06

1.4K 51 16
                                    


Tanya Zielle Hernandez

Bumalik ako sa room na parang walang nangyari. Ayokong nakikita ako ng mga tao na umiiyak, feeling ko napaka hina kong tao, na sa isang lalaki lang umiiyak na ako.

Pagpasok ko sa room ay tapos na rin ang iba magluto, at lahat ay mga nakaupo na. Nakikinig sila kay Chef. Napansin ko pa ang nakasulat sa board. Parang nagbo-botohan kung sino ang mga officers ngayong taon.

Kung itatanong niyo, bakit may blackboard sa kitchen? Hindi naman kasi siya totally kitchen. Ginagamit siya para sa mga subject na related sa pagluluto, lalo na sa course na culinary arts.

Kumatok muna ako bago ako pumasok sa loob. Lahat naman ay nakatingin sa'kin yung iba ay halos humiwalay na ang ulo kung makatingin sa'kin, para silang excited.

"Ayan na pala si Tanya, Chef." Sabi ng isa kong kaklase, hindi ko alam kung anong pangalan.

"Tanya." Nakangiting humarap sa'kin si Chef.

"Chef?" Takang tanong ko.

"Since, two weeks ang nakalipas simula nung nagsimula ang klase, pero wala pa kayong officers. Ikaw ang napili nila bilang president sa class niyo. Lahat sila nakita kung gaano ka kasipag." Saad niya. Nagulat naman ako.

"Tatlo na po ang absent ko." Pagtutol ko sa gusto nila.

Ayoko magkaroon ng position sa school, feel ko ang daming gagawin.

Alam niyo yung feeling na minsan ka na nga lang piliin, maging president pa.

"Nakakahabol ka naman sa mga gawain mo." Saad niya ulit.

"Ayoko po talaga Chef, may trabaho po ako. Hindi ko kaya i-handle kung pipiliin niyo pa ako as a president."

"We'll just make someone else be president if you won't take it." The look on her face told me she would back her decision.

Nagpapasalamat naman ako kay Chef at sumang-ayon siya sa gusto ko.

Naupo ako sa pwesto ko kanina at humarap kay Chef.

"Since, ayaw ni Tanya maging president. Sinong gusto niyo?" Tanong ulit sakanila.

Nagkatitigan ang mga kaklase ko, yung iba nagkumpulan pa kung sinong pipiliin.

"Ako nalang Chef." Sabi ni Melanta. Napunta naman ang mga mata namin sakanya.

"Ow."

"Ay?"

"Jusko."

Ilan lang iyan sa mga side comments na naririnig ko mula sakanila. Kilala namin si Melanta bilang flirty girl.

Tinawag namin siya na flirty girl dahil lahat ng lalaking matitipuhan niya, nalalandi niya, kahit may girlfriend na yung tao hindi niya tatantanan.

Ewan ko ba sa babaeng 'to, hindi ata nakakatulog pag walang lalaki araw-araw.

Fake RelationshipWhere stories live. Discover now