Chapter 29

62 5 0
                                    

Chapter 29

Masaya si Kashmir habang pabyahe na kami pauwi sa kanila.

"Are you that happy when you knew that Elyzeen and Axl were just friends?" kausap ko sa kanya.

"Of course! I thought they were more than that. Kase hindi rin ako pinapansin ni Axl. Parang ayaw niya sa akin," malungkot na sagot niya.

"Going back to what happened earlier. Paano mo sasabihin iyon kay tita?"

Napabuntong-hininga siya saka niyuko ang ulo.

"Ewan.. Baka mag-high blood lang 'yon pag nalaman niya ang nangyari."

"So, hahayaan mo na lang?"

Huminga ulit siya ng malalim saka siya tumango.

"H'wag mong sasabihin, ha?"

"But make sure na tawagan agad ako pag nangyari ulit 'yon. Or call a police."

Tumango-tango siya bilang sagot.

I called Elyzeen before I go to sleep.

"I'll pick you up tomorrow."

"Okay. By the way, next week is our last week this finals. But I haven't finish my other school works."

"Then, I will help you."

"No, it's fine. Magpapatulong na lang ako kina Olive."

"Okay, but just ask me if you need my help, understood?"

"Yes, boss.."

Kinabukasan ay nagpunta ako sa bahay nina Kashmir pero pumasok na raw sabi ng yaya nila.

"Ang aga mo naman," pinagtitimpla na ako ni Ely ng kape.

"Gusto kita agad makita, eh.."

Pinipilit nitong h'wag ipakita ang ngiti niya, tumalikod din siya sa akin pero hinapit ko ang baywang niya kaya napaupo siya sa lap ko.

"Ano ba, baka makita tayo nina mama," mahinang suway niya.

Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa baywang niya, sinandal ko pa ang katawan ko sa likuran niya.

"Just stay like this for a while," nakapikit kong aniya.

Rinig ko ang pagbating-ting ng kutsara sa mug, mukhang hinahalo pa lang niya ang kape na tinitimpla niya.

"Magkape ka muna," akmang tatayo na siya nang hilahin ko pabalik.

"A.D, maliligo na ako."

"Sama ako.."

"What the fudge? No way!"

"Yes way!"

"Com'on, A.D, I need to get ready. Marami pa akong tatapusin."

Nakasimangot ko siyang pinakawalan. Pailing-iling siya habang nakatingin sa akin.

"Drink your coffee first. I'll be back later."

Umalis na siya ng kusina kaya mag-isa na lang ako rito. Tumayo ako at naglakad-lakad na parang nag-to-tour lang ako rito sa kusina nila.

Pinagmasdan ko ang maliit na refrigerator na nakapatong dito sa tabi ng sink nila.

Akmang bubuksan ko na nang biglang dumating si Eleazane kaya nagulat pa ako.

"Kuya A.D? What are you doing here?"

"Ah---" napakamot ako sa aking batok.

"Ah? What?" pinilig nito ang kanyang ulo.

"Oh, hi, A.D.." bati sa akin ni tita nang dumating na rin siya rito sa kusina.

KISSEDWhere stories live. Discover now