01

3.1K 69 12
                                    


Zero Cadman Point of View

"Bakit nakapang bahay ka?" Gulat na tanong ko ng makita ko ang suot niya. Aalis kasi kami pero naka T-shirt at Maong short lang siya tapos marumi pa yung sapatos.


"Huh? Anong pambahay?? Shunga pang-alis ko na 'to." Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya. Napatingin naman siya sa'kin.


"Sorry. Alam mo namang mahirap lang kami, minsan yung pagpa-part time job ko napupunta lang sa mga kapatid ko at walang natitira para sa'kin." Nahihiya niyang sabi at napakamot pa sa batok niya.


Ulila sa ama si Tanya dahil iniwan daw sila at nakahanap ng mas mapera. Si Tanya na ang tumayo bilang ama sa tatlo niyang kapatid simula ng iniwan sila. Ang nanay naman niya ay nagtitinda ng isda sa palengke minsan ay ruma-raket bilang labandera.


"G-gusto mo ikaw nalang pumunta sa birthday ni Alara tutal ikaw lang naman yung invited." Sabi niya pa. Ngumiti naman ako at inakbayan siya.


"Don't worry! I got you. Daan muna tayo mall bago pumunta sa birthday." I pulled her hand at pinasakay sa kotse ko.


"Teka." Pigil niya sa'kin. "Oh?"


"May twenty pesos ka ba d'yan? 100 kasi yung pera ko kapag binigay ko sa mga kapatid ko, hindi na mababalik yung sukli." Biro niya pa. Ngumiti naman ako at inilabas ang walllet, kumuha ako ng 1000 at ibinigay sakanya. Nanlaki naman ang mga mata niya.


"1000? Zero, 100 lang hinihingi ko." Gulat na sabi niya.


"Give the 100 to your brother and then keep mo 'yang 1000 para may maibaon ka next week, baka hindi ka na naman pumasok eh." Pagbibiro ko sakanya. Lumabas naman siya ng kotse ko at tumakbo papunta sa bahay nila.


Hindi ako nandidiri sa kung ano si Tanya dahil ang mahalaga sa'kin ay ang pagkakaibigan. Sila Cross at Kenneth ay bihira ko nalang makasama dahil busy sa mga shota.


Pinaandar ko agad ang sasakyan ng makasakay ulit siya. Tahimik kaming dalawa sa byahe hanggang sa makarating sa mall na palagi namin pinupuntahan nila Cross noon.


"Mahal mga damit dito ah?" Tanong agad ni Tanya pagkababa sa sasakyan.


"Kayang-kaya ng bulsa ko." Pagbibiro ko at kinindatan pa siya. Inismiran niya naman ako.

Pumasok kami sa mall at dumiretso agad sa Prada. Pagpasok namin sa loob ay agad kaming binati ng mga staff.


"Kulay black na sleeveless dress yung size niya miss. Kahit anong sandals na kakasya sa paa niya. Pakiayusan na rin." Tumango naman ang staff at inalalayan si Tanya papasok sa dressing room.


She slipped out of her shoes and let them hang on the rack, slipping off her shirt before sliding on the dress in a matter of seconds.


After a hour, lumabas na si Tanya na nakangiti. Hindi ko maipag-kakaila na ang ganda niya ngayon. It was perfect and she felt beautiful with her hair falling loose down her back and makeup done perfectly.


A smile came to her lips, her stomach fluttering as she turned around slowly, taking the way the dress flowed and looked. Naka-istilo ang kanyang buhok kaya mahina itong bumagsak sa balikat niya na parang kurtina. Bumagay ang kanyang buhok sa maganda niyang mukha.


Sinuot niya ang binili kong sandals at nakangiti siyang lumapit sa'kin.


"Feel ko marami akong maaakit mamaya." Biro niya. Tinignan ko lang siya at ngitian saka tumayo para lumapit sa counter para magbayad. Iniabot ko ang credit card sa isan staff.


"Thankyou Sir, balik po kayo." Nakangiting saad ng isang staff. Tumango nalang ako kahit wala akong balak na bumalik dito. Sino naman ang dadalhin ko ulit dito? Si Alara? Mas mayaman pa sa'kin yun eh.


Lumapit ako kay Tanya at niyaya agad siya dahil malapit na mag simula ang party at malayo ang venue. Inalalayan ko si Tanya makasakay sa kotse ko. Habang nasa byahe ay nagkwe-kwento siya tungkol sa buhay niya at ito ang pinaka-gusto ko sa lahat ang magkwento kahit hindi ko tinatanong. Feel ko kasi pinagkakatiwalaan ako ng tao kapag nagkwe-kwento sa'kin.


"Alam mo bang first time kong magsuot ng dress sa buong buhay ko. Dati kasi nung bata ako lagi akong makahubad minsan may suot naman pero mga pinaglumaan pa ng mga pinsan kong lalaki yung suot ko, kaya thankyou... Thankyou kasi pinaranas mo sa'kin na makasuot ng dress." Tumingin ako sakanya. Pansin ko ang luha sa mga mata niya na nagbabadyang tumulo kaya binigyan agad siya ng tissue dahil baka masira ang make-up niya.


"It's okay. Mag bestfriend tayo, kaya kung anong meron ako, meron ka." Nginitian ko siya.


"Sabi mo yan ha. Kapag ako na naman inutusan mo bilhan ng pagkain si Alara kutusan kita." Pinunasan niya ang luha niya.


Nakarating kami ng venue na sakto lang sa oras. Marami ng tao pero hindi pa nagsisimula ang party.


"Zero!" Tumingin agad ako sa taong tumawag sa pangalan ko. Si Kenneth.

Bakit nandito 'to?


"Puntahan ko muna kaibigan ko. Punta ka muma doon sa catering, kumain ka kung gusto mo." Paalam ko kay Tanya.


"Sige, sunod nalang ako mamaya." Tumango siya at ngumiti. Nagpunta naman ako sa pwesto ni Kenneth.


"Bakit nandito ka? Invited ka ba?" Tanong ko kay Kenneth.


"Oo. Sino yung kasama mo kanina?"


"Si Tanya." Sagot ko. Tumawa naman siya ng nakakaloko.


"Naks! 'di ko namukhaan ah ahahaha. Nasanay ako sa itsura niyang 'di maayos yung buhok tapos pang lalaki yung damit." Hindi ako natuwa sa mga sinabi niya kaya hindi ko siya sinabayan. Halata na rin na tinamaan na ito ng alak at hindi na alam kung ano-ano ang mga pinagsasasabi.


"Teka nga pala... Hindi ba may gusto ko kay Alara? Bakit hindi mo pa ligawan?" Tanong ni Kenneth.


"May plano na akong bakuran siya." Sagot ko. Tumawa naman ulit siya.


"P-paano na si Tanya niyan?" Tanong niya ulit.


"Baka umiyak yon kapag nalaman niya." Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Magkaibigan kami ni Tanya kaya bakit siya iiyak? Tears of Joy??


"Magkaibigan kami ni Tanya." Seryoso kong sagot dahil magkaibigan lang naman talaga kami.


"Eh, siya? Kaibigan ba ang tur-" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang makarinig kami ng isang sigaw ng lalaki.


"What the fuck!! Alam mo ba kung magkano 'to?!" Sigaw ng lalaki.


"P-pasensya na po, pupunasan k-ko nalang." It's her.


©LucorLucicious

Okay lang ba 'tong chapter 1? Comment nga kayo gusto ko mabasa kung okay ba o hindi :))

Fake RelationshipHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin