Chapter 4

4 1 0
                                    

"Oh, tapos na meeting niyo?" Pabulong na tanong ni Aki pero hindi ko ito pinansin at umupo nalang sa pagitan nila ni Monique 'tsaka napabuntong hininga.

I could feel them staring at me pero hindi ko nalang pinansin at nakinig nalang sa discussion ng teacher namin. Nahagip ng mata ko ang upuan ni Moreen, naiwan ito sa hall dahil may practice silang mga candidate. Sumandal ako sa kinauupuan ko bago napahawak sa pisngi ko na ramdam ko pa rin ang sakit at parang nag-iinit.

I can't believe she slapped me because of a guy.

She slapped me because I'm too close with Kaihan. She told me to stop flirting with Kaihan. Ni hindi ko alam saan niya nakuha 'yon, hindi ko alam kung may idea ba siyang halos ilang taon na kaming magka-grupo at magkaibigan. Ang malala pa, ni-hindi man ako ako binigyan ng pagkakataon para magsalita to defend myself or to explain hanggang sa nagsidatingan na ang mga tao sa hall kanina, even Kaihan.

Sa sobrang pag-iintindi ko sa nangyari sa amin kanina ni Moreen ay natapos nalang ang ilang subjects hanggang sa mag-lunch na ay wala man lang akong naintindihan sa discussions.

"Anong nangyari sa 'yo? Alam naming hindi ka ganun kadaldal pero kakaiba ka na eh." Tanong ni Mervin habang naglalakad kami papuntang canteen.

"May hindi kasi magandang nangyari kanina."

"Anong nangyari?" Tanong ni Monique 'tsaka pumunta sa harap ko na naglalakad na ngayon patalikod.

"Umayos ka nga baka maka-bangga ka sa ginagawa mo eh." Sambit ni Aki 'tsaka hinatak si Monique sa tabi niya.

"H'wag tayo sa canteen kumain kung gusto niyong i-kwento ko." Usal ko habang pinipigilan ang aking pagtawa.

Natatawa ako kasi makikita sa mata nila na uhaw sila sa chismis. Since 1:30 pa ang next class namin, sa malapit na karenderya kami kumain, mabuti at wala masyadong students na nandito dahil kadalasan ay nasa canteen. Meron man ay mangilan-ngilan lang. Nang makabili ng pagkain ay doon ko na ikwinento sa kanila ang nangyari. Katulad ko, nagulat din sila sa ginawa ni Moreen sa akin.

"Totoo ba? Dahil lang kay Kaihan?" Parang na-intriga na sambit ni Monique.

"Aba malay ko nga eh, nagulat nalang ako ang salubong sa akin ay sampal. Hindi man lang ako nakapagsalita para iklaro sa kanya dahil may mga na nagsipasukan that time."

"Why not talk to her kapag nagkaroon ka ng chance? Kasi mahirap na magkaroon ng issue. Wala akong tiwala sa babae na 'yon 'no." Usal ni Mervin.

"Nasa loob ang kulo n'yon. One time nga naging na-grupo ko 'yan tapos tingin sa 'ming mga kagrupo niya is competitors, she's not even informing us on what to do or even clear things out sa group activity. Sigurado rin naman ako may mga iba ring nakakapansin sa ugali niya." Dagdag naman ni Aki.

Itong Aki na 'to, walang pakialam kung babae kaharap eh, kung may chance siyang barahin ay gagawin niya talaga kapag nainis siya. How funny.

"Kausapin mo nalang, Jo. Para naman aware siya. Hindi 'yung mananakit lang dahil kay Kaihan." Monique then said while eating.

"Syempre naman 'no, ayoko ng issue. Kinausap ko na nga rin si Kaihan about sa pakikitungo niya and seriously speaking he has no idea what's the issue is dahil ang rason niya ay we've been friends for years and also crew mates as well as Moreen is not his girlfriend."

"May point naman siya, however si Moreen nga kasi ay nagseselos. Ibaon mo sa kukote niya na wala ngang meron sa inyo ni Kaihan... wala nga ba?"

Napataas ang kilay ko sa sinabing 'yon ni Mervin, at sabay namang napatingin sa akin sina Monique at Aki.

"Gago ka ba? Anong klaseng tanong 'yan? Syempre wala, matagal na kaming magkakilala ni Kaihan, we're even friends and crew mates."

"Agree! 'Tsaka lang naman nagkaroon ng malisya or issue nang magkaroon ng something si Kaihan at Moreen eh, 'yun eh kung legit bang merong something." Monique said at napatango naman ang dalawa.

Hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang nangyayari.

Matapos namin kumain ay naunang pumasok sila Aki sa classroom dahil maglalaro raw sila, syempre baraha. Habang ako ay pupunta sa hall upang hingin ang magiging pyesa ng dance club. Nalimutan ko kasing hingin kanina kaya ngayon ko kukunin.

I was walking on the hallway when I suddenly saw Kaihan, waving his hand on me from afar. Agad itong tumakbo palapit sa akin dahilan para hindi ako maging kumportable dahil baka mamaya ano na naman ang isipin ng makakakita at makarating kay Moreen.

"Saan ka kumain? Hindi ko kayo nakita ng mga kaibigan mo kanina eh. Si Moreen kasi inaya ako kanina, sasabay sana ako sa inyo eh."

"May mga kaibigan ka naman 'di ba? Bakit hindi ka sa kanila sumabay?" Usal ko nang hindi ito nililingon na siyang kasabay ko na ngayon maglakad.

Saan ba 'to pupunta? Pabalik na ata 'to sa pinanggalingan niya eh.

"So, saan nga kayo kumain?"

"Bakit mo ba tinatanong?" Tanong ko bago huminto at humarap sa kaniya dahil nasa tapat na kami ng hall.

"Wala lang, baka masarap yung paninda doon sa kinainan niyo eh. I just wanna know." He then answered as he shrugged.

Tumango nalang ako bago pumasok at doon nakita ko ang leader ng dance club na siya namang ipinasa sa akin ang kanta na gagawan ko o namin ni Kaihan ng steps. Nagpasalamat ako sa kaniya bago umalis at medyo nagulat ako nang makita si Kaihan sa labas ng hall na nakasandal sa pader habang nakapamulsa. Agad itong napatayo nang maayos nang makita ako.

I tried to ignore him and walked away but he still followed me.

"Kailan natin sila gagawan ng pyesa?"  Tanong nito.

"Gagawan ko na mamaya sa bahay,"

"Just call me if you need my help."

And we both now are silent unti we reached the quadrangle. I didn't bother saying goodbye at nagtungo nalang patungo sa building namin. Dinig ko ang pagpapaalam niyo pero hindi nalang ako lumingon pa.

Nang makaakyat sa floor namin, nakita ko si Moreen na nasa harap ng classroom habang nakadungaw sa ground floor mula dito sa floor namin. She then faced me as she noticed my presence. Nakita niya marahil kami ni Kaihan na sabay lumabas ng hallway.

"Hindi ka ba talaga titigil, huh? I already talked to you, right? To stay away from him?"
Mahina ngunit ma-awtoridad na sambit niya.

"Moreen, it's not what you think. We've been friends for years, nobody thinks the way you think towards us. Stop making up things. Sinampal mo ako at hindi binigyan ng pagkakataon magpaliwanag, ano ba talagang iniisip mo?"

"Distansya lang naman ang hinihingi ko sa 'yo, Marjorie—"

"Kung distansiya lang naman ang problema mo relating to your relationship with him, then talk to Kaihan... not me." Diretsong usal ko bago tuluyang pumasok sa classroom.

All the students are busy, that's why I'm thankful enough that no one heard us talking.

Living With The Passion (Living series #3)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant