Chapter 52

24 0 0
                                    

Chapter 52

Dumaan ang dalawang linggo. Nabenta na ni Venice ang lupa namin sa pangasinan. 7 million pesos ang halaga ng benta niya kaya binigay ko sa kanya ang kalahating milyon na commission niya na pinag-usapan namin. 6 million pesos ang sinabi ko pero lugi daw ako kapag yun lang tapos bibigyan ko pa siya ng commision.

"Saan mo nakuha 'yong pera, Elyzeen?!" Galit na sigaw ni mama sa akin nang maibigay ko ang bayad sa utang ng daddy ni AD.

"Ma, it doesn't matter now. Ang importante ay nabayaran na ang kalahati no'ng utang nila." Kalmado kong sagot.

"Alam kong may ipon ka, anak, pero alam ko ring wala pa sa limang milyon ang ipon mo. Saan mo ba talaga nakuha 'yong pera?" Nag-aalalang sabi pa niya.

Napaupo na lang siya sa sofa sabay sapo sa ulo niya na mukhang na-s-stress na talaga sa'kin.

Bumukas ang pinto makalipas ang isang minuto. Niluwa nito ang nakakatakot na aura ni AD. Parang anytime ay makakasakit na siya sa sobrang dilim ng tingin niya.

"Elyzeen Reyes, where did you get the money!?" Galit na kausap niya sa'kin. Hindi siya sumigaw pero ramdam ko ang galit niya, binanggit ba naman ang buong pangalan ko.

Di ako agad nakapagsalita. Anong sasabihin ko? Anong idadahilan ko? Hindi ko pa pwedeng sabihin sa kanila na ibinenta ko ang lupain namin sa pangasinan, although may 2 hectares akong itinira pero alam kong magagalit pa rin sila sa'kin.

Elyzeen, please, think!

"Anak, sabihin mo na kung saan mo nakuha?" Naiiyak na pakiusap ni mama.

Wala. Wala akong masabi. Natameme lang ako na malalim ang iniisip.

"My lady!" Sigaw na ni AD ngunit ramdam ko ang pag-iingat ng boses niya. "Tell me," mahinahon na niyang usal.

Nakahawak siya sa magkabila kong braso habang seryosong nakatitig sa aking mga mata. Umiwas agad ako ng tingin. Hindi ko matagalan ang pagtitig at baka masabi ko lang ang totoo.

"H-humiram a-ako kay M-mia," pagsisinungaling ko.

Fvck! Ang hirap magsinungaling! Di na ako magtataka kung sa impyerno deretso ko pag namatay ako.

"I'll call Mia, I will ask her if you're telling the truth."

Hinablot ko ang cellphone ni AD. Hindi ko pa nasabihan si Mia na ginamit ko siya pang-alibi sa kanila.

"You don't trust me?" Naiiyak kong tanong.

Hindi ko alam, bigla na lang akong naiiyak. Para bang may nagpupush sa akin na umiyak at masaktan ako dapat. Bakit?

"I trust you, Elyzeen. But this time, I just want to know where did you really get the money." Mahinahon na sagot niya.

Umiling ako at pinunasan ang pisngi kong may luha na na hindi ko namamalayan.

"No, you don't trust me anymore." Pailing-iling kong sabi.

Nakatitig kami sa isa't isa. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang halo-halong awa, inis, at dismaya. Mas lalo akong naiiyak. Pakiramdam ko ay ibang tao ang nasa harapan ko.

"Just tell us the truth, anak," sumabat si mama. Hindi ko naisip na nandyan pa pala si mama.

"I told you. Kay Mia ko nakuha ang pera. Pinahiram niya ako." Madiin kong usal.

"Then, let me talk to her." Kinuhang muli ni AD ang cellphone niya sa'kin.

Masyado siyang malakas kaya kahit na nakahawak ako ng mahigpit sa cellphone ay nakuha pa rin niya.

KISSEDWhere stories live. Discover now