CHAPTER ELEVEN

1.3K 37 1
                                    

LEXIE POV

4 weeks din akong naconfine dito at ngayon ang labas ko. Ohh i miss school

"Bess, mamaya na yung labas mo diba? Kain tayo ng favorite mong tteok-bokki?" aya nya sakin.

"Sige ba, basta mas marami yung saken" saad ko tsaka tumawa.

"Ikaw talaga" sabi nya tsaka napailing

"Nga pala, samahan mo kong mag file ng kaso para kay Ashley, ayoko nang maulit ulit ang pangyayaring to" mahinahong sabi ko, Akala nya ganon ganon nalang yon. Well humanda sya sakin. Sa ginawa nya at syempre may plano din ako tungkol sa gagawin ko kay Liam.

Crrrrrrrk (bumukas ang pinto)

"Sorry sa istorbo, sabi ni doc pwede ka na daw i-release ngayon" sabi ni Liam habang palapit samin.

tumango lang ako. Naging cold nako simula nung sa nangyari na insedente.

Inayos na namin ang mga gamit ko at binayaran narin ang ospital. Umuwi narin sila mama at papa at si edell naman at si Josh ay sabay na din silang umuwi at syempre asawa ko parin yung pesteng to! Syempre sa kanya ako sasabay. Inalalayan nya ko pumasok sa kotse nya at sumakay narin sya.

Tahimik lang kami sa byahe dahil kundi nya ko kikibuin well di sya kawalan. I dont care whether he talks to me or not.

"Nga pala, inayos ko na  yung kwarto mo and nag submit narin ako ng excuse letter sa mga subject teacher mo at nag-aalala din ang mga kaklase mo, papasok ka na ba bukas?" tanong nya pero tumango nalang ako.

"Galit ka pa ba?" tanong nya ulit.

"Tumingin ka nalang sa daan, baka mabunggo pa tayo" sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya

"P-pero K-"hindi ko na sya pinatapos dahil ang ingay nya

"Shut up!" galit na sabi ko kaya naman natahimik na sya, naaawa nako sa kanya kaso kapag talaga naaalala ko yung ginawa nya sakin?yung sinabihan nya pa ako na

Kapag may nangyaring masama kay Ashley hinding hindi kita mapapatawad

Kada makikita ko sya at kakausapin nya ko lagi ko nalang naaalala yon, back to reality na nga, last week na namin may pasok dahil december na at syempre maraming magcecelebrate ng Christmas at syempre christmas vacation din yon. Kabagot syempre 2 weeks kong makakasama tong asungot nato.

"We're here" sabi nya kaya naman nabalik ako sa realidad nagpatiuna nakong lumabas at naririnig ko namang tinatawag nya ko kaso diko sya nililingon.

Binuksan ko ang pinto ng bahay at nakita kong nakapatay pa ang ilaw kaya syempre kinapa kopa...maya maya nakapa kona at pinindot ito. Pagbukas ko laking gulat ko dahil may nakalagay na...

'Welcome home wife' nakapaskil sa dingding at ang daming design sa paligid. Medyo na tuwa ako kaso talagang kailangan kong ipakitang hindi ko pa sya pinapatawad, pakipot lang ah.

Aakyat na sana ako sa hagdan ng maramdaman kong pumasok na din sya.

"Hey" tawag nya pero patuloy parin ako sa paglakad

"I'm sorry Lex, im really really sorry" sabi nya pero tuloy parin ako sa pag-akyat sa hagdan ng bigla kong naramdaman na may yumakap sakin patalikod...

"Umalis ka nga!" inis na sambit Ko pero naramdaman kong nabasa ang balikat ko at naramdaman kong umiiyak na sya.

"Patawad, napakawalang kwentang lalaki ko, babawi ako sayo just give me another chance, i can't lose you again" makaawa nya.

"Fine, I'll give you another chance, pero ito na ang huli kase ayoko nang masaktan ng paulit-ulit nang dahil sayo" cold na sabi ko at duon sya kumalas ng yakap at parang medyo natuwa naman sya dahil syempre binigyan ko na sya ng isa pang pagkakataon.

Married To My Hot ProfessorWhere stories live. Discover now