Chapter 42

30 3 0
                                    

Chapter 42

Di ako nakatulog ng maayos. Kaya wala akong tulog nang pumasok ako sa klase namin kinabukasan.

"Teh, anyare sa'yo? Bakit parang nakipagbakbakan ka sa North Korea kagabi sa sobrang itim ng eye bags mo?" tanong ni Jessica sa akin nang makarating ako ng classroom namin.

"Nag-away kami," walang buhay kong sagot sa kanya.

"And the reason is?" pag-uusisa niya.

"Ewan do'n, bigla na lang nagalit no'ng malamang nasa dorm ko si Axl."

"Ayun naman pala.." tatango-tangong usal niya.

Nagtaka naman ako sa sinambit niya.

"Anong ayun naman pala? Will you explain it to me?" naguguluhan na talagang tanong ko.

"Hay naku, Ely, bahala ka nang malaman kung ano ba talagang meron. Malaki ka na, kaya mo na sarili mo," tumayo siya at kumuha ng tissue sa may desk ni ma'am. "Oh, iiyak mo muna 'yan. Ilabas mo lang," dagdag pa niya nang makaupo ulit siya sa tabi ko.

Kahit anong pigil ko sa pag-iyak ay hindi ko rin naman napigilan. Umiyak ako ng umiyak kahit patingin-tingin na sa akin ang mga kaklase namin.

"I know it's not worth it to cry but I love him so much, why he need to do this to me?" umiiyak na usl ko.

Hinahagod naman ako ni Jessica ang likod ko.

"Gano'n talaga, mahal mo eh," sagot naman niya.

Dumating sina Princess at Jenina, ang dami nilang tanong nang makita akong umiiyak. Si Jessica naman lahat sumagot nang mga tanong nila.

Nang mailabas ko ang lahat nang sakit na nararamdaman ko mula pa kagabi ay niyaya nila akong magkape sa 1985 studio cafe. Ayaw nilang mag-alak dahil hindi sila pinayagan ng mga jowa nila.

Mabuti pa sila at may pakealam pa sa kanila ang mga boyfriend nila, while me, sitting here waiting for his text and call.

"Balewala na lang ba ako sa kanya?" naiusal ko habang nagkakape kami.

"Girl, sarili mo muna kaya isipin mo. And besides, kailangan mo ring magfocus sa feasib natin. Ikaw pa naman leader namin," sabi naman ni Princess.

"Ano ka ba, cess, mas ini-stress mo lang si Elyzeen eh," suway naman sa kanya ni Jessica.

"Kaya nga. Kailangan nating ipalimot sa kanya ang sakit na nararamdaman niya," sang-ayon naman ni Jenina sa kanya.

"Gusto ko lang namang malaman ang dahilan niya ba't siya galit kagabi eh. Kung bakit gano'n na lang naging reaksyon niya nang malamang nasa dorm ko si Axl," naiiyak na namang kwento ko.

Nasa kawalan ang aking paningin. Parang wala ako sa sarili habang nagkwekwento sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Mas lumapit sa akin si Jessica para i-comfort ako. Dumaloy ang ilang butil ng luha sa aking mga mata.

Dumidilim na ang paligid ngunit wala pa ring paramdam si AD sa'kin, kahit tumawag man lang siya para malaman kung okay lang ako.

At the end, nayaya ko rin silang mag-inuman kahit alam nilang magagalit ang mga boyfriend nila.

"Ely, are you sure you can handle yourself? You know, mababa lang ang tolerance mo sa alcohol, right?" nag-aalalang tanong sa akin ni Jessica.

Nasa loob na kami ng BarTech kung saan dinadagsa rin ito ng mga tao lalo na sa gabi.

"I can. Don't worry. And okay lang naman sa akin kung sina Mia na lang ang isasama ko rito. Pwede ko naman silang tawagan eh," sagot ko naman sa kanila.

KISSEDWhere stories live. Discover now