Chapter 7

2 1 0
                                    

"'Yung kamay mo paki-extend pa kasi ikaw lang naiiba eh. From the top." Malakas na usal ko na siyang sinunod ng mga members ng dance club. 

Nandito kami ngayon sa school at sa quadrangle ko sila pinag-practice to maximize the space. Sabado naman ngayon kaya wala masyadong tao. Walang practice ang mga candidates dahil hindi ko alam malay ko ba. Pero okay na naman sila, last practice ko sa kanila ay kahapon lang and mabilis lang din ang naging practice namin dahil malinis at kabisado na nila ang steps, sobrang basic lang din naman kasi n'yon. 

Nang i-play ko ang music ay kita ko naman na gusto nilang maging maayos ang outcome ng sayaw nila. 

"Travel pa-likod and 1, 2, 3 shamrock grooves. Nice." Usal ko habang pinapanood sila 'tsaka pumalakpak. Pinanood ko lang sila hanggang matapos ang halos apat na minuto ng pagsasayaw. At maayos naman ang outcome pero kailangan ko pa ng mas maayos pa doon dahil nakukulangan ako sa pagka-swabe ng galaw nila. Remix 90's music kasi ang pyesa na pinili nila, kaya mas maganda kung naha-highlight ang pagka-swabe at smooth ng sayaw. Nagpa-thirty minutes water break ako bago muling bumalik sa pagtuturo hanggang sa ma-satisfy ako sa outcome. Sabi ng leader nila ay mag-stay daw sila dito para mag-practice pa at pumayag naman ako, I just told them na i-update ang teacher na nagha-handle sa kanila. Inabot lang din nito sa akin ang na-kolekta niyang bayad mula sa members bago ako tuluyang umalis. Tanghali na nang makauwi ako, sakto namang nag-aasikaso si Mama ng tanghalian. 

"Oh, kakain na. Kumuha ka ng mga plato." 

Sinunod ko naman ang utos nito nang maibaba ko ang bag ko sa upuan. Tinawag ko na rin ang kapatid kong mas matanda sa akin ng dalawang taon dahil papasok na rin ito sa school. Tatlo lang kami sa hapag dahil nasa trabaho na si Ate Lea habang si Kuya Jonard naman ay hindi na rito nanunuluyan. Depende nalang sa kanya kung kailan siya bibisita rito.

Matapos kumain ay ako na rin ang naghugas ng mga plato. 

"Pagkatapos mo riyan pumunta ka sa palengke at bilhin mo itong mga 'to at ako'y maglalaba ng mga damit niyo. Ilabas mo na rin mga damit mong labahin." Utos ni Mama at ilagay sa lamesa 'yung listahan ng mga bibilhin ko pati na rin syempre 'yung pera. 

Matapos ko nga maghugas ay inilabas ko na muna ang basket ko na naglalaman ng labahin 'tsaka dumiretso na sa palengke. Nag-tricycle ako papunta roon at kaunti na lang naman ang tao dahil tanghali na. Mga gulay, karne, at ilang condiments ang pinamili ko dahil naubusan na ata ng laman ang ref namin. Sumasakit na rin ang kamay ko dahil sa daming plastik na hawak ko, nalimutan ko kasi magdala ng eco bag eh. Umalis na ako sa palengke at naghanap ng grocery store dahil bibili ako ng mga pweding meryenda para mamaya dahil nga sa dance contest na pupuntahan namin sa QC. Iniwan ko ang una kong pinamili dahi bawal sa loob, binigyan ako ng claim number bago tuluyang pumasok at kumuha ng basket. 

Una akong pumunta sa mga biscuits, kumuha ako ng tig-isang pack ng magkaibang biscuit, kumuha na rin ako ng isang pack ng candy bago tuluyang pumunta sa drinks area at kumuha ng dalawang 1.5 na soft drink. Syempre saka lang kami iinom ng soft drinks kapag tapos na kami mag-perform at baka mayari during performance kung iinom kami before sumayaw. Lahat naman kami ay kani-kanyang dala ng water bottle. Nasa cashier na ako at nakapila nang may maaninag akong pamilyar na mukha. Pinaningkitan ko ito ng mata at hindi nga ako nagkakamali, it's Kaihan waiting for all he purchased. Lumingon ito at sakto namang sa akin pa. Nagulat pa siya nang makita ako pero ngumiti rin kalaunan at tinanguan ako. I smiled back awkwardly before moving forward. Kinuha na nito ang ipinamili niya 'tsaka sumenyas na lalabas na. 

Matapos ang ilang minuto ay turn ko na. I requested na ilagay nalang sa eco bag at bumili na rin ako ng isa pang eco bag dahil ililipat ko ang mga ipinamalengke ko kanina. Nang makalabas ay kinuha ko na rin 'yung pinatabi ko at pumunta sa gilid upang ilipat lahat sa eco bag.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 10, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Living With The Passion (Living series #3)Where stories live. Discover now