Chapter 1

11 1 0
                                    

"Oh, late! Sabi ala-una call time eh. Dito ka." I strictly commanded to one of our member before gesturing my hand to my right side. "Coach will going to be late for today dahil may inaasikaso sa bahay nila."

"Two minutes late lang eh," Reklamo ng isang member na pinapunta ko sa tabi.

"Late pa rin 'yon." Kuya Ewald answered while stretching his arms.

"Si Kuya Ewald college student mas maaga pa sa inyo. Partida loaded school works niyan." Dagdag naman ni Kaihan.

I sat on the concrete barrier to wait for the others. As a leader of this group, ako ang responsable kapag wala si Coach. Kuya Ewald started to play music and began dancing while waiting for the others. We are here at the parking lot of an abandoned glass factory. Loob na parte ito ng syudad at dito rin madalas mag-practice ang ilang dance groups. Sa hindi kalayuan sa kinaroroonan namin may isa pang grupo na nagpa-practice. Pero ilang lakad pa palabas sa pwesto namin. 

Nang makarating na lahat ng member ay inayos ko agad sila, dahil ang mga late may punishment. It's not really that hard, may dagdag lang'yung bilang ng warm up nila. 

"Sa mga hindi late, as usual isang set and same repetition. Sa mga late naman 2 sets same repetition." I commanded before they formed a circle, isang circle sa late at hindi, habang ako ay nasa harap lang. Pero syempre kasali ako sa warm up. 

"Majo, paano naman 'yung jumping jacks namin?" Parang nagpapa-awa na sambit ng isa naming member na late.

"E 'di isang-daan na jumping jacks, 2 sets nga 'di ba?" Sagot ko naman bago kami nag-proceed sa warm up. 

Matapos sa warm up ay pina-upo ko muna sila sa lapag upang pag-usapan ang bagay na dapat namin mapag-usapan.

"Kita niyo naman announcement ng Big Event Page sa social media 'di ba? The Big Dance Contest will be three months from now. Now, we are qualified from entering to the said contest, but... Coach want to expand our group kasi may idadagdag na steps and also stunts, meaning kailangan pa natin ng tricker. Kaya nagpa-recruit si Coach sa inyo, right?" I said before gesturing my hand to Kaihan and Kuya Ewald.

"Sino nga ulit mga recruit niyo?" I asked at agad naman nilang inakbayan ang mga ito na katabi lang nila. "Okay, this Big Event is not a typical dance contest na sinasalihan natin. It is a big dance contest na pangarap ng nakararaming mananayaw. Malaking entablato 'to at alam kong aware kayo rito at alam ko ring pangarap natin itong lahat." Nakangiting usal ko at pumalakpak naman ang co-members ko.

"Okay, next... may contest tayong sasalihan next week sa Quezon City. For this contest syempre 'yung lumang pyesa gagamitin natin at hindi muna papasok ang bago. For today, Kuya Ewald and Kaihan... both of you are responsible to teach them the steps para kapag ituturo na ni Coach ang idadagdag sa pyesa magiging madali nalang sa kanila ipasok 'yon. The rest of you guys practice the old piece as usual. Let's go!" I said before clapping twice at agad naman silang kumilos. 

I took my phone to plug and connect it to the speaker before playing our music. 

"Elona," Tawag ko sa isa sa pinakamalapit sa akin dito sa grupo.

"Yes?" She asked while moving her arms like she was practicing the waacking part of our piece.

"Ikaw muna bahala r'yan ah, I'll be monitoring them." I said while pointing where Kaihan and others are. "Later on go tayo, okay?" 

"Makakaasa ka!" She answered before clapping at the other members for signal.

"Pangalan?" Simpleng tanong ko sa mga recruit bago umupo sa concrete barrier sa gilid. 

Sabay-sabay silang napatingin sa akin, including Kuya Ewald and Kaihan.

"A-Ah, this is Dar, Emman, and Jepoy." Pagpapakilala sa kanila ni Kaihan.

Living With The Passion (Living series #3)Where stories live. Discover now