CHAPTER 9

210 13 0
                                    


      Mabilis din akong bumangon mula sa pagkakahiga dala na ata ng kaba dahil sa labis na galit sakin ngayon ni Bein

Hinde ko alam saan aabot ang ginawa kong kalokohan , pero deserve niya naman talaga eh

Nagtungo ako sa kusina para linisin Ang mga pinaglutuan ko kanina at para makaligo narin dahil sa lagkit ng aking katawan gawa ng whip cream

Isa isa kong binanlawan ang mga Plato sa sink ng biglang may maramdaman akong mga yabag ng paa papalapit sakin

My gosh wala na akong magagawa , nandito na siya at kailangan ko ng harapin ang matinding parusa .

Habang patuloy ako sa pagbanlaw ng mga Plato ay naramdaman ko ang mga braso ni Bein na yumakap sa baywang ko.

Nanginginig na ang katawan ko sa kaba dahil hinde ko alam kung anong binabalak ng lalaking toh

Isinubsob niya ang kanyang ulo sa aking likuran  at naramdaman ko ang mainit na likido na bumasa sa aking damit kaya naman agad kong pinatay ang gripo at hinarap si Bein

" Bakit ka umiiyak?" Tanong ko rito at pinunasan ang luhang kumawala sa kanyang mga Mata

" Sorry dahil pinipilit kita sa mga bagay na hinde mo namn gusto." Sambit nito na siyang ikinagulo ng utak ko

" Anong ibig mong sabihin? Para kang baliw jan" Tanong ko rito at hinawakan ang magkabilang pisngi nito na ngayon ay may bahid ng luha

" Sorry kung ,pinipilit kita makipag sex kahit labag sa loob mo , sorry dahil nasasaktan ka , sorry dahil hinde ko nirerespeto yung mga gusto mo" mahabang paliwanag nito at tumitig sa aking mga Mata

" At yung kanina hinde mo naman magagawan sakin yun kung hinde ko pinairal yung kamanyakan ko"dagdag pa nito

Pansamantalang kaming tumahimik tanging hikbi lamang ni Bein ang bumabasag sa nakakabinging katahimikan

" Bein , wag mo na isipin yan tahan na" pagcocomfort  ko rito at hinalikan ang noo

" Normal lang ang ganong bagay pero ito ang tatandaan mo ,  𝐝𝐨𝐧𝐭 𝐥𝐞𝐭 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐥𝐮𝐬𝐭 𝐝𝐨𝐦𝐢𝐧𝐚𝐭𝐞 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐦𝐞 " pagpapaliwanag  ko rito at sinuklay ang buhok niya gamit ang aking daliri.

Agad naman itong tumango na para bang bata sa mga sinabi ko

Dahan dahan kong inilapit mukha ko sa kanyang at pinatakan ng halik sa labi

" Osya umayos kana riyan para kang batang kalabaw riyan " biro ko rito at muling binalikan ang mga binabanlawan kong Plato.

Muli kong naramdaman si Bein na yumakap sa likuran ko at ipinatong ang baba sa balikat ko

" let me hug you for a while " malamyos na sambit nito kaya hinde na ako nakipag agrumento pa at hinayaan siyang nakayakap sakin.

  Ng matapos ako sa paghuhugas ng Plato ay kinuha ko ang bula sa may gilid at pinahid sa braso ni Bein

" Oh tapos na umalis kana dyan" sambit ko kaya naman agad siyang umalis sa pagkakayakap at ngumiti ng nakakaloko sakin

" Ah gusto mo makipag laro ha!" Sambit nito at kinuha ang buong sponge sabay pahid sa mukha ko

" Bein!!!!! " Sigaw ko rito na siyang tinawanan niya lang

Kinuha ko ang takip ng sink at tinakpan ang butas nito ng masiguro na sarado na ay pinatulo ko ang tubig sa gripo at ibinuhos ang kalahating bote ng dishwashing soap para bumula nang sobra

" Bein lumapit ka rito!" Utos ko rito na may tono ng pagbabanta

" Ayaw ko isusubsob moko dyan eh" sambit nito na nahulaan ang binabalak ko

" Isa !" Pagbibilang ko at tinaasan ko siya ng kilay

" Ikaw na una eh asar talo ka talaga" sambit niya at ngumuso na parang Bata

" Dalawa!  pag eto umabot ng tatlo wag kang lalapit sakin at makahalikhalik   kahit sa anong parte ng katawan ko!" Pagbabanta ko kaya naman dahan dahan siyang lumapit sakin habang kamot kamot ang batok nito

" Hayst andaya....." Hinde ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita at pinahiran ng sangkaterbang bula sa mukha

"Ikaw maglinis dyan!" Sigaw ko at mabilis na tumakbo sa hagdan

" Pasalamat ka mahal kita kahit maldita ka" sigaw niya pabalik kaya naman agad akong napangiti at pinamulahanan ng pisngi

       Pagdating ko sa kwarto namin ni Bein ay naabutan ko pa ang whip cream at ang necktie na may bahid ng dugo ,hinde naman ganon kadami ang dugo rito dahil siguro ito sa pwersang pagtanggal ni Bein

Agad naman akong nakonsensya sa ginawa ko dahil nasugatan si Bein.

Babawi nalang ako kahit papaano ay mabawasan ang bigat na nararamdaman ko ngayon dahil sa katarantaduhan na ginawa ko sa asawa ko

Iniligpit ko muna ang kalat sa kwarto at dumeretsyo na sa banyo para makaligo.

Habang naliligo ay narinig ko ang Mga yapak sa tapat ng pinto hudyat na natapos na si Bein sa pinagawa ko sa kanya

Ilang saglit pa ay nakarinig nako ng mga katok

" Wifey are you there? " Tanong nito

" Yes Bein, paki abutan nga ako ng tuwalya " utos ko rito

" Ayoko nga , call me hubby first" sambit niya na siyang ikinatawa ko

" Bein!" Pang aasar ko rito

" Ah kaya siguro hinde moko matawag na hubby kase hinde mo na ako mahal" sambit nito kaya mabilis akong napa ahon sa bathtub at tinungo ang pinto

" Hubby ....." Tawag ko rito na labas sa ilong hinde lang siguro ako sanay sa endearment na ganon

" Sus napipilitan ka lang Naman eh" sambit niya kaya naman binuksan ko na ang pinto kahit na hubot hubad ako

Agad na rumehistro sa mukha niya ang gulat sa nakita niya

" Porque hinde lang matawag na hubby hinde na Mahal hinde ba pwedeng hinde lang ako sanay MAKO". At diniinan Ang salitang mako

Agad naman itong napangiti dahil sa huling banggit ko dahil ang tawagan namin na Mako ay siya ang unang naka isip noon.

" Mambobola , magbihis kana nga Jan !" Sambit nito na halata sa mukha ang matinding pag pipigil

" Para namang hinde mo gusto ang view" sambit ko at umikot ikot sa harapan niya na para bang baliw pero binato niya lamang ako ng tuwalya

" Magbihis kana , o ako pa magbibihis sayo" utos nito

" Ok fine mag bibihis na" sagot ko rito

Siya naman ngayon ang pumasok sa banyo para maligo

Nakakatuwa lang dahil kaya niyang pigilan ang sarile niya at labis na pinang hahawakan ang mga sinabi nito

DANGEROUS LOVE Where stories live. Discover now