CHAPTER TEN

1.5K 40 2
                                    

EDELIZA POV

Hindi ko talaga ineexpect na mangyayari to kasi kinuha ko lang naman ang kotse ko tapos makikita ko sila Lexie at yung ashley nayon na nag-gegiyera tapos nakita ko na medyo may dugo sa ulo si Ashley at agad din naman dumating si Liam at mas inuna nya pa si Ashley tapos umalis sila at agad ko naman nilapitan si Lexie na ngayon ay umiiyak, naawa ako sa kaibigan ko.

"Lexie ok ka lang? May masakit ba sayo?" alalang tanong ko pero ang pinagtaka ko, bigla syang napaupo at nagulat nalang ako nung tinaas ni Lexie ang kamay nya may dugo at pagtingin ko sa bewang nya nakita ko na may nakasaksak sa kanya na medyo maliit na kutsilyo kaya naman maya maya tuluyan na syang bumagsak.

Nag-alala ako kaya agad ko syang sinakay sa kotse ko at hinarurot ko ang sasakyan para madala agad sya sa ospital, tiningnan ko naman si Lexie at nakita ko na sobrang dami nang nawalang dugo sa kanya.

~HOSPITAL~

Nilagay na sya sa operating room at agad inasikaso ng mga doctor.

Maya maya lumabas ang doctor kaya naman napabalikwas ako sa pagkakaupo ko.

"Doc, how's my friend?" alalang tanong ko.

"Well I'm sorry because we seen that the patient lost many blood and she's in the critical condition" malungkot na sabi ng doctor kaya agad naman bumagsak ang mga luha ko at tiningnan ang kaibigan ko na nakaratay doon at hinang hina na lumalaban, peste ka Liam pagbabayaran mo to.

LIAM POV

Grabe nagulat ako paglabas ko sa office ko agad akong pumunta sa parking lot at nakita ko si lexie at si ashley na may dugo sa ulo kaya naman napatakbo ako at nakita ko si lexie na parang hindi nya naman din sinasadya... Agad akong nagalit kaya naman inuna ko si ashley dahil baka kung ano na mangyari sa kanya nang biglang magsalita si lexie.

"Liam hindi ko sinasadya" dispensa nya pero hindi ko na sya pinakinggan.

"Kapag may nangyaring masama kay Ashley, hinding hindi kita mapapatawad" sabi ko sa kanya habang buhat ko si ashley at patuloy nang umalis.

~HOSPITAL~

Dinala ko si Ashley sa ospital at sabi naman ng doctor ok lang naman daw wala naman daw mangyayaring masama sa kanya.

Lumabas ako para naman pagsabihan ko si Lexie at may nakasalubong akong dinala sa ospital na babae pero di ko nakita ang mukha nya.

Nagdrive nako at umuwi na sa bahay nang mapansin kong patay lahat ng ilaw...medyo madilim na din kaya naman akala ko tulog na sya kaya pumasok nako, kaso talagang walang tao kaya naman tinawagan ko sya pero hindi sya sumasagot.

Nag-aalala nako sa kanya, tinawagan ko nalang ang kaibigan nya baka kasi duon sya tumuloy.

*CALLING EDELIZA* ANSWER CALL*

{H-hello si-sino to?} si edeliza na parang umiiyak?

This is Liam, did you see Lexie? - tanong ko at hindi na sya kumibo.

Where's Lexie?- Pag-ulit ko.

{Kanina lang galit ka kay Lexie diba? You threatened him na kapag may nangyari kay Ashley hinding hindi mo sya mapapatawad tas ngayon hahanapin mo sya, she's now on ICU with a critical condition and that's because of you and your f*cking ex girlfriend!} galit na sabi ni edell sabay patay sa cp.

Hindi ko maintindihan, critical condition? Pero pano? agad naman akong tumawag kila tita at wala naman sumasagot, agad akong lumabas at sumakay sa kotse ko at pupunta ako kahit saang hospital at hahanapin ko sya, tatawagan ko nalang pala si john ang kaibigan ko na maraming koneksyon.

*JOHN*

Bro nasa st. Claire sya at nasa ICU

Natanggap ko kay john kaya naman nagmadali nakong sumugod sa hospital at agad pumunta sa mga nurse duon pag pasok sa hospital.

Married To My Hot ProfessorWhere stories live. Discover now