Chapter 24

43 4 0
                                    

Chapter 24

Nasa Robinson's Mall kami ngayon, nakalagay si Daezeen sa cat bag space back pack, si Adrian ang nagbubuhat.

Una naming pinuntahan ang penshoppe dahil gusto kong bumili ng bago kong mga damit.

"Dad, look oh, may pusa sila," tinuro ng batang babae ang pusa na nasa back pack ni Adrian.

Pumipili ako ng damit habang sumusunod lang sina Adrian sa akin.

"Ang cute," muling sambit ng bata.

Hinila niya ang daddy niya saka lumapit siya sa amin. Binaba naman ni Adrian ang bag nito para mas makita ng bata si Daezeen.

"Ano pong pangalan niya?" tanong ng bata kay Adrian.

Umupo ng bahagya si Adrian para mapantayan ang bata. Hinayaan ko lang sila habang namimili pa rin ako ng mga damit.

"Her name is Daezeen," sagot ni Adrian sa kanya.

"Wow! Ang ganda naman ng pangalan niya," masayang sagot ng bata.

"Anak, let's go. Tapos na magbayad ang mommy mo," usal ng daddy ng bata.

Sinukbit ulit ni Adrian sa Daezeen sa likod niya. Binuhat naman ng lalake ang anak nito saka sila nagpaalam sa amin.

"She's cute, right?" biglang tanong sa akin ni Adrian.

"And so?" sa mga damit lang ako nakatingin.

"Just like you."

Napatingin na ako sa kanya ngayon. Inirapan ko siya saka ako um-iba ng pagpipilian.

"Did you already move on?"

Natigil ako sa tanong niya. Tinutukoy niya si Marco. Siguro ay alam na niyang siya ang dahilan kung bakit ilang araw akong wala sa sarili.

"What do you mean?" ayukong maging topic si Marco.

Tinigil ko na ang pang-s-stalk sa kanya sa IG niya dahil alam ko lang na masasaktan ako.

Bukas ay pupunta ako sa birthday party ni Hernadine na hindi ko alam kung tama pa ba 'tong desisyon ko.

"Axl told me everything."

Tsk. Patay ka talaga sa akin mamaya, Axl!

"Chismoso talaga 'yong lalakeng 'yon," mahinang usal ko.

"You don't deserve him."

"Yeah, I know," walang-ganang sagot ko.

May napili na akong limang dress para sa party ni Hernadine bukas. Papipiliin ko si Adrian kung anong mas bagay sa akin.

Pumasok ako sa fitting room para i-try ang mga dress na napili ko. Casual ang dress code ng party niya kaya okay na okay ang mga napili ko.

I wear first the puff sleeve casual dress na sky blue.

"What do you think?" tanong ko kay Adrian.

Umiling siya kaya pumasok ulit ako sa fitting room para mag-try ng iba.

Second is the square neck split hem dress, color black.

"How 'bout this?" umikot pa ako para makita niya ng maigi.

"It fits on you but try another one, let me see all what you got."

Tumango ako at pumasok muli sa fitting room.

The third one is the polo neck A-line dress, color white.

"This?" umikot ulit ako.

Nag-thumbs up siya pero pinapasok ulit niya ako sa loob para i-try ulit ang pang-apat.

KISSEDWhere stories live. Discover now