CHAPTER 18

119 9 1
                                    


  " Bein lumabas ka nga!" Sigaw ko sa asawa ko pero patuloy parin siya sa pagpasok .

" Ano ba Bein lumabas ka dyan at ng makaligo nako!!!" Gigil na pantataboy ko sa kanya sa loob ng banyo

" Diba gusto mo malaman kung saan ako pinaglihi , masasagot ko yon pero sa mainit na paraan" mapang asar na sambit nito

Wala atang araw o na hinde pinapakulo ng lalaking toh ang dugo ko

" Bein first of all wala akong sinabi na gusto ko malaman kung saan ka pinaglihi , second lumabas ka na ng banyo  , kung mag magmamatigas ka riyan hinde ako magdadalawang isip na kumuha ng talangka at ipasipit yang taguro mo" asik ko rito at pilit na itinutulak palabas.

" Pag pinasipit mo tong taguro ko wala ka ng lalaruin" sagot niya saakin

" Wala akong pake , shoooo!!!" Pantataboy ko rito

" Ok fine lalabas nako!" Sambit niya bilang pagsuko.

Pagkalabas niya ng banyo ay agaran ko itong ni lock at ng masiguro na wala ng aasungot pa sa aking pagligo

" Nawa'y makaligo na ako ng maayos"sambit ko sa harapan ng salamin at nagpakawala ng malalim na buntong hininga

Akmang magtutungo na ako  sa may shower ng bigla na lamang akong nakaramdam ng matinding pagkahilo  kaya agad akong napahawak sa may sink para kumuha ng suporta  ng sa gayon ay hinde tuluyang bumagsak sa sahig ang aking nanhihinang  katawan

Marahan kong hinilot ang aking sintido nagbabakasakaling mawala ang aking pagkahilo.

Pero bigo ako dahil mas lalo lamang akong nahilo  at tila bumaligtad na rin ang sikmura ko.

Tatawagin ko dana si Bein pero hinde na natuloy dahil nasuka na ako , pero walang kung ano man pagkain ang lumabas saking bibig puro tubig at laway lamang ang aking sinusuka

  " Wifey ayos ka lang?' " rinig kong sigaw ni Bein mula sa pinto

Ramdam kong nangangamba na ito dahil sa paulit ulit niyang kinakatok ang pinto

" Yeah I'm okay," pagsisinungaling ko rito

" Bat parang naduduwal ka?" Muling tanong nito saakin

" Nag totooth brush kase ako then nalunok ko yung ibang bula sa bibig ko" muling pagsisinungaling ko rito dahil ayoko ng mag aalala pa siya

Ibinaba ko ang takip ng bowl at doon pansamantalang umupo. Lumipas ang mahigit limang minuto ay  medyo umayos narin naman na ang pakiramdaman ko pagkatapos kong sumuka

Binilisan ko ang pagkilos ko ng hinde na mag aalala pa si Bein saakin dahil bawat minutong lumilipas ay pwedeng magduda si Bein

Dali dali akong nagpuntas sa shower para linisin ang sarile

Ng matapos nakong maligo ay agad akong lumabas ng banyo ,  unang bumungad sakin ang mukha ni Bein na tila ba sinusuri ang buong pagkatao ko

" Are you ok?' nangangambang tanong niya

" Yeah , nasamid lang talaga ako kanina habang nag totoothbrush " muling pagsisinungaling ko

" Pero bat ang putla putla mo" Sambit niya at itinaas ang aking mukha

Pero hinde nako nakasagot pa at isinubsub ang mukha ko sa dibdib niya

" Matulog kana , aalis na tayo bukas dito para I pa check up ka" biglang sambit niya kaya naman mabilis akong napatingin sa kanya

" Nahilo lang ako check up na agad, anong akala mo sakin weak" nag lalakas lakasang sambit ko.

" Wala akong pake ipapa check up kita" pakikipag agrumento niya saakin

Bumalot ang nakakabinging katahimikan sa pagitan namin dalawa   tanging palitan nalang kami ng titig

" Ok, may medicine kit sa may kusina kumuha ka don ng kailangan mong gamot at mag pahinga kana rin" sambit niya habang hinde mawala sa mukha niya ang pag aalala.

"  Cge  maligo kana dyan   , tsaka ayaw ko pa umalis rito  kaya walang check up  na magaganap" huling sambit ko bago siya iwanan

Dumeretsyo ako sa may  kusina para kumuha ng tubig  at gamot pero may naabutan ako sa may counter na isang platong chicken  cordon Bleu

Agad naman kumalam ang tyan ko dahil doon

Kaya mabilis ko itong nilapitan at  nilantakan ang pagkain sa plato pero muling umikot ang sikmura ko ng maamoy ang  sauce sa may gilid nito

Kaya mabilis akong tumakbo sa may sink para ilabas ang dapat ilabas

" Hayst ano bang nangyayare sakin!, Hinde na normal yung ganto hayts" Sambit ko habang pinunasan ang bibig

BEIN POV

      Hinde ako kumbinsado sa mga sagot sakin ni Andrius kanina , galaw palang ng mga mata niya alam kong nagsisinungaling siya at nababakasan ko  rin sa mukha niya na hinde lang yun hasta hilo

Dahil kung simpleng hilo lang yun hinde siya magiging maputla na daig pa ang patay sa puti ng kanyang labi .

    Kinuha ko ang oras na wala si Andrius sa kwarto at tinawagan ang piloto ng helicopter ko para sunduin kami bukas.

Sa ayaw at sa gusto ni Andrius uuwi kami. Hinde ko kayang hayaan na magpanggap siya at itago ang nararamdaman niya.

Hinde rin makakaya ng konsensya ko kung may mangyare masama sa kanya habang nasa pangangalaga ko

Pagbaba ko sa telepono ay muling pumasok si Andrius sa kwarto

" Oh tapos kana maligo?" Takang tanong niya sakin

" Hinde pa nga ako nakaka ligo tumawag kase bigla yung head ng marketing team saakin" pagsinungaling ko rito

" Ah may problema ba?"Muling tanong nito

" Meron pero hinde ganon kalaki , matulog kana riyan maliligo nako" pagpapaalam ko rito pero napahinto ako ng muli itong magsalita

" Basta wag muna tayong uuwi ha" sambit niya kaya naman ngumiti ako rito kahit na nakokonsenya ako .

DANGEROUS LOVE Where stories live. Discover now