08

1.3K 53 10
                                    


Zero Cadman

Tulala ako habang pinagmamasdan si Tanya na tumatakbo papasok sa bahay nila.

Anong problema niya?

Hindi ko na siya sinundan pa at baka may problema siya, pansin ko rin kanina na malungkot ito habang naguusap kami sa phone.

I am a friend of her. Gustuhin ko man siyang damayan sa problema niya pero baka hindi ako makatulong. Hindi ako marunong magcomfort ng isang tao kaya hahayaan ko nalang siya muna mapag-isa, i give her space.

Umalis na ako sa tapat ng bahay nila at nag-abang ng masasakyan. Hindi ko dala ang kotse ko dahil kasama kong pumunta rito ang kapatid kong si Fourth at hiniram saglit may pupuntahan raw.

Ilang minuto lang ng may dumaan na jeep kaya sumakay agad ako. Dadaan naman ito university na pinapasukan namin nila Tanya, pero A.M shift siya kami ni Alara P.M shift.

Umupo ako sa bandang hulihan para di masiyadong mainit at para na rin makababa agad ako at hindi na mag excuse pa.

Last na sakay ko kasi ng jeep ay puro loko ang mga nakasabay ko kesyo mayaman raw ako bakit ako nagje-jeep? E' ano bang pakialam nila kung nagje-jeep ako? Natuto lang naman ako kay Eloise magcommute sa mga ganitong sasakyan, pero hindi ko pinagsisihan, maganda rin naman magcommute sa mga ganitong sasakyan, matututo ka makipag socialize. Ang mahirap lang sa mga ganitong sasakyan barya-barya lang ang ibabayad.

Inabot ko ang 100 sa taong katabi ko para iabot niya kay Manong Driver buti at mabait si Ate at kinuha ang bayad ko. Minsan sa jeep hindi nila iaabot ang bayad mo at hindi ka papansinin, hahayaan kang mangalay.

"Wala ka bang barya dyan boss?" Tanong ni Manong Driver. Tumingin naman ako sakanya.

"Wala ho, inyo nalang sukli sir kung wala kayong panukli." Nakangiti kong saad. Hindi ako nagyayabang sa mga tao na kasabay ko ngayon.

Sa kalagitnaan ng byahe ay biglang bumuhos ang malakas ng ulan kaya napausog ako paloob dahil mababasa ang pants, buti nalang at kaunti lang kaming nasa side namin ang nakaupo kaya may iuusog pa.

"Baha na sa kabilang kanto, hindi na kakayanin ng jeep ko. Pasensya na pero kailangan ko na kayong ibaba sa may masisilungan." Humarap ang driver samin at nagso-sorry, sabi naman ng iba ayos lang basta ibaba sa may maayos na masisilungan.

Hininto ng driver ang jeep niya sa isang fast food chain at doon kami pinababa, mabilis naman kaming bumaba at sumilong. Ako naman ay pumasok sa loob na medyo basa dahil masiyadong malakas ang ulan.

Bibili ako ng pagkain dahil nakakahiya naman kung sisilong ka lang pero wala kang bibilhin.

Kaunti lang naman ang tao sa counter area kaya pumila na ako. Tumingin pa ako sa labas, sobrang lakas pa din ng ulan.

May bagyo ba?

Pagkatapos kong bumili ay naupo ako sa isang vacant table at doon kumain. Inilabas ko ang cellphone ko at tinignan kung may chat.

Meron

In-open ko ang messenger ko at isa-isang tinignan ang mga message. Hindi naman ako interesado sa mga chats ng iba tanging sa mga kaibigan ko lang at kay Alara ako nakikipag-usap.

Fake RelationshipWhere stories live. Discover now