CHAPTER NINETEEN

1K 25 0
                                    

HABANG nasa biyahe ay bigla akong nakaramdam ng gutom kaya naman napagdesisyunan namin na kumain muna sa resto bago umuwi.

Pagpasok namin ay agad kaming nakahanap ng upuan.

"Wait me here, i'll just take our order" sabi nya tsaka humila ng upuan.

Umupo ako sa upuan na hinila nya at nakangiting tumingin dito.

"I want some, pasta then chickens" sabi ko sabay ngiti.

"Okay, wait me here, wag kang makikipag usap sa lalaki, you know--"

"Oo na, alam kong seloso ka, sige na umorder kana kanina pa ko nagugutom e" pagtataboy ko sa kanya at sya naman ay dali daling umalis.

Nilibot ko ang paningin ko, ang ganda ng mga flowers then the furniture was too beautiful to describe, kung sino man ang may ari ng resto nato ay napaka swerte dahil ang ganda ng pagkakagawa nito.

Tumayo ako at nagtungo sa mga bulaklak para tignan ito, di naman malayo sa table namin kase nasa gilid yon ng bintana, habang abala ako sa pagtingin sa mga bulaklak ay may naramdaman akong tumabi sakin, sa pag aakalang si Liam na yon ay hindi ako humarap at pinagpatuloy lang ang pag tingin dito.

"Hey" bati sakin ng katabi ko, hindi kay Liam na boses yon kaya gulat na humarap ako, shemmsss ba't ba puro lumalapit na lalaki sakin ay mga gwapo, kaya nag seselos si Liam e.

"Ako?" Tanong ko sabay turo sa sarili ko.

"Uhm, yeah" sambit nya sabay abot sakin ng panyo.

Itong panyo na naman! Hyst ano bang meron sa panyo na regalo ni mommy at lagi ko nalang nahuhulog.

"That's yours right?" Nakapamulsang tanong nito.

"That's mine, thanks" saad ko at akmang kukunin na ito ng bigla nya itong itaas.

"Parang may kahawig ka" nanunuri ang mata nito habang nakatingin sa mukha ko.

Teka lang, kilala ko ba toh? As far as i know wala naman akong nakarelasyon na iba, bukod kay edell, katelyn at Amber, wala din akong naging kaibigan na lalaki except kay josh, so sino toh?

"Nagkita na ba tayo? Sorry pero hindi kita kilala e" saad ko at pilit inaabot ang panyo.

"Parang may kahawig ka talaga e" ulit na saad nito.

Tumayo ako ng deretso at nakapamewang na nakatingin dito.

"Sino namang kahawig ko?" Taas kilay na tanong ko at sya naman ay ngumisi.

Oh gosh, ang gwapo nya ngumisi.

"Yung future girlfriend ko" nakangising saad nito at bago pa ko magsalita ay dumapo na ang kamao ni Liam sa mukha nito dahilan para sya matumba.

"Gago kang tarantado ka! Anong karapatan mong tawaging girlfriend ang asawa ko?!" Galit na sigaw nito habang sinusuntok yung lalaki.

Lumapit ako kay Liam para awatin sila, tarages naman e kakain lang dapat kami tas ganto pa nangyari.

"Liam, stop! Tumigil ka na!" Sigaw ko habang hawak hawak ang braso nya.

Galit na galit ito pero buti nalang naawat ko pa din dahil siguradong mamatay ang lalaki kanina, sapo ang tiyan na tumayo ang lalaki tsaka humarap kay Liam.

"Tama nga yung sinabi ni Cal, napaka possessive mong kupal ka" natatawang saad nito.

Teka lang ano bang nangyayari?

"Warren? Ikaw ba yan? Warren Zamora?" Kunot noong tanong ni Liam habang ako naman ay hindi maintindihan ang nangyayari.

"Did you know each other?" Naguguluhang tanong ko at yung dalawa humarap sakin.

"Yah/yes" sabay nilang saad.

"Asawa mo?" Tanong ni Warren kaya ngayon kami na ni Liam ang nakatingin sa kanya.

"Yeah she's my wife kaya ikaw lumugar ka kung ayaw mong malagay sa listahan ni san pedro" madilim ang mukha na saad ni Liam at yung Warren naman ay tumawa lang.

"Ahm ma'am, Sir ok na po ba kayo? Kase hindi po makakain ng maayos yung ibang costumer" saad ng isang waiter, inilibot ko ang paningin ko at tama sya nakatingin samin ang ibang costumer.

"Ok na kami" nakangiting saad ko at hinila sila parehas papunta sa table namin.

"There" saad ko at parehas silang pinaupo.

Si Liam ay nasa left side ko at si Warren naman ay nasa right, mukhang mag uusap na naman kami ni Liam tungkol dito.

Saglit na nabuo ang katahimikan ng biglang magsalita si Warren.

"Galing mo talagang mamingwit ng chiks, so what about Ashley?" Biglang tanong nya.

Kinuha ni Liam ang kamay ko at pinagsaklop yon.

"Ashley? wala na kami non, i broke up with her and beside kailangan kong pag tuonan ng pansin ang asawa't anak ko" sambit ni Liam sabay ngiti.

"Oh i see, si Ashley kasi plastik yon tsaka mukhang coloring book ang mukha" sabi ni Warren sabay tawa.

"Dati nga e, nag-away sila ni liam tapos pumunta sya ng gabi samin at lasing kumatok sya tapos pagbukas ko sa pinto nagulat ako kala ko aswang tapos muntik ko pang mahambalos ng baseball bat sa gulat ko." Sabi pa ni Warren.

"So kaano ano ka ni Liam? You know him, better than his friends" tanong ko tsaka nangalumbaba

"He's my cousin" sabat naman ni Liam.

"Oh, akala ko one of her friends ka lang nya" tanging tugon ko

"Maraming namamatay sa maling akala miss Lex" nakangiting saad ni Warren.

"By the way, ilan ang magiging pamangkin ko?" Natatawang tanong nito.

"Buntis si Lexie and it was a Twins" masayang sambit ni liam na may halong pagyayabang.

"That was a good news, lalaki ba?" Tanong nito.

Dahil gutom na gutom na talaga ko ay nauna nakong kumain at yung dalawa naman ay nag uusap lang about sa babies namin ni Liam.

"Kapag lalaki yan, tuturuan ko yang kung pano habulin ng mga babae" natatawang saad nito at si Liam naman ay tumawa den.

"Yeah, tuturuan ko din kung paano mag handle ng dalawang babae" natatawang saad ng mokong.

Aba't gagawin pang playboy yung anak ko!

"Hoy! Kayong dalawa magtigil kayo ha! Gagawin mo pang two timer yung anak natin, ayokong magaya sya sa tatay nya na playboy" inis na saad ko habang yung dalawa tawa lang ng tawa.

Ilang oras din kaming nandon hanggang sa may tumawag kay Warren, kailangan nya ng umalis dahil may ka meeting sya ngayon at natyempuhan lang na nakita nya ko, he know me dahil kay Amber, ex-boyfriend pala sya ng kaibigan ko at nakita nya daw ako sa pic na binigay nito, nagpaalam na kami dahil uuwi na din naman kami.

Pagka uwi sa bahay ay agad na nagtungo ako sa kwarto at binagsak ang katawan sa kama, kanina pa talaga ko inaantok feeling ko nag trabaho ko 24 hrs dahil sobrang pagod na pagod ako, kaya naman hinayaan ko nalang na hilahin ako ng antok.

Married To My Hot ProfessorWhere stories live. Discover now