Chapter 40

42 5 0
                                    

WARNING: THIS CHAPTER IS FOR 18 YEARS OLD AND ABOVE. UNDERAGE READERS NEED GUIDANCE TO ADULTS!

Chapter 40

Kararating lang namin ng bahay nina AD nang bumaba na agad ako at pumasok sa bahay nila. Pinagbuksan ako ni Kashmir ng pinto.

"Ely, anong ginagawa mo rito?"

Dumiretso ako sa kwarto ni AD at hindi sinagot si Kashmir. Sinundan naman niya ako.

"AD, pagbuksan mo ako ng pinto!" kinatok ko ng agresibo ang pintuan niya.

May bumukas agad kaya pumasok ako nang makitang hinang-hina na siya.

Umupo siya sa kama kaya tinabihan ko siya. Kinapa ko ang noo niya at sa noo ko para mapag-compare.

"Tara na," kinuha ko ang bag niya at linagyan ng mga damit niya mula sa aparador niya.

"Saan?" hirap siyang magsalita.

"Sa hospital, AD," nagtitimpi ang galit na sagot ko.

"No. Dito na lang ako magpagaling," humiga siya ulit.

"Hindi! H'wag matigas ang ulo mo! Mataas ang lagnat mo at hindi ka pwedeng dito lang magpapagaling!" galit na sagot ko sa kanya.

Sinara ko na ang bag niya pagkalagay ko ng mga damit niya. Hinihila ko ang kamay niya para bumangon ulit.

"You're my medicine, My lady. I'll be fine later. Trust me," naniningkit ang mga matang usal niya.

"H'wag ka namang makulit, love. Please," naiiyak na saad ko.

Umiling siya at hinila ako para mayakap habang nakahiga siya. Nakapatong ako sa dibdib niya.

Hinalikan niya ang noo ko habang nakapikit siya, nakatitig naman ako sa kanya.

"I'm so sorry, My lady. Sorry.. s-sorry.."

Pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi niya.

"Your friends explained everything. It's okay now, love. I love you, sorry nagalit agad ako sa'yo," hinalikan ko siya sa pisngi kaya ngumiti ito.

Humiga ako sa tabi niya habang nakayakap pa rin siya sa'kin. Idinilat niya ang kanyang mga mata at tinitigan din ako.

"I love you more, My lady. Babawi na lang ako sa'yo pag magaling na ako."

Tumango ako at dahan-dahang hinalikan siya sa labi. Pumikit ako at gano'n din siya.

Parehas kaming nakangiti nang matapos kaming maghalikan.

"Do you like me to cook for your lunch?" tanong ko.

"Mmm.." tumango siya sa'kin.

"Okay. Magpapatulong na lang ako kay Kashmir."

Hinalikan pa muna niya ako sa noo bago ako bumangon.

"Thank you, My lady.."

"You're my responsibility, love, because I love you more than enough."

Nginitian niya ako, lumabas na rin ako para makapagluto na.

"May mga gamot ba siya d'yan?" tanong ko kay Kashmir nang makababa ako.

"Meron. Ayaw ba niyang pumunta sa ospital?" tanong niya naman sa'kin.

"Ayaw eh. Alam ko namang malakas siya, ako na lang bahala sa kanya."

"Thank you, Ely. Hirap kase ako kanina na palabasin siya sa kwarto niya."

"Nasaan sina tita? At tsaka ba't ikaw lang nandito?"

KISSEDWhere stories live. Discover now