CHAPTER 21

104 8 0
                                    


𝐁𝐄𝐈𝐍 𝐏𝐎𝐕

  Hinde ako mapakali sa kinauupuan ko dahil hanggang ngayon ay hinde ko matanaw ang van na tumangay sa asawa ko.

" Wala na bang ibibilis toh?" May diing tanong ko sa piloto ng helicopter.

" Maximun speed na po ito sir" tugon nito sa tanong ko kaya naman wala na akong nagawa kundi magpakawala ng malalim na buntong hininga.

Muling nanumbalik ang naging panagip ko nung isang araw mukhang magkakatotoo .

Kung sino man ang tao sa likod nito sisiguraduhin ko na dudurugin ko siya hanggang maging pulbos.

Ilang metro  pa ay natanaw ko na ang van  na tumangay sa asawa ko

" Ayun !!!!" Sundan mo dali" aligagang utos  ko sa piloto.

Unti unti na akong nilulukob ng pangamba dahil tiyak ako na may kaugnayan ang nagpadukot sa asawa ko at sa taong panay ang pagpapadala ng death threat saamin.

Huminto ang Van sa isang simbahan na ipinagtaka ko ,

"Ano toh pari Ang nagpadukot sa asawa ko hayts"konklusyon ko habang abala ang piloto sa pagpapatakbo ng helicopter.

Lumapag na ang helicopter na  sinasakyan ko at bumungad sakin ang engrandeng entrata sa may bukana ng simbahan.

" Anong ibig sabihin nito?" Mahinang bulong ko

" Surprised !!!" Maligayang ani ng ama ni Andrius mula sa likuran ko at inabot ang isang coat sakin.

" Suotin mo na yan , at limang minuto nalang magsisimula na ang kasal niyo" bulalas nito sa harapan ko kaya Naman malalim akong napabuntong hininga.

Ang kabang lumukob sakin ay unti unting napalitan ng saya

" Sir , pwede naman napag planuhan natin ng maayos hinde yung may padukot dukot pa kayong nalalaman" maktol ko rito habang sapo sapo ang aking noo

" Edi hinde na surprise kung pinagplanuhan natin" may puntong sambit nito pero may side sakin na naiinis ko .

Kung kelan panay ang padala ng death threat saamin tsaka ito sasabay ano nalang iisipin ko diba.

" Gusto ko ikasal kayo ng anak ko hinde lang sa papel na  inyong pinirmahan bagkus ay ganapin ito sa simbahan" sambit niya at pagak na ngumiti sakin

Nakuha ng atensyon ko ang pagbukas ng pinto hudyat na para magsimula ang seremonya

" Ano pang tinatayo tayo mo dyan larga na"nakakalokong sambit ni Mr Furrer at tinapik ang aking balikat.

ANDRIUS POV

    Nagising ako dahil sa mahihinang yugyog sa aking balikat

Akmang iaangat ko ang aking katawan ng maramdam ang medyo may kabigatang bagay sa aking katawan

At ng tuluyan ko ng maimulat ang mga mata ko ay bumungad ang malaking white gown nakasuot sakin

" What the heck,  what is this!!!" Gulat na bulalas ko at bumalikwas ng bangon

Maging ang aking ulo ay kinabitan ng wig

" Oh my son , Este daughter gising kana pala!" Sambit ni dad na ikinagulat ko

" Dad ano kalokohan toh?" Tanong ko sa kanya at pilit na inaalis ang wig pero kumirot lamang ang aking anit dahil para  itong naka glue.

"Calm down anak , let's go na mahuhuli kana sa kasal mo!" Muling sambit ni dad na ikinalaki ng mga mata ko

" Kasal??? With Bein?" Pangungumpirma ko baka kase nahihibang nanaman ang dad ko at sa iba ako kinasal

Pero imbes na sumagot ay hinila niya na ako palabas ng sasakyan at at bumungad sakin ang engrandeng entrata

" Let's all welcome the gorgeous bride!!!" Rinig kong sambit ng MC sa loob ng simbahan

Dahan dahan bumukas ang pinto kaya namn nagsimula nang maglakad si dad habang akay akay ako

Unang natanaw ng mga mata ko si Bein na gulat na gulat sa nakikita niya

Sino ba namn ang hinde magugulat Ang Andrius na kilala niya ay naka gown at nakawig pa

" Mas maganda ang ikasal muna kayo bago gumawa ng milagro" sambit ni dad Kaya Naman napaubo ako ng wla sa oras

" Dad !" Pagtawag ko rito at sinamaan ng tingin

" Oh , bakit wag mong sabihin na na una na kayong gumawa ng milagro" muling sambit nito kaya naman umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko.

Kung alam mo lang dad kung ilang beses na kami gumawa ng milagro baka himatayin ka nalang.

Hinde ko na kinibo pa si dad hanggang makarating kami sa harapan

" Ikaw na bahala sa anak ko Bein" sambit ni dad  kay Bein bago Niya ako iwanan

" Yes sir" sambit naman ni Bein

" You can start calling me dad" puna nito kay Bein.

" Noted " ikling tugon ni Bein

Habang si dad ay nag taas na lamang  ng noo si  bilang pag tugon bago ako iwan sa kamay ni Bein.

" Ikaw ba talaga ang asawa ko napalitan ka ata eh" bulong ni Bein habang akay akay ako sa may altar

" Cguro nga napalitan ako" sarkastikong sambit ko sabay irap

" Sinusumpong ka nanaman ng pagkatoyoin mo" patutyada niya sakin

" Ewan ko pag ikaw nakikita ko bigla nalang akong naiirita at tipong nandidilim paningin ko" detetchang sambit ko na ipinagtaka niya

" Daig mo pa ang buntis" sambit nito kaya naman napatitig ako sa kanya

Ayan nanaman kami sa buntis buntis

Unti unting bumalik ang mga ganap kung saan hinde normal ang mga kinikilos ko . Pero malabo na mabuntis talaga ako.

Muli akong napabalik sa wisyo ng kalabitin ako ni Bein.

" Ayos ka lang?" Tanong nito saakin

" Yeah ayos lang ako" sagot ko at pilit na ngumiti

" Sure ka? " Pagduda nito

" Oo nga kulit mo naman , tsaka anong gusto mong gawin ko mag back out ? Dahil hinde ako ok "may pagka taray kong sambit rito.

Hinde na ito nakasagot pa , pero alam kong pinipigilan niya ang sarile niyang makipag talo sakin.

Maging ako hinde ko na rin maintindihan ang sarile ko sa mga nakalipas na ilang araw .

DANGEROUS LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon