CHAPTER SEVEN

1.9K 51 1
                                    

Lexie pov

Grabe namiss ko ang best friend ko. 3 years ko syang di nakasama.

"Kamusta naman yung pag aaral mo sa spain?" masayang tanong ko.

"Syempre hindi masaya, wala ka don e and i realized na mas masaya pag dito ko nag-aral kasama ka" masayang sabi nya.

"Yiieee ang sweet na naman, pakiss nga" natatawang sabi ko saka ngumuso.

"Yuck itigil mo nga yan, di bagay sayo, nga pala magta transfer ako sa school mo para lagi tayong magkasama" excite na sabi ni Edeliza.

"Talaga? Yiieeee!" Masayang sabi ko.

"Bukas lilibutin ko muna yung buong campus kase inaasikaso pa kase ni daddy yung paper sa pagtatransfer ko" masayang sabi nya sabay yakap sakin.

Niyakap ko sya pabalik at nagsimula na ulit magkwentuhan, habang nagchichikahan kami ni Edeliza tiningnan ko naman kung ano oras na, what the???7:37 na ang bilis naman ng oras, baka nag-aalala na sakin si liam, bigla naman bumukas ang pinto at iniluwa non si mommy.

"Anak nandyan si liam sa baba" nakangiting sabi ni Mommy, like wtf!

"What?!" gulat na sabi ko.

"Sinusundo ka na, hindi ka ba nagpaalam?" parang kinikilig na sabi ni Mommy, pagkatapos nyang ipahiya ako kay josh, tsk!

"Lexie! Liam is waiting for you, hindi ka pa ba bababa?" Tanong ni Mommy

"Just a minute mom" sabi ko at nagpaalam muna kay Edell na pupunta muna sa baba at sinabi nya naman na sasama na sya dahil hindi nya pa nami-meet si Liam dahil nung kasal ko nasa spain na sya.

Pagbaba naman namin agad kong nakita si Liam na nakayuko sa sofa, bigla itong humarap sa amin at parang medyo namumugto ang mata nya? Ano to umiyak sya?

"Lexie sobra mo akong pinag-alala akala ko iniwan mo nako" sabi nya saka ako niyakap at naramdaman ko naman na parang basa ang balikat ko, oh my!umiiyak ba sya?

"Oh ba't ka umiiyak?" cold na sabi ko, agad naman syang bumitaw sa pagkakayakap.

"Kasi nga nag-aalala ko sayo" mangiyak ngiyak na sabi nya.

"Tama na nga yang iyak mo, mukha kang bata na hindi nabilan ng lollipop" natatawang sabi ko

"I just want to say sorry for what I've done, I'm really sorry, ayoko lang talaga na kunin nang iba ang pagmamay-ari ko" paumanhin nya na may pagkasincere.

"Cut! Hoy Lexie bakit hindi mo sinabing ang sweet pala ng asawa mo?" bigla naman sumabat itong si Edeliza.

Natawa nalang ako dahil sa tanong nya.

"Di ka naman nagtanong eh, teka san ka pala nyan titira?" tanong ko

"Pwede sa inyo?" tanong ni Edeliza.

"Sure" bigla namang sabat ni Liam kaya naman mayamaya ay nagpaalam na kami sa parents kong aalis na

*FAST FORWARD*

Habang nagdi-drive si Liam ay sobrang tahimik lang namin pati nga si Edeliza eh nanahimik himala...

*HOUSE*

"Edell wake up" paggising ko kay Edeliza dahil itoy mahimbing na natutulog.

"Asan ako? Nasa langit naba ko?" Hahaha...mukhang naalimpungatan ata.

"Anong nasa langit ka na? Tanga nandito ka na sa bahay namin" natatawang sabi ko at yun nabalik naman sya sa realidad.

Nakapasok nadin kami sa bahay namin at bigla naman bumulong ang babaitang to.

Married To My Hot ProfessorDonde viven las historias. Descúbrelo ahora