CHAPTER SEVENTEEN

1.2K 31 1
                                    

Ilang buwan na ang lumipas simula nang malaman ni Liam na buntis ako. Walang araw na hindi nya ko inaalagaan at syempre lumalaki na rin yung tyan ko kaya nahahalata na sa school.

"Uy bes!" Napalingon ako at nakita ko si edell na palapit sakin.

"Bakit?" Takang tanong ko nang makalapit ito sakin, nako may ichichismis siguro to sakin.

"Wala lang" nakangiting sagot nito at niyakap ako.

"Buntis ka no" bulong nito na ikinanlaki ng mata ko, sh*t masyado na bang halata.

Kumalas ako sa pagkakayakap at seryosong humarap sa kanya

"H-how did you know?" kinakabahang tanong ko.

"Well, I'm edell and besides I'm your best friend, kaya kung may tinatago ka malalaman ko agad yon, tsaka halata naman sa tiyan at katawan mo" saad nito at pinisil ang braso ko.

"Tignan mo, tumataba ka na" dugtong pa nito. Ano daw! Ako tumataba!

"Ako? Tumataba?" Gulat na tanong ko at sya naman ay maiging tinignan ang katawan ko.

"Oo, halata nga e" natatawang saad nito tsaka kumapit sa braso ko.

"Wag kang mag alala di nila yan mahahalata, tsaka isa pa malapit na din ang bakasyon naten" saad nito at iginaya ko papunta sa room namin.

Sumunod lang ako sa kanya at shemay! Yung mga students nakatingin sakin ng masama, ganon na ba talaga kahalata?

"Bes, bakit ganon sila makatingin, kulang nalang patayin nila ko e" saad ko na ikinatawa naman nya. Takte ano bang nakakatawa.

"Lexie, ano ka ba naman di mo ba alam?" Natatawang tanong nito.

Kunot noong tumingin ako sa kanya.

"Seryoso ka? Di mo alam yung pinost ng asawa mo?" Takang tanong nito at bigla akong hinitak papuntang Comfort room.

Masyado bang mahalaga yung post nang mokong na yon?

"Lex! Di mo talaga alam? Liam posted that he's already married... To you" saad nito tsaka ako tinuro.

What?!

"Nag post si Liam about sa relationship nyo and you know what, halos lahat ng girls dito kina-iingitan ka" seryosong saad nito.

Magsasalita na sana ko ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa non si Ashley.

Lumapit ito sakin at akmang sasampalin ako ng biglang hawakan ni edell ang kamay nya.

"Subukan mong sampalin ang kaibigan ko, siguradong makikipag meet up ka kay kamatayan!" Galit na sigaw nito at marahas na binitawan ang kamay ni Ashley.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang mga nangyayare, basta ang alam ko ay madaming galit saken.

"You!" Nabalik ako sa wisyo ng biglang sumigaw si Ashley at tinuro ako.

"Ikaw! Ikaw na bwiset ka! Anong karapatan mong agawin ang pagmamay-ari ko!"

What? Ako? Mang-aagaw?

"Wala akong inaagaw sayo and besides ako ang asawa! Kabet ka! Kabet!" Galit na sigaw ko tsaka sya malakas na sinampal.

"Lumugar ka kung gusto mo pang mabuhay" bulong ko tsaka hinitak si edell palabas.

Kakausapin ko si Liam, bwiset na lalaki yon! Hindi ba nya alam na pwede syang mawalan ng trabaho dahil sa ginawa nya.

"Bes san ba tayo pupunta?" Tanong ni edell na ikinahinto ko.

Oo nga pala, hinila ko si edell kanina.

"Mauna ka na sa room, kakausapin ko muna si Liam" saad ko tsaka iniwan sya sa hallway.

Married To My Hot ProfessorWhere stories live. Discover now