CHAPTER 28

99 7 0
                                    

     Sumapit ang hapon at inaya ako ni Bein lumabas kaya naman mabilis akong nagbihis pero habang nagbibihis ay naka isip nanaman ako ng kalokohan , hinde ko alam bat sa mga nakaraan araw gusto gusto ko inaasar si Bein ng walang dahilan.

Dinampot ko ang isang white long sleeve at may kaikliang short para bwisitin ang asawa ko .

"Hintayin na kita sa baba i hahanda ko lang yung sasakyan" sigaw nito mula sa ibaba kaya dali dali akong nagbihis at kumaripas ng takbo palabas.

Pagtungtong ko palang sa may pinto ay matalim na tingin ang pinukol sakin ni Bein

" Really? Yan ang suot mo wifey?" Tanong nito na may halong sarskamo

" Bakit may problema ba? " Balik tanong ko dito at pilit na pinipigilan huwag tumawa .

" Ganyan kaliit na short? Dont get into my nerves, hinde tayo aalis ng ganyan ang suot mo!" Ma awtoridad na sambit nito pero hinde ako nag patinag at tuloy tuloy akong naglakad papunta sa kotse pero hinde ko inaasahang binuhat ako ni bein na para bang sako ng bigas sa kanyang balikat.

At naglakad pabalik sa loob

"Ano ba bein bitawan moko magpapalit na ako" sambit ko at kumawala ang malakas na tawa sakin

" Gustong gusto mo talaga akong iniinis noh" asik niya at ibinababa ako sa sofa

" Ewan ko ba sarap mo kaseng inisina lalo na pikunin ka" walang kwentang sagot ko at tumayo para magpalit ng pang ibaba

Pero wala pang tatlong hakbang muli kong naramdaman ang hilo at pagbaligtad ng sikmura

" Ayos ka lang?" Alalang tanong niya at mabilis akong inalalayan

Pero di pa ako nasasagot ay napatakbo ako sa may sink at napasuka ng tubig

Agad sumunod sakin si Bein at sabay kami nagkatinginan sabay guhit ng ngiti sa labi niya

Babalik nanaman ba kami sa ganito , aasa nanaman muli ang asawa ko sa imposibleng bagay.

"Tumigil ka hinde ako mabubuntis wala akong matres" pangunguna ako

" Pero .. " pinutol ko na ang sasabihin nito dahil ayokong umasa siya at halatang impossible toh

" Fine , magpalit kana at aalis na tayo" pagsuko nito

Pagkapalit ko ng pangibaba agad na kaming umalis

Habang nasa biyahe ay tinitigan ko si bein at tila balisa ito sa pagmamaneho

" Ayos ka lang?" Tanong ko pero tango lamang ang ginawa niyang pag tugon kaya naman inilapat ko ang kamay ko sa may hita niya .

" Bein nasasaktan kase ako kapag nakikita kitang umaasa eh" banggit ko rito

" I understand you" tipid na sambit niya habang nakatuon parin ang pansin sa may daan.

Hinawakan niya naman ang kamay ko at pinagsiklop ang mga ito

Makalipas ang kinse minuto ay pinarada ni Bein sa isang hospital ang sasakyan namin

" Anong ginagawa natin dito?" Takang tanong ko

" Ipa check up mo na yan" sambit niya at tinitigan ako

" Pero impossible nga yang iniisip mo" sagot ko pero inilingan niya ako

" Fine impossible nga hinde na ako aasa... Basta magpa check up ka parin akala mo ba hinde ko napapansin bawat umaga lagi kitang naririnig sa banyo na nagsusuka  baka iba nayan"mahabang lintayan nito na ikinagulat ko

Hinde na ako nakipag agrumento pa at tahimik akom bumaba  ng kotse

Habang papasok kami ng hospital ay malungkot ang mga mata ni Bein kaya naman tanging panghawak nalang ng kamay ang ginawa ko rito.

Agad kaming pumasok sa isang silid kung saan naka upo ang isang doctor

Binati ito ni Bein at doon ko napagtanto na isa ito sa pinaka malapit niyang kaibigan.

May kaunting diskusyon ang naganap sa pagitan namin ng doctor at ginawa na namin  kaagad ang ibat ibang test

" Ipapadala nalang namin ang resulta sa inyo oras na lumabas ito" sambit ng doctor

" How long does it take bago lumabas?' tanong ni Bein

" Baka bukas or mamaya lumabas na rin" sambit nito

Kaya naman  napagpasyahan na namin na umalis na kami ng hospital

" Saan mo gusto pumunta ?" Tanong niya at pilit na ginagawang maaliwalas ang kanyang mukha

"Manood nalang tayo ng sunset total palubog na din ang araw " sambit ko na tinanguan niya lamang .

Hinde ko batid kung anong nangyayare kay bein , dahil ba ito sa mga nasabi ko kanina?

Bago pa niyan buhayin ang makina kinuha ko ang mukha niya at ginawaran siya ng halik

" Sorry" mahinang sambit ko sa pagitan ng aming nga labi at sa pagkakataong iyon siya na ang sumakop sa labi ko.

Habang tumatagal ang aming halikan ay nagsimula naring gumapang ang malilikot niyang mga kamay kaya naman agad ko siyang pinigilan baka ano pang susunod na mangyare

" Mamaya na baka hinde na natin maabutan ang sunset " paliwanag ko rito at sa huling pagkakataon pinatakan niya ako ng halik sa noo.

Pumunta kami sa isang park kung saan tanaw na tanaw ang paglubog ng araw "ang ganda noh, ang sunset ang nagpapatunay na hinde lahat ng nagtatapos ay hinde maganda" banggit ko rito  pero sa pagkakataong ito umatake ang grabeng sakit ng aking ulo at bigla nalang nag black out  ang paningin ko

Bein POV.

Pagbagsak ni andrius sa gilid ko ay mabilis ko siyang dinala sa sakyang para muling ibalik sa hospital .

Habang nasa sasakyan ay hinimas himas ko ang buhok niya pero laking gulat ko na paghipo ko sa buhok niya ay siyang paglagas ng kanyang buhok .

Kusa ng kumawala ang luha sakin mata naway mali ang iniisip ko ......

DANGEROUS LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon