CHAPTER 15

140 7 3
                                    


𝐁𝐄𝐈𝐍 𝐏𝐎𝐕

        Bandang alas dos ng madaling araw ng magising ako dahil sa paulit ulit na  pagvibrate ng cellphone ko sa may side table

Pagdampot ko sa cellphone ko ay  agad kong nabasa ang pangalan nang kanang kamay kong si Jared

" Damn ! Alas dos ng madaling araw natawag ka !" Singhal ko rito at agad na tumayo sa higaan.

" Boss , gusto ko lang sabihin na sweet dreams " sambit nito kaya naman napasapo nalang ako sa noo ko

" Jared , pagbalik ko jan babarilin kita non stop hanggat hinde ka nalulusaw !" Galit na asik ko rito.

" Biro lang boss , gusto ko lang kayong balaan na wag muna kayong babalik dito lalo na si Andrius dahil sa dami ng mga death threat na aming natatangap" Saad nito mula sa kabilang linya kaya naman napabuntong hininga na lamang ako

Marami pa siyang sinasabi sakin pero Wala ng pumapasok pa sa utak ko dahil sa pangambang nararamdaman ko para sa asawa ko

Pagkababa ko sa cellphone ay agad akong napatitig kay andrius na mahimbing ang pagtulog nito at halata sa mukha niya ang pagod.

Kumuha ako ng palanggana at bimpo para linisin ang katawan ng asawa ko at para mabihisan siya

Agad kong pinunasan ang leeg nito na may mga pulang marka pa at kunting natirang caramel.

Bigla tuloy ako naawa sa itsura niya para siyang batang madungis na nakatulog dahil sa pagod kakalaro

Kaso ibang laro ang ginawa namin

Pagkatapos kong punasan ang kanyang leeg ay sinunod ko ang kanyang dibdib at tyan .

Kapag dumadampi ang mga kamay ko sa katawan niya para ba akong napapaso  lalo na sa parteng dibdib Niya ramdam ko na  rin ang pagkabuhay ng alaga ko dahil sa kakaibang bagay na umiikot sa utak ko

"Bein pigilan mo ang sarile mo  tulog ang asawa mo at pagod" bulong ko sa sarile ko at iniligpit ang planggana

Pagkatapos ko siya punasan ay kumuha lamang ako ng  Over size shirt na kulay yellow at isang maikling cycling

Total kami lang naman dalawa ang tao sa Isla kaya kahit gaano pa kaliit ang suot niya ay ako lang din ang makaka kita.

Nang matapos ko na siyang linisan at bihisan ay ako naman ang naglinis ng katawan dahil nanlalagkit na din ako sa nag halong  pawis at natirang caramel sa katawan ko.

    ANDRIUS POV

           Nagising ako ng maramdaman ang sinag ng araw na tumatama saking mukha

Kung kayat dahan dahan akong bumangon sa higaan at doon ko nalang din napansin na may damit  na akong suot .

Maya maya  pa ay nakuha ng atensyon ko ang pagbukas ng pinto at iniluwa nito si Bein na may bitbit na food tray

Agad naman kumalam an tyan ko ng ma amoy ang mabangong aroma nang pagkain

" Good morning wifey" sambit nito at lumapit sa tabi ko

" Good morning hubby" bati ko pabalik sa kanya kaya agad naman itong napangiti

" Breakfast in bed " Ani nito na may halong ngisi

" Bein umagang umaga ah wag mo haluan ng kamanyakan mo" pangunguna ko rito bago pa may lumabas sa bibig niya na hinde ka nais nais.

" Luh ikaw ata madumi ang utak eh" pagpapalusot nito , pero kung hinde ko siya naunahan tiyak na may banat siya sa breakfast in bed.

Lalong kumalam ang tyan ko ng makita ang apple pie na nasa tabi ng bacon

" Marunong ka pala mag bake ng apple pie favorite ko pa naman ito" banggit ko at kinuha ang isang piraso at walang atubuling sinubo ito ng buo

" Wifey dahan dahan lang mabulunan ka dyan at mainit pa yan eh" sambit nito

Pero huli na ang lahat dahil subo subo ko na ang apple na gawa niya

Agad akong napa wow dahil sa sarap nito hinde ito gaanong matamis gaya ng iba at tama lamang ang pag ka crunchy ng mismong pie nito

" Saan mo toh natutunan?" Tanong ko rito habang patuloy na nginunguya ang pagkain

"Sa you tube , noong nalaman ko na paborito mo yan inaral ko lutuin para sayo" sambit niya kaya naman agad ako pinamulahanan ng pisngi

" Tigilan moko sa kakabola mo, kung hinde ko lang naman sinabi na paborito ko toh hinde mo naman talaga alam" sambit ko na may halong pang aasar

" Excuse me wifey bago ako nagpakita sayo inalam ko lahat ng gusto mo , favorite mong kape cappuccino na  70 degree Celsius Ang init pagdating sa perfume ayaw mo sa men's perfume dahil mas prefer mo ang mga baby Cologne, at kailangan ang mga damit mo ay 100% cotton dahil kapag hinde 100% cotton ang damit mo nagkaka rushes  ka at marami pa akong alam tungkol sayo at sa mga changes mo" mahabang lintayan nito na halos ika laglag ng panga ko.

"Ang tanong ikaw may alam ka ba sakin" tanong nito sakin na siyang ikinalunok ko

" Uhmm well isa kang manyak na lalaki " sambit ko na ikinasalubong kilay niya

" Wow ah , kakatampo ka naman " sambit nito at tumayo  sa pag kakaupo

" Uhm meron pa Isa " pahabol na sambit ko

" Isa kang malaking pikonin" pang aalaska ko rito bago pa man siya makalayo

" Eh ikaw puro asar ang alam , hinde mo alam I value yung mga ginagawa ko sayo" sambit nito na ikinapintig ng tenga ko

" Hanla hoi nagbibiro lang naman ako eh bumalik ka rito" sigaw ko pero hinde niya na ako nilingon.

Akmang tatayo ako ng maramdaman Ang pagkirot ng pang upo ko

Jusko paano ako manunuyo kung pati yung pang upo ko may galit din ata sakin....

DANGEROUS LOVE Where stories live. Discover now