PROLOGUE

3.6K 70 0
                                    

            WALANG nakakaalam na estudyante sa iskwelahan nato na kasal ako sa pinaka-sikat na professor at pinaka pinapangarap ng mga kababaihang estudyante.

Pano ko nga ba nagamit ang apelido nya?

How can i supposed to be Mrs. Ferrera in just one day?

Ganito kase yan.

Hindi pa ko pinapanganak ay napagkasunduan na ng magulang ko at nang magulang ni Liam na ikakasal kami sa edad ko na dise-otso.

In my high school life ni hindi ako nakipag relasyon dahil ayaw ni dad, di ko pa alam non na nakatakda na pala kong ikasal kay Liam. Inis na inis nga ako non kay daddy kase ayaw nya kong mag boyfriend, inaasar na nga lang ako ng mga kaibigan ko e, tatanda na daw akong dalaga.

On the day na ikinasal kami ay high school vacation yon at tamang tama naman na birthday nya. We have a small wedding sa private resort nila sa cebu. Puro relatives lang ang dumalo sa kasal namin at mga kaibigan ko.

And the night came na dapat ay honeymoon namin ay umalis sya at alam ko na kung anong dahilan nya. He hates me. Pinamukha nya sakin ng gabing yon na, whatever happened hindi nya hihiwalayan si Ashley at hindi nya ko itituring na asawa. That night was the worst night of my life dahil sa mga sinabi nya, but I'll just accept it dahil alam ko namang kasalanan ko.

I can't imagine na ako pa yung nagiging hadlang sa relationship nilang dalawa.

"Ouch!" I screamed.

Nabunggo ako. Pinikit ko ang mata ko at hinihintay kong tumama ang likod ko sa sahig, pero hindi. A soft hand is on my back so it means na hindi ako bugmagsak. I opened my eyes and i hold my breath.

Calvin Klein model? No, wala namang nag-aaral dito na nagtatrabaho sa Calvin Klein. Baka naman kamag-anak ni leonardo dicaprio? Ang pogi!.

"Miss, Are you okay?" May pag-aalala na tanong nito.

I just nodded and stand up straight. Inayos ko ang sarili ko at humarap sa kanya.

"I'm sorry, i was just thinking kaya di kita napansin. I'm so sorry" Paumanhin ko at naglakad na. Hayst, Lexie umayos ka.

*Kringggggg*

The school bell rang....

Pumasok na ko sa Room at umupo na sa favorite spot ko, sa tabi ng bintana.

After a few mins dumating na ang prof namin, or what should i say 'asawa ko' pero diba secret lang namin yon kaya eto nakiki-professor ako. Baka maging balita pa kami pag nalaman ng mga estudyante.

"Good morning class, before we start i want to introduce myself. I'm prof. William Gale Ferrera, just call me Prof. Liam" Saad nito at ngumiti, makalaglag panty kung sino man ang makakita. Buti pa dito sa school nakikita ko syang ngumingiti pero sa bahay, hayst akala mo palaging merong dalaw.

"Ahm sir..." Rinig kong saad ng isa kong kaklaseng babae na nakakuha ng atensyon naming lahat, nagtaas ito ng kamay.

"Yes" Nakangiti at nakapamulsang saad nito.

"U-uhmmm m-may asawa na po ba k-kayo?" Nauutal na saad nito. Alam ko na kung bakit nauutal yon, ikaw ba naman ngitian ng ganon tas nakapamulsa pa di ka ba naman ma-attract.

Alam ko nang isasagot nyan 'wala'.

"Hmmm Nope" nakangiting saad nito at inayos ang mga libro sa desk.

Sabi na eh. Tuwing may magtatanong naman ganon yung lagi nyang sagot.

"Prof. Liam, may i excuse your class in a minute. May transferee kase and engineering din ang kinuhang course" Excuse ng isang teacher sa klase namin at dahil nasa gilid ako ng bintana ay nakita ko si Prof. Luke na may kasama. Di ko lang alam kung sino kase nakaharang si Liam.

Married To My Hot ProfessorWhere stories live. Discover now