Chapter 60

2 0 0
                                    

Chapter 60

1 month na lang at matatapos na ang internship namin. Gragraduate na rin ako sa wakas kasama ang magiging baby ko.

I know, dapat kasama namin si AD ngayon. But unfortunately, his tired of me na.

Sabi nila, maganda raw ako. Pero bakit ako iniiwan? Bakit silang lahat binabalewala ako?

Tama nga sila, hindi lahat nang tao ma-p-please mo.

Umiiyak ulit ako dito sa may banyo habang naliligo. Iniisip ko kaseng lalaki ang anak kong walang daddy. Na-f-feel ko na ang ma-f-feel ng anak ko.

Because I know how it feels. Nakasama man namin lumaki si daddy, iniwan pa rin naman kami.

"Ate, you okay?" Tanong ni Eleazane na siyang sumalubong sa akin paglabas ko ng banyo.

Kitang-kita na kase ang pamumugto ng mata ko.

"Yeah. Don't worry," walang buhay kong sagot sa kanya.

"Sabi ni doc Albert kaninang magkasalubong kami sa coffee shop, paalala ko raw sa'yo 'yong ultrasound mo mamaya. Ready ka na bang malaman kung anong gender ng baby mo?" Malumanay na tanong ng kapatid ko.

Inayos ko muna ang nakapalibot na tuwalya sa ulo ko bago ko siya sinagot.

"Samahan mo ko kung wala kang pasok, ha?" Umupo ako sa sofa at kinuha ang isang basong juice sa may lamesa.

"Eh, ate--"

Bago pa siya makaangal ay umakyat na ako sa kwarto ko. Gusto ko si Eleazane ang sumama sa'kin ngayon. Ayukong makaisturbo sa mga kaibigan ko, lalo na't alam kong busy silang lahat ngayon.

Tinapos ko na agad ang pag-aayos ko para matapos na ang ultrasound ko mamaya.

Lumabas ako ng kwarto para sana sabihan si Eleazane na pupunta na kami sa OB ko ngunit paglabas ko ay si AC agad ang bumungad sakin.

Bihis na bihis siya at may hawak pang maliit na bag. Nagtataka ko siyang tinitigan.

"What are you doing here?" Matamlay kong tanong.

Ngumiti lang siya sa'kin at hinawakan nito ang kamay ko.

"Let's go?"

"Let go of my hand!" Madiin kong saad at binawi ang kamay ko sa kanya.

Nawala ang ngiti niya at napalitan ng pagtataka.

"Elyzeen--"

"AC, I'm asking you, what are you doing here?"

Of all people na pwede kong makita paglabas ko ng kwarto ko ay si AC pa na kakambal nang lalakeng nanakit sa puso ko? Na nang-iwan sa amin nang magiging baby ko? The fvck!

"Sabi ni Elea, samahan daw kita aa hospital. Magpapacheck up ka?"

Sumusunod siya sakin na parang ewan.

"Sinabi niya sa'yo? I doubt!" Inirapan ko siya sabay iwas ng tingin.

"No. Sabi lang niyang samahan kita. She's busy with her drafts, kaya ako ang sinabihan niya."

Mukhang nagsasabi naman siya ng totoo. Pero sana hindi sinabi ni Eleazane na buntis ako at baka sabihin ito sa kakambal niya.

Naku, malalagot talaga sa'kin 'yong bruha kong kapatid!

Si AC ang nagmaneho sa kotse niya at ako naman ay nasa back seat habang nakahalukipkip. Nagmamasid sa paligid at hindi pinapansin si AC na pasulyap-sulyap sa'kin sa salamin.

Aangat na ang bibig niya at mukhang may sasabihin or itatanong ngunit pinigilan ko na agad siya.

"Don't talk!" Madiin kong pigil sa kanya.

KISSEDWhere stories live. Discover now