CHAPTER 11

205 9 0
                                    


     Kinabukasan ay inaya ako ni Bein na mag Mall para kahit papaano ay mawala ang pagkabagot ko sa tahimik niyang mansion.

Sino ba naman kaseng hinde mababagot sa sobrang laki ng mansyon niya kami lang dalawa nakatira tas may sumisigaw pa ng hustisya  sa kalagitnaan ng gabi, syempre charot lang ayoko nun matatakutin pa naman ako

" Wifey bilisan mo" Sigaw ni Bein mula sa tapat ng hagdanan kaya naman binilisan ko na ang pag aayos ko  at sa huling  sandali ay pinasadahan ko ang repleksyon ko sa salamin

I'm wearing black sweater  na pinaresan lamang ng shorts at white sneakers

Ayoko ng bonggahan pa ang suot ko dahil hinde naman kami magtatagal sa mall

Pagbaba ko sa hagdan ay sumalubong sakin ang  naka kunot noong si Bein

" The heck sure ka ba sa isusuot mo?, Wear a pants or anything long that can cover your legs" mahabang lintayan nito na ikinalaglag ng panga ko

" Tsk ayos na tong short , tsaka nagmamadali ka diba" sambit ko at tumuloy sa paglalakad pero hinila niya ang braso ko at iniharap sa kanya

" Changes your short masyadong maiksi, and kaya ko maghintay basta mag palit ka lang

Napatingin ako sa suot ko sakto lang naman ang haba nito masyado lang talaga siyang OA

" Alam mo Bein may saltik ka rin eh , kaya nga short kase maikli ," punto ko at inirapan siya

" Hanggat hinde ka nag papalit walang aalis, or akong magbibibis sayo!" Pagbabanta nito kaya naman napabuntong hininga nalang ako

" Apaka ano naman nito , pati damit ko kailangan diktahan" parinig ko pero  walang epek sa kanya

" Tumatakbo ang oras" walang emosyong sambit niya

" Ok fine" pagsuko ko rito at bumalik sa kwarto.

Kumuha ako ng black jeans at ipinalit yun sa suot kong short.

Ayos parin naman tignan , hinde naman nasira ang porma ko kaso ang kati kati lang sa legs hinde ako sanay sa jeans

Muli akong bumaba at sumalubong ulit sakin si Bein

"Looks better" tipid na pagpuna nito at inalalayan na ako sa pagbaba ng hagdan

"Before we go may dapat ka munang I promise saakin" seryosong sambit nito kaya naman humarap ako sa kanya

" Bawal ka lumapit o dumikit sa ibang lalaki"sambit nito kaya naman napa buga nalang ako sa hangin

" Bein kilala mo naman ako hinde naman ako lumalapit sa ibang lalaki " paliwanag ko rito

" Ikaw hinde pero sila malaki ang possibility na lumapit sila sayo , Lalo na sa mapang akit mong mukha kung pwede nga lang ipagsuot kita ng maskara eh" sambit niya kaya naman napa iling iling nalang ako

" Ikaw na talaga Bein Aultmore Beckett Ang possessive at praning ng taon ikulong mo nalang kayo sa attic" pag aalaska ko rito at sumakay na sa sasakyan

Agad naman siya sumunod at sumakay sa driver seat

      Pagdating sa mall ay agad akong pinagbuksan ng pinto ni Bein at hinawakan ang aking mga kamay

Pagpasok palang sa loob ay nakuha na namin ang atensyon ng mga taong nadadaanan namin  , at ang mga tingin nila ay tutok sa kamay namin ni Bein na magkahawak

" Bein yung mga tao nakatingin na saatin" bulong ko rito " pero ngisi lamang ang tinugon niya sakin

Pinilit kong kuhanin ang kamay ko sa kanya pero hinde ako nagwagi bagkus ay ipinalibot ni Bein ang kamay niya sa bewang ko

" Bein nakakahiya!" Muling bulong ko rito

" Kinakahiya mo ba ako?" Malamig na tugon niya

" Hinde Naman sa ganon pero....." Hinde na natapos ang sasabihin ko ng mas hinigpitan pa ni Bein ang pagkakahawak sa bewang ko.

Hinde na ako naka apila pa hanggang sa marating namin ni Bein ang arcade.

" Jan ka lang bibili ako ng tokens" sambit nito kaya naman nanatili ako sa isang gilid

Pagbalik niya ay napaawang ang bibig ko ng bitbit nito ang dalawang pile ng token

" Bat andami naman  niyan ,paano natin yan uubusin " reklamo ko rito

" Mas ok na yung madami para hinde tayo mabitin" sambit nito na may pagdidiin sa salitang mabitin

Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang katarantaduhan ko nung isang araw

Una naming tinungo ang claw machine

" Paunahan tayo makakuha sa kulay yellow na plushy , ang nahuli may parus syempre" pang hahamon ko rito

" Anong parusa ?" Kuryosong tanong nito saakin

" Pag nahuli ka , walang kiss sa loob ng two weeks" sambit ko na ikinamulagat ng mga mata niya

" The heck , walang ganyan hinde maganda ang ganyang consequences change it" kabadong saad niya saakin

" No changes !!!!, Pag nanalo ka naman sakin ako bahala sayo mamayang gabi" makahulugang sambit ko kaya Naman pinamulahan ako ng pisngi

" Ok , fine let's start" sambit nito at sinimulan ng hulugan ng token ang claw machine

Bigla tuloy akong napaisip kung tama ba na hinamon ko siya

Inumpisahan ko narin hulugan ang machine ko , medyo kabado ako dahil Mula sa peripheral vision ko kita ko na malapit ng makuha ni Bein ang kulay dilaw na  stuff toys

Dapat maunahan ko siya malalagot ako ng wala sa oras kapag nag kataon

Muli kong ginalaw ang controller at itinutok sa kulay yellow na  stuff toys

Laking tuwa ko ng makuha ko ng walang kahirap hirap ang target ko

Agad kong kinuha sa baba ang stuff toys at handa ng ipakita kay Bein na nauna ako

" Bein pano ba yan talo ka....." Naputol ang sasabihin ko ng makita si Bein na nakatayo sa tabi ko at hawak hawak ang  stuff toy hinde lang isa kundi dalawa pa

" Well naunahan kita wifey" sambit nito at ngumiti ng nakakaloko.

  " Ahm its a prank lang yung  sa challenge " sambit ko baka sakaling makalusot

" Ang kilala kong andrius may isang salita" sambit niya at pinisil ang ilong ko

" Dalawa yang hawak mo isa lang dapat " saad ko at nag iisip ng ibang palusot

" Pero wala sa mechanics na isa lang basta paunahan lang ng makakuha ng kulay dilaw na stuff toy" pinal na saad niya kaya naman napa pikit nalang ako

Wala na lagot na talaga ako mamayang gabi

DANGEROUS LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon