit ng...

*TOK TOK TOK*

"Bakit?" inis na tanong ko.

"I'm sorry" paghingi nya ng paumanhin.

"For what?" cold na tanong ko ulit.

"For shouting at you, I'm so sorry" paumanhin nito.

"It's ok" tanging sabi ko.

"Are you still mad?" tanong nito na parang disappointed pa

"No" cold na sabi ko.

"No it's not ok, it's my fault." sincere na sabi nito

"Hmm" antok na sabi ko.

"Can i come in?" tanong ulit nito.

"The door is not locked" antok na sabi ko.

" Thanks" sabi nya sabay pasok sa kwarto ko.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Can we talk?" nahihiyang tanong nya.

"For what?" tanong ko ulit.

"Kasi di ba sabi nila tita pagbalik natin don dapat may apo na sila" paliwanag nito.

"What the!? At talagang pinaglaanan mo pa ng oras yon, nako Liam tigilan moko dyan, bahala kang maghanap ng bata." sabi ko habang nakahiga.

Maya maya may naramdaman kong parang bumaba ang kama yun pala humiga na din sya...

Married To My Hot ProfessorWhere stories live. Discover now