CHAPTER 19

95 9 1
                                    

    ANDRIUS POV

      Lumabas ako ng kusina dahil hinde ko na talaga matiis pa ang amoy ng sauce na katabi ng cordon Bleu, baka di magtagal ay masuka nanaman ako rito.

Pagbalik ko sa kwarto ay naabutan ko pa si Bein na nakatayo roon

" Oh bat hinde ka pa naliligo?" Tanong ko rito .

Nagpaliwanag naman ito na tumawag ang head ng marketing team ng kumpanya nila  kaya naman hinde ko na ito kinwestyon pa

Pagbaba ng cellphone na hawak niya sa side table ay agad ko itong kinuha

" Bein , pahiram nito ah may papanoorin lang ako " sambit ko bago pa man ito pumasok at isara ang pinto ng banyo .

" Matulog kana ,at ng mapahinga yang katawan mo." Sagot niya

" Pero di ako dinadalawa ng antok eh" sagot ko rito

" Ano bang papanoorin mo porn" pang aasar niya sakin habang papasok sa banyo

" Luh ano akala mo sakin manyak katulad mo" banat ko na tinawanan niya lang

"Manyak ako pero yung katawan mo lang ang gustong gusto ko pagnasaan" sambit niya at mabilis na sinara ang pintuan.

" Humanda ka paglabas mo dadalihin kitang manyak ka" pangbabanta ko rito at binuksan na ang cellphone nito

Unang bumungad sakin ang wallpaper nito

Agad naman akong kinilig doon kase ang wallpaper na gamit niya ay ang litrato namin habang hinahalikan niya ako sa pisngi

Nang matapos kong pagmasdan ang nakakilig na  wallpaper ng asawa ko ay may tila ba nag udyok sakin para dumeretsyo ako sa google search

Hinde ko mawari ang magiging reaction ko ng makita ang nasa search history niya dapat ba akong matuwa malungkot sa mga nabasa

Iniscroll ko pa ito hanggang dulo at iisa lang ang pinopoint niya sa search history tulad ng  is it possible for two men to have children? , What are the processes for two men to have children?  , At pumasok na rin dito ang proseso ng surrogacy tulad ng ginawa ng kilalang tao na si  Joel Cruz para magkaroon ng anak

Una ay natuwa ako dahil pilit siyang naghahanap ng paraan para makabuo kami ng pinapangrap naming pamilya  pero may parte sakin na nalulungkot dahil hinde ko siya mabigyan ng anak tulad ng tunay na Babae at kung magkakaanak man kami kailangan pang idaan iyon sa mga matagal na proseso.

Agad akong umalis sa may google history at tinungo ang YouTube pero kagaya din sa google kanina iisa lang ang nasa search history niya maging mga recent watch nito

Puro yun mga video ng documentary kung saan iniinterview ang ilang doctor at mga pasyente na successful sa surrogacy process

"Wifey what's wrong?" Napaigtad ako ng makita si Bein na nakatayo na pala sa harapan ko

" Ahm wala toh " pagsisinungaling ko at iyinuko ang ulo para hinde makita ang nanggigilid kong luha

Agad niyang kinuha ang cp sa kamay ko at doon niya napagtanto ang pinapanood ko

" Ahm Bein bakit mas pinili mo ako eh andami andami diyang ibang hinde sa isang katulad ko na lalake hinde naman kita mabigyan ng anak?" Tanong ko rito at patuloy parin akong nakayuko

" Alam mo ba wifey hinde ko kailangan ng anak ikaw lang sapat na sa buhay ko , naghahanap lang ako ng proseso para magka baby dahil ikaw ang iniisip ko dahil alam kong matagal mo ng  pangarap  ang magka baby" Sambit niya at umupo sa tabi ko

" Iniisip ko kase na dahil sakin kailangan mo pang maghintay at maghirap sa proseso para magkaanak , hinde katulad sa babae na ..." Hinde na natapos ang sasabihin ko ng yinakap ako ni Bein

" Wifey wag kang mag isip ng Ganyan , and marami din naman Babaeng hinde nagkakaanak  and no one even a girl  can replace you into my heart,  sambit niya at mas hinigpitan ang pagkakayakap sakin

"Tsaka aanhin ko ang isang baby kung meron naman akong baby wifey , oh diba 2 in 1 ka pwede rin namn maging 3 in 1 kapag sinalinan na kita ng gatas ko" sambit niya kaya naman bigla akong napakalas sa pagkakayakap sa kanya

" Walang usapan na hinde mo nahahaluan ng kamanyakan noh " bulalas ko rito

Pero nginitian niya lang ako dahan dahang lumapit sakin hanggang sa mapahiga ako sa may kama

" Oh ano  payag kaba sa 3in1 marami akong gatas dito and willing ako na ishare sayo " sambit niya at ikinulong ako sa matitipuno niyang braso

" Eh ano pang magagawa ko andyan kana eh" pilyong tugon ko kaya naman agad siyang napangiti at hinalikan ang noo ko ....

DANGEROUS LOVE Where stories live. Discover now